T H I R T Y - E I G H T

8.1K 186 1
                                    

Chapter 38: Escape

3rd Person's POV

Kasalukuyang nababalot ang buong sandaigdigan ng mga krimen, pagkakasakit, patayan at tila ba ang mga tao'y nabalot sa takot at nawalan na ng tiwala sa isa't isa.

Ngayon ay nagpasyang lumisan si Tan kasama ang karamihan ng kaniyang mga alagad upang maglibo't sa iba't ibang dako ng daigdig at pagmasdan ang tagumpay na kanilang nararanasan.

Sa paglisan naman ni Tan, pinagsamantalahan na ng grupo nina Nicole ang pagkakataon upang isagawa ang kanilang plano upang maitakas ang kanilang mga kasamahan sa kulungang gawa sa apoy galing impyerno ang selda.

Walang kahirap-hirap na nakapasok si Jenny sa kulungan dahil ang alam ng bantay ay isa ito sa kanilang kapanalig.

"Huwag kayong maingay, itatakas ko kayo dito." Bulong nito sa mga bihag at hindi nagpahalata sa balak na gagawin.

Nakapasok na rin si Nicole at si Manang sa loob na hindi manlang napapansin ng mga bantay dahil sa isang tagong lagusan sila nagtungo.

"Handa ka na?" Tanong ni Nicole kay Jenny na tila ba pinaghandaang mabuti ang gagawin.

Naglabas ito ng patalim saka hiniwa ang hita ni Jenny.

Pinilit itago ni Jenny ang sakit upang walang makarinig sa kaniyang pagdaing.

Unti-unting nanggigilid ang mga luha ni Jenny dahil sa nararamdamang hapdi hanggang sa tumulo na ito sa seldang apoy.

Nagtagumpay nga ang kanilang plano at nagawang maupos ang apoy gamit ang luha ng dalaga.

Naitakas nila ang mga bihag at wala nang sinayang na pagkakataon.

Binaril ni Nicole ang mga bantay kaya wala na silang nagawa pa upang pigilan ang pagtakas ng mga ito.

Nagtungo sila sa magubat na parte ng eskwelahan at doon muna nagpalipas ng oras sa lumang bahay na dating tinutuluyan ni Blake.

Nang masiguro ang kaligtasan ng lahat ay agad niyakap ni Manang ang matagal na nawalay na anak.

"Jerick!" Sigaw nito at niyakap si Blake ng mahigpit.

Kitang kita sa kaniyang mukha ang labis na pagkasabik sa anak.

"N-nanay?" Gulat na tanong nito ngunit hindi parin sinusuklian ang yakap ng ina.

"Ako ito Jerick. Kamusta ka? Lumaki ka ba ng maayos?" Tanong nito at bumuhos na ang mga luha.

Sa halip na tumugon, inalis ni Blake ang pagkakayakap ng ina kaya labis na sakit ang naging dala nito sa inang kakakita pa lamang sa matagal na nawalay na anak.

"Hindi ko kailangan ng ina." Matigas na sambit nito na tumusok sa puso ni Manang.

"J-jerick, p-patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko." Lumuhod ito sa kaniyang harapan ngunit patuliy parin siyang nagmatigas.

Lumabas si Blake ng silid at nagpahangin sa labas.

Death Grey's POV

Nagawa nga kaming itakas nina Nicole ngunit tila isang telenobela ang bunga nito dahil sa pagtatagpo ng mag-ina.

Lumabas si Blake ng bahay kaya sinundan ko siya.

"Blake." Tawag ko dito at nadatnan siyang nakaupo sa duyang gawa sa gulong na nakasabit sa isang puno.

"Umalis ka, gusto kong mapag-isa." Ani niya ngunit nagpatuloy ako at lumapit sa kaniya.

"I'm not here to comfort you. Narito ako para sa plano nating pagliligtas kay Riene." Ani ko kaya naman napatawa siya.

"Sigurado ka bang iyon lang ang paraan?" Tanong niya.

"Kung ito lang ang paraan para mapalaya siya, gagawin ko." Tugon ko.

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid ko."

"I'm willing to risk my life just for her own sake. Siguro ganito na talaga ang nagagawa ng pagmamahal." Ani ko.

"Sana lang naging mabuti ang tadhana sa inyo." Malungkot na tugon nito. "Pero gawin mo ang lahat para hindi ko makitang lumuha ang nag-iisang kapatid ko."

"Mukhang hindi ko 'yan maiiwasan lalo pa't ito na lang ang natitirang paraan." Wika ko kaya tinapik nito ang aking balikat. "If a fate can prevent another fate from happening, then I rather use that fate even it's risky."

"Ang swerte sa'yo ng kapatid ko. I hope na magawa ko rin para sa kaniya ang bagay na 'yan."

Sandra Gregory's POV

Narito kami sa loob ng lumang bahay sa likod ng school at kasalukuyang pinapatahan ng mga magulang ko si Manang.

Kung ako siguro ang nasa kalagayan ni Blake ay pinakinggan ko muna ang side ng nanay ko bago magdesisyon ng sunod na gagawin.

Lumabas pala ulit si Jenny at hindi na namin siya napigilan. Sabi niya ay kikitain daw niya si Zac at gagawin ang lahat para akayin ito sa tama.

Kamusta na kaya si Riene?

Malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya. Kaya gusto kong humingi ng tawad ng harap-harapan.

Narinig namin ang pagbukas ng pintuan at iniluwal nito si Blake at Grey na kanina'y magkasama sa labas.

"Ganito ang plano." Ani ni Grey at naupo sa upuang gawa sa kahoy.

"Sandra, Kim at Tim, ilabas niyo ang mga magukang ni Sandra dito sa school pati na si Manang." Saad nito kaya nagbigay agad ako ng reaksyon ko.

"Teka lang, gusto kong sumama sa pagliligtas kay Riene. Gusto kong makabawi sa kasalanang ginawa ko." Tugon ko kaya hinawakan ako ni Mommy sa aking kamay na tila ba hindi nagustuhan ang aking tinuran.

"Sorry pero ito ang mas makabubuti." Tugon niya kaya wala na akong nagawa pa.

"Paano naman ako?" Tanong ni Tim na halatang hindi rin sang-ayon.

"Kailangan nila ng lalaki para mapagtanggol sila kung sakaling may panganib." Sagot naman ni Blake na tila iisa ang kanilang desisyon ni Grey.

"Kung gayon, kayo lang ang magliligtas kay Riene?" Tanong ko.

"Si Nicole at Riko ang magbabantay sa labas at kami naman ni Blake ang papasok sa kinaroroonan ni Riene." Ani ni Grey.

Wala na nga akong choice kundi ang sundin ang utos nila.

"Teka, alam niyo na ba kung nasaan si Riene?" Tanong ni Kim.

"Nagpaalam sa amin si Jenny at sinabing aalamin daw niya ang kinaroroonan ni Riene kaya huwag muna tayong kikilos hangga't hindi siya bumabalik. Sinabi niya ring kukumbinsihin niya si Zac na muling kumampi sa atin ngunit mukhang malabo." Sagot ni Blake.

"Bagaman ay kailangan niyo nang kumilos. Kailangan niyo na silang maitakas dito bago pa man sila magbalik." Saad ni Grey kaya naghanda na kami sa pag-alis.

Labag man sa kalooban namin ay kailangan namin silang sundin. Hindi rin nagustuhan ni Manang ang kanilang ideya ngunit napilitan rin siyang sumunod.

Sana magtagumpay kayo.

Sana matapos na ang lahat ng ito na buo parin tayo.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now