E P I L O G U E

10.3K 268 20
                                    

Riene Allison's POV

"Bes!" Tawag ni Sandra kasama si Riko na ngayo'y kararating lang sa Cafe na pagkikitaan naming mga magkakaibigan.

"Ikaw pa lang?" Tanong ni Riko na animo'y nang-aasar na ngayo'y mag-isa lang ako.

Oo na kayo na ang may buhay pag-ibig. Huwag niyo nang ihampas sa mukha ko.

"May nakikita ka bang ibang nilalang dito?" Mataray na tanong ko saka siya inirapan.

"Chill!" Sigaw ni Tim na kapapasok lang din. Kasama niya si Kim habang magkahawak ang kamay.

Hays. Mukhang nagsisisi akong pumunta dito. Halos lahat kasi sila may lovelife na, ako na lang ang wala.

Dumating na din si Kuya Blake at Nicole na para bang siga na naglalakad sa daan.

"Kailan ka ba kasi magkakaboyfriend?" Tanong ni Sandra habang sinisipsip ang Float na ako ang umorder.

"Wala sa plano ko ang magkaboyfriend." Saad ko at muli silang inirapan.

Kung naaalala lang nila ang mga nangyari noong araw na 'yon.

Noong araw na mawala ang kaisa-isang lalaking minahal ko ng totoo buong buhay ko, ang kaisa-isang taong nagpasaya at nagmahal sa'kin ng lubusan.

*Flashback*

May isang puting paru-paro ang lumipad sa loob ng silid. Dumapo ito sa akin at may isang tinig kaming narinig na umalimpungataw sa kabuuan ng silid.

"Ngayo'y nagtagumpay kayo sa napakahalagang misyon na nagligtas sa buong sangkatauhan. Kayo'y mapaparangalan sa pamamagitan ng isang masayang buhay. Makakalimutan niyo ang lahat ng bangungot na naganap sa inyo na sangkot ang mga devils at iba pang nilalang. Makakalimutan ng buong sangkatauhan ang gabing ito at maglalaho sa inyong mga ala-ala ang mga nasawi upang mabigyan kayo ng mas masayang buhay matapos ito."

So ibig sabihin makakalimutan ko siya?

Ayoko! Kahit na masakit, gusto ko paring maalala ang masasayang alala namin. Ayokong mabura na lang basta-basta ang istorya naming dalawa.

I'll just consider this as a happy dream, but please, don't let me forget him.

I know you can hear me. Ngayon lang ako hihingi ng hiling sa'yo, Almighty. Please forgive me just this once.

Nagliwanag ang buong paligid at tanging puti na lamang ang makikita.

--------

'Yon na lamang ang natatandaan ko at matapos ng pangyayaring iyon ay ako na lamang ang nakakaalala sa lahat ng mga naganap.

Isang taon na rin ang nakalipas matapos 'yon.

Nangako rin ako sa sarili ko na hindi na muling magmamahal pa. Dahil para sa'kin, Death Grey is still alive, in my mind, in my soul and in my heart.

"We have an announcement." Masayang ani ni Kim at hinawakan ang kamay ni Tim.

"We're getting married." Saad ni Tim kaya nagulat kaming lahat.

Sabagay, kaya naman nila dahil mayaman ang pamilya ni Kim.

"Kailan?" Tanong ni Nicole na para bang sobrang close sa dalawa.

"3 months from now." Sagot ni Kim.

Yiee! Nakakainggit.

Sana lang nandito pa siya.

Shit! Here I go again, na-mi-miss ko na naman siya.

"Meron din akong sasabihin." Maligayang sambit ni Riko kaya natuon ang atensyon naming lahat sa kaniya.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now