T W E L V E

14.2K 358 12
                                    

Chapter 12: Nicole Morgan

Riene Allison's POV

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang Death Grey na nakangiti sa akin habang hawak ang aking kamay. Nakahiga siya sa aking tabi at nakapaling sa harap ko.

"Good Morning Tomato Pie." Bati niya.

Agad kong iniupo ang sarili ko at gayon din ang ginawa niya.

"How's your sleep with a guy like me?" Tanong pa nito at inirapan lang siya.

"It's my worst sleep ever." Sagot ko at tuluyan nang tumayo ng kama.

"Psh. Taray." Bulong niya.

Nag-ayos na rin ako ng sarili samantalang bumababa na siya upang iprepare ang breakfast namin.

Pero in fairness, hindi niya ako iniwan at hinintay pa niya akong magising. How sweet.

Bumababa na rin ako nang makaligo at makapagbihis.

Matapos naming kumain ay agad na kaming nagtungo sa school.

"Thank you." Sambit ko habang naglalakad kami papuntang classroom.

"For what?" Takang tanong nito.

"For last night, for not leaving me." Sagot ko at nauna na sa kaniya.

Alam kong ngumiti siya kahit na hindi ko nakita. Alam ko din kasi na kanina pa niya iyon hinihintay na lumabas sa bibig ko.

Naupo na ako sa upuan ko. Kasunod ko si Grey na hindi pa rin naaalis ang ngiti at umupo sa aking tabihan.

Pumasok na rin ang prof namin at nagsimula nang magklase.

"Ms. Allison." Tawag niya sa aking pangalan. "Pwede mo bang kunin ang ilang sample papers sa stock room?" Tanong niya.

"Ah sige po." Hindi na ako nakaangal kahit tinatamad akong gawin iyon.

Siyempre kailangan ko din minsan magpabibo sa teacher para mataas ang grades ko.

Lumabas na nga ako sa room at naglakad na patungong stock room.

Napakatahimik ng paligid. Wala ni isang estudyante ang makikitang gumagala dahil class hour ngayon.

"Kamusta?" Tanong ng isang babae na basta na lang sumabay sa akin sa paglalakad.

"Sino ka?" Mataray na tanong ko sabay pumaling dito.

"Don't remember me?" Tanong nito kaya't pilit ko siyang inalala.

Tama! Siya yung babae sa cr.

Hindi parin kumukupas ang ganda niya. Nakakainsicure.

"Ikaw yung babae sa Cr, hindi ba?" Tanong ko dito kaya tumango lang siya.

"By the way, hindi pa ako nagpapakilala, I am Nicole Morgan." Pagpapakilala niya kasabay ng paglalahad nito ng kamay.

Inabot ko ito kahit medyo labag sa loob ko.

Kasi diba sabi nila "don't talk to stangers"

"Bakit ka nasa labas, wala ka bang klase?" Tanong ko dito at nagpatuloy na.

"Well, let's say nagcutting ako." Nakangiting sagot niya.

Iba parin ang ngiti niya, isa itong ngiti na kahit normal ay nakakatakot ang dating.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Sa stock room, ikaw?" Balik ko ng tanong.

"Doon rin?" Hindi siguradong sagot nito sabay nagkibit balikat.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon