T W E N T Y - S I X

9.5K 238 59
                                    

Chapter 26: Tan

Riene Allison's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Riene Allison's POV

Nandito kami ngayon nina Nicole, Blake at Grey sa abandoned building kung saan namin unang nakita na kinukulong ang mga kaluluwa.

May mga bantay pero kampanteng naglakad lang sina Nicole at Blake sa una ng mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ng isang bantay at tinutukan ang mga ito ng baril.

Ngumiti lang si Nicole at matapos noon ay nakarinig ako ng maraming putok ng baril at nakita na lang na nakahilatay ang mga bantay sa ilang iglap.

Muling hinipan ni Nicole ang dulo ng kaniyang baril saka muli itong tinago sa kaniyang hita.

"Let's go." Yaya nito at nauna nang pumasok.

Bakit ang galing nila sa mga labanan?

Dinala ko rin pala yung pana na binigay sa akin ni Blake incase na pwede kong magamit.

Nakapasok na nga kami ng walang kahirap-hirap at dumiretso na sa kulungan ng mga kaluluwa.

Mas dumami sila noong huli naming punta.

Hindi lang dumoble o naging triple ang dami nila.

Nagsisiksikan sila ngayon sa isang rehas na gawa sa apoy kung saan walang makalapit at makahawak dahil maging ang mga kaluluwa'y napapaso.

"Sinubukan na ni Grey na sirain ang kulungan pero walang epekto." Saad ko kaya agad silang umisip ng paraan.

"Buhusan kaya natin ng tubig?" Suggestion ni Nicole na mukhang hindi nakatulong.

"Tanga ka ba? It is a fire from hell, hindi iyan mapapatay ng tubig lang." Seryosong tugon ni Blake.

"I'm just joking." Sabi naman ni Nicole at tumawa ng mag-isa.

Bakit kaya nakamaskara lagi si Blake?

Never ko pa kasi nakita ang mukha niya.

"Maghahanap ako ng pwede nating gamitin." Saad ko at lumabas sa silid.

"Make sure na huwag kang lalayo." Paalala sa akin ni Grey kaya tumango lang ako.

Naglakad ako sa madilim na dako at umaasang may makikitang gamit na maaaring makatulong.

Paano nga ba naman namin masisira ang ganoong klaseng kulungan?

"Tigil." Napataas ako ng kamay ng may tatlong DE ang tinutukan ako ng baril.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isa.

"Naligaw ako?" Di sigurado kong sagot.

"Kung gayon, habang buhay ka nang maliligaw."

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now