T H I R T Y - O N E

8.5K 206 10
                                    

Chapter 31: Truth

Riene Allison's POV


Gabi na at humiga na ako sa aking kama upang magpahinga ng maaga.

"Hello?" tanong ko sa linya ng telepono nang may tumawag dito.

"Riene? Anak?" tanong ng tao sa kabilang linya.

"Daddy? Bakit ngayon lang kayo napatawag? Si Mommy?" sunod-sunod na tanong ko.

Ilang buwan na din kasi kaming walang communication. I just missed them so much.

"Maayos ba ang lahat diyan anak?" tanong ni Mommy na siguro'y katabi lang niya.

"Opo. Ako pa! Anak niyo ata to. By the way, kamusta na po kayo? Is our business going well over there?" 

 "Siyempre naman, we're doing great."

"I miss you both." sabik na sabi ko. "Kailan ba kayo uuwi? Ang tagal tagal niyo na diyan. May balak pa ba kayong bumalik?" dagdag ko pa.

"Anak, we called you dahil may sasabihin kaming importante that we think you should know." seryosong sabi ni Daddy kaya naging seryoso na rin ang mood ko.

"Anak, dapat sinabi na namin sa'yo to dati pa but we did our best to find a perfect timing hanggang umabot na ng ganitong katagal." sabi pa ni Mommy kaya hindi na ako nakaimik pa at inintay na lang ang isusunod nila.

"It was a dark night, umuulan. May narinig kaming malakas na iyak ng bata sa tapat ng gate ng bahay. Akala namin pusa lang noong una pero noong lumabas ako, isang sanggol ang nakita ko." pagsisimula ni Daddy kaya mas inilapit ko ang telepono sa aking tainga upang marinig ang bawat simpleng detalye na sinasabi niya.

"There was a man in a blackhood na nakatanaw sa malayo kaya pinulot ko ang bata saka nagtungo sa kaniya." Pagpapatuloy niya.

"Dad, hindi to magandang biro ha." natatawa kong sambit kahit pa may something sa akin na gustong maniwala.

"He said he's your father at hindi ka niya kayang alagaan kaya ibinigay ka niya under sa pangangalaga namin." 

"Daddy naman e! It's not a good joke. Stop!" nanginginig na rin ang boses ko at nagbabadya na ang mga luha kong tumulo palihis sa aking pisngi.

"Riene, family is not about blood. It is about the connection between people loving and caring each other." Sabat ni Mommy na halatang umiiyak na.

"Kaya ba nakaya niyo akong iwang mag-isa?" tanong ko at nagsimula nang dumaloy ang emosyon na kanina ko pang pinipigil.

"No. We are doing this for your sake. You are our only treasure, Riene. Hindi kami mabiyayaan ng anak kaya we're working hard para masuportahan ka at mabigyan ka ng magandang future dahil ikaw na ang nagsilbi naming bunso at kaisa-isang anak."pagpapaliwanag ni Mommy.

Ewan ko pero bakit ang sakit? Lumaki ako na sila ang kinikilalang magulang then everything was a lie?

18 years. No, almost 19 years ako namuhay sa kasinungalingan?

All this time nalulungkot ako dahil hindi ako mabigyan ng time ng parents ko. Tapos ngayon hindi naman pala talaga ako karapatdapat para mapag-aksayahan ng oras, ng atensiyon? Kahit ang tumira sa bahay na ito ay hindi ko karapatan. Hindi na nila dapat ako binuhay at pinag-aral.

Binaba ko na lang ang telephone dahil hindi ko na ata kakayanin pa ang mga susunod kong maririnig.

Ayoko na. Bakit ba ang gulo-gulo na ng lahat? Kaya ko pa ba? Sino ba talaga ako? Ano ang tunay kong pagkatao? Bakit ko nararanasan ang lahat ng to? Sino ang magulang ko?

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now