F O U R T E E N

12.7K 304 32
                                    

Chapter 14: Deal or No Deal

Riene Allison's POV

Pula, dilaw, dalandan, asul, berde. Iyan ang mga kulay na nakikita ko dito. Mga kulay ng apoy na nagngangalit, nag-iinit.

Mayroong isang lalaki sa di kalayuan ang nakatayo sa gitna ng nag-aapoy na dagat.

Nakatingin siya sa akin na para bang sinasabing sumama ako sa kaniya.

Hindi ko masilayan ang mukha niya dahil sa liwanag ng nag-aapoy na dagat na tumatama sa kaniyang mukha.

Iginalaw niya ang kaniyang braso at inilahad ang kamay sa akin sabay tumango.

"Come with me, you'll get everything."

Naramdaman ko ang mga paa kong humahakbang palapit sa dagat ng apoy.

Riene, anong ginagawa mo?

Nakita ko ang isang ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi.

"That's right my lady."

Riene huwag!

Iminulat ko ang aking mata at inilibot sa paligid.

Narito ako sa silid ko ngayon.

Agad akong pumaling sa aking gilid at nakita ang natutulog na Death Grey na nakahawak pa sa aking kamay.

Napapasarap ata siya sa pagtulog sa kama ko.

Muling nagflash sa utak ko ang mga pangyayari sa eskinita kagabi.

Ano nga bang nangyari?

I met Nicole sa eskinita then iniwan niya ako. Tapos may lalaking tinutukan ako ng baril tapos nagsabi ng holdap to. Binigay ko ang bag at relo ko. Tapos binalak niya akong babuyin and everything went black?

So anong nangyari after non?

Huwag niyong sabihin na narape ako?

Pero why am I in my own room?

"I saved you." Pikit matang sambit ni Grey with matching husky voice.

Ohmay, ang sexy ng boses niya kahit husky.

Tumitig na lang ako sa kaniya para hintayin pa ang mga sunod niyang sasabihin.

"I saw you talking to a guy last night. He forced you until you reached the lampost and you collapsed. That is why I came and rescued you."

So nagcollapse ako kagabi?

"Yes."

Ang astig naman nito, we're communicating even hindi ako nagsasalita.

"You should thank me. Kung wala ako doon ay baka hindi ka na virgin."

Agad akong bumitaw sa kamay niya saka tumayo sa kama.

How could he bring that v-topic in front of me. Nakakahiya kaya.

"As a payment for saving you, pangalagaan mo iyan. Make sure na sa akin lang dapat iyan nakalaan." Dugtong pa niya na mas nagpadagdag ng awkwardness sa atmosphere.

I think my face is burning for the 1,000,000th time.

Buti na lang at nakapikit pa rin siya kung hindi aasarin na naman niya akong tomato.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Para akong nakikipag-usap sa tulog.

"Che! It's not a good joke." Inis kong saway sa kaniya.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon