T W E N T Y - F I V E

9.8K 232 16
                                    

Chapter 25: Day2

Riene Allison's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami ni Grey.

Nagising akong nakasandal sa dibdib niya habang yakap-yakap ako.

Dahan dahan kong inalis ang kaniyang kamay na kumukulong sa akin at tiningnan ang inosente niyang mukha.

Para siyang anghel na natutulog sa gitna ng magulong mundo.

Ang tangos ng ilong niya at ang balat niya ay makinis at maputi.

Ang gwapo niya, ayon na ata ang simplest description sa kaniya. Idagdag pa natin ang salitang hot.

Ang swerte ko sa kaniya.

Napasilip ako sa bintana at nakitang magbubukang-liwayway na.

Malapit na matapos ang misyon pero hindi parin dapat kami maging kampante dahil may natitira pang oras.

Kamusta na kaya sila?

Sana wala nang nabawas pa sa bilang namin.

"Pssst."

May narinig akong sitsit na nanggagaling sa kung saan kaya agad ko itong hinanap.

Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng building at nakita ang isang lalaking nakatalikod sa may mga halaman.

"Sino ka?" Tanong ko kaya humarap siya at sinalubong sa akin ang isang nakatutunaw na ngiti.

"Tan?" Nasabi ko na lang.

Sa panaginip ko lang siya nakikita at hindi ko akalaing totoo pala siya.

"Yes I am." Sobrang saya ng aura na binibigay niya pero ang bigat ng dating nito.

Ewan ko pero hindi talaga nagmamatch ang itsura niya sa kung anong nararamdaman ko.

"How are you, Riene?" Tanong niya.

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa halip na sagutin ang itinatanong niya.

Basta basta na lang kasi siya sumusulpot lalong lalo na sa panaginip ko.

Hindi ko siya kilala, pero may something sa pakiramdan ko na feeling ko connected kami sa isa't isa.

"I am your King." Tugon niya.

King? Meaning isa siyang kalaban? Miyembro ng DE? Kasabwat ni Dean Ferrer?

"Anong koneksiyon mo sa Devil's Empire?"

"I rule over them."

"So kalaban ka?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi siya mukhang kalaban. Basta hindi ko na alam.

Tumango lang siya. "As well as you." Sabi niya.

Idinamay talaga ako?

"Wait! Naguguluhan ako. Anong as well as you?" Tanong kong muli.

Ngumiti lang siya at inilahad ang kamay sa akin.

"Come with me. Malalaman mo ang lahat once na sumama ka sa akin."

May bumubulong sa akin na abutin iyon, pero meron din sa kabila na nagsasabing huwag.

Gusto kong malaman ang lahat lahat na hindi ko pa alam, pero kapag sumama ako... Baka hindi na ako makabalik pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Grey kaya napalingon ako.

"Kausap ko si-" biglang nawala si Tan kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now