T W E N T Y - F O U R

10K 237 36
                                    

Chapter 24: Tae

Sandra Gregory's POV

Napunta kami dito sa may bakanteng lote na allotted para sa ipapagawa sanang building ng school.

"Bakit ba dito tayo nagpunta?" Iritang tanong ko.

Ang creepy kasi dito. Napakadilim tapos ang dami pang puno na wala ni isang dahon.

"Shh." Sabi ni Riko at dahan-dahang sumilip.

Marahan niyang kinuha ang baril sa na nakasipit sa likod ng pantalon niya at dahan-dahang kinasa.

Napasilip din naman ako kung saan siya nakatingin at may nakitang isang lalaki na nakasuot ng t-shirt na may tatak na 8.

Hinawakan ko ang balikat niya kaya napatingin siya.

"Sorry pero kailangan talaga." Saad niya at inasinta ang target niya.

Kawawa naman yung lalaki. Bakit ba kasi ito pa ang mission na naisip ng head?

Isang malakas na putok ang umalimpungataw sa katahimikan ng lugar. Kasabay nito ay ang pagbagsak ng isang lalaki na walang kamalay-malay na ngayon na pala ang kaniyang katapusan.

"Rest in peace." Narinig kong bulong ni Zac na ngayo'y nasa likuran ko.

Bakit ba kasi napunta sa ganito? Kami-kami na rin ang nagpapatayan at kumikitil sa buhay ng kapwa naming estudyante.

"Tayo na." Yaya ni Riko sa amin at itinago ang baril na hawak sabay humakbang paalis.

Sumunod na lang kami dito na para bang nalugi ang mga mukha.

Dinala kami ng aming mga paa sa garden at doon muna nagpalipas ng oras.

Mahaba pa din kasi ang natitirang panahon at hindi pa kami safe lalo na't hina-hunting kami ng Camplet 1.

"Kailan kaya ito matatapos?" Tanong ko sa hangin saka inayos ang gulo-gulo kong buhok.

"Chill." Sambit ni Riko at naupo sa tabi ko habang binubuksan ang isang beer in can.

"Saan mo naman nakuha iyan?" Tanong ko dito.

"Baon ko." Sagot niya sabay lagok nito.

"Hindi ba bawal yan?" Pangaral ko dito saka hinampas siya.

"Walang bawal- bawal pagdating kay Riko Kento." Ani pa niya at ipinagpatuloy ang pag-inom.

"Tss." Isang ngiwi lang ang binigay ko sa kaniya.

"Teka nasan si Zac?" Tanong ko nang mapansing nawawala siya na kanina'y katabi ko lang.

"Ji-jingle lang daw." Sagot niya saka ngumiti ng maloko.

Sa tingin ko ay may binabalak siya kaya agad kong tinakpan ang mga dapat takpan.

"Huwag ka ngang assuming." Saad niya saka tumawa.

"Una, hindi kita type. Pangalawa, ayoko sa mga maliliit. Pangatlo, ayoko sa taong madaldal. Panghuli, ayoko sa babaeng kabilang sa samahan ng flaternity." Pagpapatuloy niya.

Grabe siya.

Siya nga tong gusto akong masolo kanina.

"FYI, ayoko din sa mga lalaking malandi, mahangin at hindi na virgin!" Irita kong sigaw at nagtitigan kami ng masama.

"Guys, okay lang ba kayo?" Tanong nang kararating lang na si Zac ngunit hindi kami nagpatinag at itinuloy ang aming staring competition. Sa halip, ay sabay namin siyang nasigawan.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now