N I N E T E E N

11.4K 272 7
                                    

Chapter 19: Mission #2

Riene Allison's POV

Seek and you shall find. Eto na ata ang life motto ko.

Nandito kami sa kahabaan ng hallway ni Grey habang naglalakad.

Sobrang tahimik ng paligid at wala kang makikita na ni isang gumagala. Madilim din dito at tanging liwanag lang ng buwan galing sa mga bintana ang nagbibigay dito ng ilaw.

Binuhay ko na lang ang flash ng phone ko para maging gabay namin sa paglalakad.

Malayo na rin kami mula sa quarter namin at pasado alas nwebe na din kaya malalim na din ang gabi.

Papunta kami ngayon sa Head para alamin kung ano ba talagang pinaplano niya.

Sa kabutihang palad ay hindi pa rin nasusundan ang unang activity kaya kailangan na naming magmadali para hindi na ito masundan pa.

Nasa harap na kami ng Head's Office at dahan-dahan ko na itong binuksan.

"Riene, dahan-dahan lang sa pagpasok." Paalala ni Grey sa akin kaya tumango na lang ako sa kaniya.

Hawak-hawak na niya ang scythe niya ngayon kaya medyo panatag ang loob ko in case na may sumugod sa amin.

"He's not here." Narinig kong sabi ng isang babae sa kung saang sulok ng madilim ng kuwarto.

Agad kong inilibot ang flash ng phone ko sa buong kuwarto at nakita si Nicole na prenteng nakaupo sa swivel chair. May hawak siyang baril at pinapaikot-ikot niya ito sa kaniyang kamay.

"Hayy." Buntong hininga ko.

Si Nicole lang pala akala ko kung sino.

"Mukhang pinagplanuhan na niya ito simula pa lang kaya hinding hindi natin siya makikita sa mga common places like this." Dagdag pa nito saka tumayo na.

"Kung ganon, saan natin siya mahahanap?" Tanong ko.

Mautak din pala itong si Dean Ferrer. Humanda lang siya kapag nakita ko siya.

Tumunog bigla ang mga speakers ng nakakabinging ingay kaya napatakip kaming lahat ng tenga.

"How's my camplets? Haha. Are you ready for mission number 2?"

Fuck you! Ano na namang madugong palaro ang binabalak mo?

"I order everyone to proceed in the fields on or before 3 minutes. Everyone who failed will be eliminated."

Namatay ang mga speakers at nakarinig kami ng mga sigawan at takbuhan na nanggagaling sa labas.

Mukhang takot na takot ang lahat.

Lumabas na rin kami sa office at nakita ang maraming estudyanteng nagtatakbuhan papuntang field.

Ang unfair naman ng 3 minutes dahil medyo malayo ang field mula sa kinatatayuan ng mga quarters.

May nakita akong babaeng nadapa at halos matapakan na ng iba kaya agad akong sumingit sa karamihan ng tao at inakay siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko dito saka siya tumango. Tuluyan ko na siyang tinulungang tumayo at inalalayan sa paglalakad.

Hindi na kami nakisunod sa napakaraming tao dahil sure kaming magkakasagian lang.

Kami na lang ang naiwang apat dito at ang lahat ay palagay ko'y nasa labas na ng building at kasalukuyang tumatakbo pa rin papuntang field.

"Hindi ba tayo tatakbo?" Tanong nito kaya nginitian ko lang siya.

"No. Maglalakad lang tayo dahil alam kong hindi mo kaya." Sambit ko.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now