SPECIAL 2

8.6K 181 7
                                    

Special Chapter 2: THE FIRST DATE EVER  

Riene Allison's POV

I opened my eyes with so much excitement para harapin ang araw ko.

Sino ba naman ang hindi gaganahang bumangon e bumalik na ang kaisa-isang onion rings ng buhay ko.

Maaga akong bumangon, naligo at nagbihis ng presentableng dress na kulay sky blue.

First official date namin 'to. Kaya syempre kailangan mapanganga siya sa ganda ko. Haha.

Inipit ko rin ang buhok ko pero nagiwan ako ng konting mga hibla ng buhok sa may tainga ko. Bakit? Trip ko lang haha.

Naglagay din ako ng isang flower clip na pink at nagmake-up ng slight lang.

Naeexcite ako na kinakabahan. Ewan ko ba, I dated so many men back then pero parang sobrang iba ng feeling ko ngayong gagawin ko 'to with Grey.

Bumaba na ako ng kwarto at nakasalubong si Manang este Mama sa may hagdan.

"Oh, ang ganda ng prinsesa ko ngayon ah." Puri niya.

Nginitian ko siya.

"Of course! Kanino pa ba mana?" Bola ko at niyapos siya ng mahigpit.

Dito na nga pala tumitira si Mama, Kuya Blake at Ate Nicole kasama ko sa bahay.

OMG! Naninibago ako sa Kuya at Ate Hahah.

Kung bakit kasi sila nagpakasal ayan tuloy naging sister in law ko yung bruhang Nicole na 'yon.

Hala!

Hindi ko ba nabanggit?

Diba ikakasal dapat si Kim at Tim?

Ganito ang ganap guys.

Eto kasing dalawa, si Tim at Kim, ang lakas ng trip sa buhay. They ran away on the day of their wedding.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila at pumunta silang dalawa ng Boracay. Gusto daw kasi nila na sila lang dalawa sa kasal at wala ni isang bisita para daw MAGSOLO sila.

Kaya ayon, sa Boracay sila nagpakasal at inetchapwera ang kasal na pinrepare ng parents nila.

Gusto kasi ata nila na simple lang ang wedding pero ang parents nila ang nagpursue na gawing bongga ang lahat. Ayon, nagrebelde haha. Pero dream wedding ko yung wedding nila kasi sa tabing dagat ginanap tapos ang simple ng ng suot nilang dalawa. Si Kim ay nakaflower crown lang at simple white na bestida. Tapos si Tim naman ay naka simple white long sleeves lang at naka black pants at shoes.

Pano ko nakita? Pinagmahili lang naman nila samin yung pictures nila.

Ang ending tuloy, nagpropose si Kuya Blake kay Nicole sa mismong simbahan. Ang pabibo no? Nandon na kasi kaming lahat sa place tas ang late namin nainform na tumakas pala ang dalawa. At dahil nga nagmamahalan si kuya at Nicole, sila yung pumalit sa bride at groom.

Sobrang bilis ng mga pangyayari 'non pero it turned out to be fun.

Lumabas na ako ng bahay para intayin si Grey.

8:00 am ang usapan pero 8:15 na wala pa rin siya.

May nangyari kayang masama? Naglaho kaya siya? Mawawala kaya siya ulit sa'kin?

Tangina! Stop this nonsense Riene! Pinapa-iral mo na naman ang kapraningan mo.

Hindi ko lang kasi kakayanin pa kung mawawala ulit siya sa akin, sa tabi ko.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now