S E V E N

17.4K 416 18
                                    

Chapter 7: White Masked

Riene Allison's POV

Narinig ko ang tunog ng alarm clock sa side table ko kaya agad kong iminulat ang aking mga mata.

"Good Morning." Bungad sa akin ni Grey na naging dahilan upang mapataklob ako ng kumot. Nakahiga siya sa tabi ko at prenteng nakasandal ang braso sa kama at nakangising pinagmamasdan ako.

"L-lumabas ka!" Utos ko dito.

Nakakahiya, ang baho pa ng hininga ko at mukha pang kinalaykay ng manok ang buhok ko.

"You don't need to be shy in front of me, I have no interest in you." Straight to the point niyang pahayag.

Ouch, wala manlang pasintabi.

"Get up, I cooked breakfast. This is my way of paying for living here." Sambit niya at tumayo na.

Wow, nagluluto siya? Ano kayang ginamit niya, laman ng tao?

" What the fuck do you think about me, a zombie?" Inis na tanong niya. Nabasa na naman niya ang iniisip ko. I should be careful next time at baka isama na niya ako sa kabilang buhay.

Inalis ko na ang kumot na nakataklob sa akin nang marinig ang pagsara ng pintuan.

"Bakit ba siya basta-basta pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto?" Inis na nasabi ko na lang sa hangin saka tumayo at inayos ang sarili sa harap ng salamin.

Fuck, anong itsura to?

Agad na akong pumasok sa banyo at naghilamos, sinuklay ko na rin ang buhok ko at nagpalit ng mas maayos na damit.

Bumaba na ako at naamoy ang masarap na pagkaing nakahain sa lamesa.

"Sure ka bang hindi mo inorder yan?" Nang-aasar kong tanong sa kaniya.

" Wala ka bang bilib sa akin?" Mataray na tanong nito sa akin.

May period ba to ngayon at sobra kadalas magkaroon ng mood swing?

"Hindi lang ako naniniwala na marunong magluto si Kamatayan." Pang-iinis ko pa.

Seryoso siyang lumapit sa akin at muli akong kinorner sa may aparador ng mga glass wares. Seryosong seryoso ang mga mata niya at sobrang nakakatakot ito. Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang aking likod na lumapat sa aparador. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako.

Fuck, bakit ba ang hilig-hilig niya sa ganitong mga scenes?

Naramdaman ko na lang na may malamig na bakal ang pumasok sa bibig ko at nalasahan ang walang kapantay at napakasarap na bagay.

Napamulat ako at nakitang sinubo niya sa akin ang isang kutsara na may laman ng niluto niya.

Fuck! A-ang sarap.

Naspeechless ako dahil sa sarap sabay hinugot niya ang kutsara sa bibig ko matapos ay ngumiti.

"May ganiyan ba kasarap na inorder lang?" Tanong nito dala ang ngiting may halong pang-iinis.

Bumalik na siya at naupo sa dulo ng lamesa at nagsimula nang kumain. Napatigil siya at tumingin sa akin. "Mabubusog ka ba habang tumitingin lang?"

Humakbang na nga ako patungong hapagkainan at naupo din sa kabilang dulo ng lamesa.

Sumandok na ako ng kanin at kumuha ng mga niluto niya matapos ay sumubo.

Wala akong masabi. A-ang sarap!

Mukhang mananaba ako kung ganito lagi ang kasama ko sa bahay.

Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain at ni-namnam ang sarap nito.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now