T W E N T Y - N I N E

8.6K 214 3
                                    

Chapter 29: Epal

Riene Allison's POV

Mag-iisang linggo na rin ang nakalipas matapos ang bangungot na naganap sa impyernong iyon.

Heto ako ngayon at na-miss ang bahay. Dito ko na rin muna pinatuloy sina Nicole at Blake samantalang si Grey ay feeling may-ari pa rin ng bahay.

Wala daw kasi silang matutuluyan for now kasi nasa likod ng school ang pinamamalagian nila.

Pero kahit naman dito ko sila pinatuloy ay parang wala rin dahil parati silang wala dito sa bahay.

Ewan ko kung saan sila napunta, bakit naman kasi ako makikialam sa business nilang dalawa?

Naiwan na naman kami dito ni Grey sa bahay and as usual, medyo nag-iba na rin ang atmosphere lalo pa't nagtapat na siya sa akin.

Nanunuod siya ngayon ng tv samantalang ako naman ay busy sa pagscroll ng news feed ko.

"I'm bored." Reklamo niya sabay humiga sa sofa.

Hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Tomato pie, I'm bored." Ulit niya.

"So anong gusto mong gawin ko?" Mataray kong tanong at muling itinuon ang atensyon sa phone ko.

"Let's have some fun." Aniya.

Wait lang. Nagiging berde na naman yung utak ko.

Iba kasi ang dating sa akin ng sinabi niya lalo pa't kaming dalawa lang ang tao dito sa bahay at dahil na din sa sagot niya sa truth and dare noon.

Umayos siya ng upo sa sofa at tinap ang tabi niya na para bang pinapaupo ako sa tabi nito.

I'm not yet ready for this.

"Please stop thinking naughty things, I might get naughty too." Ani pa niya.

Oo nga naman Riene, ang dumi ng iniisip mo. Kay linis linis ng konsensya ng tao e.

Umupo na nga ako sa tabi niya at ipinatong ang phone sa table.

"Tapos?" Tanong ko at hinintay ang sunod na ipapagawa niya.

"I'll hug you." Sagot niya at agad akong niyakap ng mahigpit.

"So masaya ka na niyan?" Tanong ko at tinago ang nararamdamang kilig.

"Of course. I'm hugging the prettiest woman in the world, my dream girl."

Huwag ka ngang ganiyan, kinikilig ako uy.

"Bolero."

"Make sure you'll never break your promise. You're mine, only mine." Saad niya at mas hinigpitan pa ang yakap na tila ba mawawala ako sa tabi niya.

"Promise is a promise." Tugon ko at niyakap na din siya.

"Why are you so flat?" Wala sa topic na tanong niya.

"Fuck you." Nasabi ko na lang.

"I love you too." Sagot niya.

Tss. Sabi ko na nga ba't iyon na naman ang isasagot niya.

Paano nga ba ako napunta sa ganito? Paano nga ba ako nahulog kay kamatayan?
Paano nga ba siya nahulog sa akin?

Saan nga ba nagsimula ang nararamdaman kong ito? Mahalaga pa ba iyon?

Basta ang alam ko, sa bawat araw na kasama ko siya ay masaya ako. Na sa bawat oras at minutong magkasama kami, lalo akong nahuhulog.

Naramdaman kong gumalaw ang kaniyang ulo at tinapat ang bibig sa aking leeg saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumataklob dito.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now