Kabanata 25

181K 3.9K 185
                                    

Libreng hawak

"I want to have a tattoo."

Sandali kong tinignan ang pinsan kong si Simon. Tattoo? Why so sudden?

Isang linggo na ang nakalipas simula nang Tagaytay escapade namin. It felt like a bliss. Parang napakasaya ng lahat. Pakiramdam ko sa sobrang saya ay bawal na.

Yung minsan.. mapapangiti ka nalang.

"Yeah. I'm thinking about having it too." Ani Clyde.

"Ew. Do you really think, you'll look extra cool just because you'll have a tattoo?" Saad ni Agatha. I agree with her.

Wala naman masama sa pagkakaroon ng tattoo pero bakit napaka biglaan naman?

"Me too. Gusto ko din." Even Carl? Napatingin ako kay Adrian na mabilis umiling. Kay Gelo naman ako tumingin at umiling din ang kapatid ko. Napangiti ako dahil doon.

"Kuya, ayaw ng mga nurse ang may tattoo. Particularly.. student nurse. Mostly.. clean freaks ang mga kilala ko." Nakangising wika ni Tulip.

What? Nurse? Anong koneksyon non? Kita ko ang pamumula ng mukha ni Carl at mabilis na sinamaan ng tingin si Tulip. Napahalakhak nalang si Tulip dahil doon.

"Oh! Nurse!" Mukhang gets naman ni Simon 'yon. Nag-apir pa sila ni Clyde.

Itong magkakapatid talaga na 'to! Madaya! Gusto ko rin malaman! Pero hindi ko kayang isatinig 'yon dahil lolokohin nila akong tsismosa.

"Oo nga Carl.. balita ko palagi ka sa University Clinic.." namilog ang mata ko sa sinabi ni Uno. Nagpipigil pa ng tawa ang mokong!

"Hazel.." halos kantahin na ni Uno ang pangalang 'yon.

Oh my gosh! Nakuha ko na! Ang student nurse na gumamot sa akin! I guess Carl was captivated huh?

"Oh she's a great girl. Ayos lang 'yan Carl. Nice taste." Wika ko at napatakip nalang ng mukha si Carl.

"Damn guys. Ako nanaman nakita niyo." Aniya at napahalakhak kami.

Minsan lang namin makitang may pormahan si Carl. Ma-swerte si Hazel sa pinsan ko kung sakali. Sa lahat ng pinsan kong lalaki, Carl is the most responsible and caring. Mas responsible pa siya kay'sa kay Adrian.

I'm rooting them.

"Adrianna." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It's Shey, one of the council staff.

Tumayo ako para maharap siya. Foundation week ngayon, ang juniors and seniors ay half day lang dahil kami naman ang mamahala sa events and booths.

"Pakilala mo naman kami." Nakangising wika ni Dos. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Not to you, Dos." Saad ko sabay irap. Kinuha ko ang bag ko at sinabit 'yon sa balikat ko.

Sa dami niyang babae, daig pa niya ang nagpapalit ng brief sa isang linggo. Buti nga si Uno ay nag lay-low na. Confusing pero.. magpapasalamat nalang ako kay'sa kwestyunin 'yon.

"I'm wounded, Ri" I made a face. Tumawa sila dahil doon. Kita ko ang pamumula ni Shey. Napailing nalang ako.

"I need to go, council stuff. Punta kayo sa booth namin. See you later!" Wika ko at nagpaalam na ng tuluyan sakanila.

Sabay kaming umalis ni Shey.

"Nandoon na ba ang lahat?" Tanong ko sakanya habang tinutungo namin ang field kung saan tinayo ang mga booths.

"Yes.. nakaka excite! Siguradong maraming bibili sa atin kasi nandyan ka!" Napalingon ako sakanya at hindi ko napigilan matawa sa ekspresyon niya.

Tuwang tuwa pa siya.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon