Kabanata 30

175K 3.5K 364
                                    

Risk

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Nakatingin ako sa kisame habang nakahiga. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako tumatayo. I'm still thinking about yesterday night.

Para akong tanga na napapa-ngiti pag naalala ko 'yon. Naninikip din ang dibdib ko dahil sa saya pero sa pait din.

I must be crazy.

"Ate.."

Napatingin ako sa pintuan ko. There, Agatha was standing, malungkot siyang lumapit sa akin.

"What's the problem?" Tanong ko sakanya.

Humiga siya sa tabi ko at huminga ng malalim. We're both staring at the ceiling.

"Papasok na ako ng army." Aniya.

Napaupo ako dahil doon. Tinignan ko siya at maayos akong umupo. I didn't expect this. Akala ko at next year pa.. hindi ko lubos maisip na mahihiwalay ako sa kapatid ko ng biglaan.

"What? Why? I mean.. how? Akala ko next year pa?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya ng bahagya.

"I received a letter ate.. it's a scholarship kaya I need to follow it. Lahat ng scholars nila ay this year papasok."

"You don't need a scholarship! Kaya ka ipasok ni dad doon!" Giit ko. She always push this scholarship thing.

I told dad already about this. Sabi ko ay siya na ang gumawa ng paraan para kay Agatha. Hindi ko nga alam bakit gustong gusto niyang pumasok ng army.

"Ate! Ayoko ng ganon. I don't want to use dad's power. Gusto ko walang gastos as much as possible." Napa-buntong hininga ako sa sinabi niya.

Humiga ako muli. I know Agatha, walang makakapigil sakanya.

"Ano bang balak mo after mo lumabas, if ever.. sa army?" Just thinking about it. Ako ang natatakot para sakanya.

"I want to enter the special forces ate." Napaawang ang labi ko. Damn! Is she crazy?!

"Gusto mo ba kaming mamatay? Habang nandoon ka.. ikaw lang maiisip namin. Did you ever think that we will be sitting here thinking if you're still breathing?!" I was frustrated!

I was breathing heavily. Just the mere thought of her there.. it makes me so scared!

"Ate, you know it's my dream! I really want to enter army and enter the special forces! I want to serve the country.." she was so calm and determined.

Umupo ako muli at hinawakan siya sa kamay. I'm so scared for her..

"Bakit ka malungkot? Bakit mo pa pinaalam sa akin?" She knows I'm against it. Even our cousins.. si Gelo lang naman ang nakiusap sa amin na pagbigyan na siya.

"Hindi ko alam paano ko sasabihin kay mommy. She'll cry for sure.." Binaling ko ang tingin ko sa ibang lugar.

"I don't know, Gath. You know mom is really against this. Kailan ka ba aalis?" Tanong ko.

"Next month.." namilog ang mata ko.

"Ganon kaaga?" I was dumbfounded!

"Yes. Ngapala ate, hindi yun ang pinunta ko dito." Aniya.

Nagbago na ang ekspresyon niya. She was smiling and very funny. Umupo na siya at parang may alam na hindi ko alam.

"What?" May ibang malaking balita pa ba siya maliban sa katotohanang papasok na siya ng army?

"Nasa baba si Evander. Hotseat." Aniya habang humahagikgik.

Namilog ang mata ko at mabilis na nagsuot ng tsinelas. Damn! Bakit biglaan? Bakit hindi niya muna ako tinext?

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon