Kabanata 43

166K 3.5K 259
                                    

Pagligtas

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ko kay Shey habang palabas kami ng council office.

Nauna akong pumunta dito dahil kailangan pa namin siguraduhin na ayos ang lahat. Kahit si Evander ay hindi nagpumilit na sumabay sa akin. Hindi naman sa gusto ko pero.. nakakapag taka lang talaga.

Naisip ko tuloy ang sinabi niya sa akin kahapon. Yung bagay na i-tatanong niya sa akin..

Kinwento ko yun kay Tulip at natatawa ako pag naalala ko ang usapan namin.

"Paano pag tinanong ka niya kung pwede ka na niyang maging girlfriend?" Ani Tulip sabay hagikgik.

Napailing ako at linaro ang kumot ko.

"I'll say yes."

Nagpigil ako ng ngiti dahil baka busitin ako ni Tulip. Narinig ko pa ang kanyang halakhak at pumalakpak pa siya.

"Tapos malalaman ni tito at sa altar na ang bagsak niyo! Tapos make babies! Gusto ko kambal ah! Parang kayo lang ni Adrian!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Tinulak ko siya at nagtawanan kaming dalawa. Babies? Damn. Hindi ko iniisip ang bagay na 'yun. Sasagutin ko palang siya.

Nakakatawa nga na ang dami na namin napag daanan pero ngayon ko palang siya sasagutin. It's like, parang kami before pero hindi lang official. But now.. I want it to be official. Para wala na akong inhibitions.

"Oo ayos na. Nandoon na ang ibang mga estudyante. Tayo nalang ang wala doon." Ni-lock niya ang pintuan at tumuloy na kami sa labas.

"Pinagusapan niyo ba ni Evander ang isusuot niyo?"

Napalingon ako sa tanong niya. Umiling ako at napatingin sa suot ko. I'm wearing a cream colored long gown.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala naman, everyone is looking forward to see him. Claveria eh."

Napatango ako. Yun na siguro ang hindi ko maaalis.. marami talagang humahanga sakanya. Hindi ko na mababago 'yon. He is a Claveria and people love him kahit ganun siya sakanila.

"Pero I'm sure.. inaabangan ka din nila." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya at napailing nalang ako.

"No way." Sambit ko at tuluyan na kaming lumabas at pumunta sa field.

Rinig na rinig ang boses ng Principal namin habang papalapit kami sa backstage. Binibigay niya na ata ang speech niya. Sumilip ako sa mga estudyantenh nakaupo sa kani-kanilang mga pwesto para hanapin ang mga pinsan ko pero wala sila roon. Sinubukan ko din hanapin sila Evander pero pati sila Sky at Jacob ay wala doon.

Nasaan ba sila?

"Sean? Hindi mo ba nakita ang mga pinsan ko? Kahit napansin man lang?" Tanong ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sila.

"Kanina magkakasama sila. Kasama pa nga nila si Claveria." Aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman sila magkakasama? Mukhang okay na sila. Ang tanong nalang ay kung saan sila pumunta.

Sumilip ako muli at linibot ang mata ko pero natigilan ako nang may mapansin akong babae na nasa pinaka dulo. Nagtama ang mga mata namin at ngumisi siya. Matalim na tingin ang binigay ko sakanya.

"Sino 'yon?" Rinig kong tanong sa akin ni Shey.

Nakikitingin din pala siya. Umiling ako at napalunok.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon