Kabanata 37

144K 3.5K 469
                                    

Truth

Umiwas ako ng tingin.

Sobrang sakit ng puso ko ngayon. Sobra sobra..

"Wag mong pansinin ang babaeng 'yan, Grace. Naghahabol lang sa anak ko 'yan. She's a nobody. She's just another Grace na napansin ng anak ko." Kita ko ang pag tawa ng nanay ni Caden.

Sa sobrang sakit ay hindi ko na maramdaman ang epekto ng sinabi ng nanay niya.

"Ma! Sumosobra ka na!" Mabilis na lumapit sa akin si Caden at hinawakan ang kamay ko. Bago niya pa ako mahila ay marahas kong binawi ang kamay ko mula sakanya.

Hindi ko na kaya.

"I get it. Kuha ko na ang lahat. Bago pa ako makapagsalita ng masama. Aalis na ako. Goodbye Evander."

Mabilis akong tumalikod nang hindi man siya tinitignan pero bago pa ako makahakbang paalis ay naramdaman ko ang pagyakap mula sa likod ko. Naramdaman ko ang pag halik niya ng marahan sa leeg ko.

"I'm sorry Adrianna. I'm so sorry."

Ang paghingi niya ng tawad ay simbolo ng katotohanang hinihingi ko.

Kasabay non ay pagtulo muli ng mga luha ko. Nasasaktan ako ng sobra sobra. Fuck. Mahal ko na siya.

Mahal na mahal.

"Evander!" Sigaw ng mama niya.

Dahan dahan ko siyang hinawakan sa kamay at inalis 'yon. Liningon ko silang lahat. Matalim lamang ang tingin sa akin ni Grace pero hindi ko 'yon pinansin.

"Ikaw ba si Grace Reyes?" Tanong ko sakanya. Ngumisi siya sa akin at tumango.

Napalunok ako dahil doon. Hinawakan ako sa kamay ni Caden at tinanggal ko 'yon. Hindi ako makakapag isip ng maayos kung nakahawak siya sa akin.

Kung nararamdaman ko siya..

"Hindi ako galit sayo. Pinatawad na kita wala pa man." Hindi ko mapigilan ang mapahikbi sa sinabi ko.

Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng puso ko.

Damang dama ko talaga ang sakit.

"Hindi mo naman sinasadya. Gusto mong maghiganti para sa lolo mo.. kailangan mo ng taong masasaktan sa pamilya namin. Gusto mong makahanap ng Grace na alam mong hindi ka ipagpapalit. Yung hindi matatapakan ang ego mo. Yung Grace na mamahalin ka ng lubusan. Gusto mo patunayan sa papa mo na kaya mo. Gusto mo siyang paghigantihan dahil sa pagkontrol niya sayo. Gusto mo ng bagay na makakapag pagalit sakanya.."

Kita ko ang pagsugod sa akin ng nanay ni Caden pero mabilis niya utong pinigilan. Hinila niya 'to pero nagpumiglas 'to. Mabilis na dumalo si Grace doon at hinawakan ang mama ni Caden. Bumaling siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Alam kong nag pipigil siya pero wala akong pakielam sakanya.

"Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yan! Sinira niya ang buhay natin! Pinatay nila si papa! Pinatay nila ang lolo mo!" Saad ng mama niya.

Naiyukom ko ang mga palad ko.

"Pinatay niyo ang puso ko. Sa ginawa niyong 'to ay nasaktan niyo na ang pamilya ko." Giit ko sakanila. Binalingan ko si Caden.

Iniwan niya ang mga ito doon at humakbang palapit sa akin. Humakbang ako patalikod.

"Sa mga kagustuhan mong 'yon.. hindi sinasadya na ako ang solusyon sa tatlo mong problema. Nagkataon na ako ang makaka sagot sa tatlong 'yon. Sa ginawa niyo.. nasaktan mo na din ang pamilya ko. The daughter of Josephine and Teo Montgomery fell in love with you. Deep and crazy. Nakuha mo ang rinereto ng tatay mo para kay Osiris. Siguradong magagalit mo na siya at mapapahiya dahil ang sutil niyang anak ang naka kuha sa akin. Nakahanap ka na ng Grace na hinding hindi ka kayang ipagpalit.. nakabalik na rin ang totoong Grace na minahal mo."

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon