ONE

700 12 9
                                    

"It is just one of my sad memories of the past. And I think I should now let go of it and start again. Forget those memories seeing her calling me 'Oppa' from a distance. I love it when I heard her shouting 'Oppa Saranghaeyo!' and she was actually referring to me it is like music to my ears. And while we are on stage I like having eye contacts with her. I know I am once been in love to my dongsaeng fan. But I have no chance to talk to her because of the rumors and everything. Just like what my hyungs said, once you're falling in love you can't do anything just to stop your feelings from falling harder. And once it happens you know you'll get hurt..."

Habang nagaantay na tawagin ang pangalan ng grupo para sa susunod na magbo-broadcast nandito kami sa make-up room nagaantay. Maririnig mula dito ang tilian ng mga fans na matyagang nagaantay.

Gusto ko sanang lumabas para silipin kung madami ng fans ang nandidito.

"Jimin, saan ka pupunta? Malapit na tayong tawagin." Tawag sa akin ni Taehyung. "Sisilipin ko lang---" di ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla ulit syang nagsalita.

"Sino sisilipin mo si Jungkook ba? Tara sama ako." Kaso ng patayo na sya bigla syang binatukan ni Suga na katabi nya kitang kita ang pag ngiwi ni Taehyung dahil sa sakit.

"Bakit mo naman ako binatukan hyung?!" Habang hinihimas ni Taehyung ang ulo nya. "Bakit anong gusto mo? Sapakin kita." Bigla namang napangiwi si Taehyung sa sinabi ni Suga.

"Maiwan ka na dito Taetae sisilipin ko lang kung madami ng fans sa labas." Nginitian ko sya at saka lumabas. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ng stage palakas ng palakas ang ingay.

"Oy hyung! Saan ka punta?" Nilingon ko kung sino ang tumawag, si Jungkook pala. "Doon sa stage sisilip lang." Tumango sya sa sinabi ko. "Ah okay, tatawagin ko na din yung iba start na daw." Tumango ako sa sinabi nya at dumiretso na sa stage.

Pagsilip ko sa gilid marami na ngang nag-aantay. May dala silang mga light stick at mga banner. Sinigurado kong walang makakakita sa akin para di magkagulo. Napatigil ako ng may nahagip ang mata ko, napatulala ako. Fan namin sya may dala syang manipis na tela na may nakasulat na '박 지민'. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa puso ko ang bilis ng tibok nito at di ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya.

"Hoy Jimin! Tara na." Bigla akong inakbayan ni Jin hyung minsan iniisip ko na bakla talaga to. Napatigil yung iniisip ko at umakyat na sa stage pero di ko mapigilan na titigan sya.

"Dul! Set! Bang! Tan! Annyeonghaseyo Bangtan Sonyeondan!" Bati namin sa mga fans. Pero ang sigaw nya ang nangingibawbaw. Napahawak ako sa dibdib ko. Napakalakas ng tibok nito. Di ko na marinig ang sinasabi ni Rapmon hyung tanging sigaw lang nya ang naririnig ko.

"Right Jimin?" Biglang siko sakin ni Taehyung kaya naputol ang iniisip ko.

"R-right?" Aisshh bakit ako nautal?! Tiningnan nila akong lahat at saglit na natahimik. "Please enjoy our perfomance." Nabawi ang katahimikan ng magsalita ulit ako. At binigyan sila ng ngiti na abot sa aking mata.

Tuwing kakantahin ko ang part ko sa Run sa kanya lang ako nakatitig. Ang ganda nya, sobrang ganda. Muntik pa kong magkamali ng lyrics dahil sa thought na yun. Pero ng malaman nyang nakatitig ako sa kanya agad syang namula at napaiwas ng tingin.

Napangiti ako ng sobrang lawak dahil sa itsura nya. Ang cute nya pagnamumula. Kahit wala sa pinagpractisan namin ang ngumiti sa chorus part di ko mapigilan. Lalo akong nainspired dahil sa kanya.

Hinawi ko ang buhok ko pataas at nagiwan ng killer smile sa pagasang titingin ulit sya, at hindi nga ako nabigo. At muli kong narinig ang mga sigaw nya "Jimin oppa Saranghaeyo!" At nag heart sign sya gamit ang dalawang braso nya. At ngayon ako naman ang namumula.

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now