THREE

234 7 1
                                    

Mag iisang buwan na simula ng mag-usap kami ni Xena sa chat. Lagi kaming updated sa isa't isa. Kung may free time nag uusap kami through video call. At lagi kong naririnig...

"Xena, dalian mo naman dyan."

"Xena, tapos ka na ba dyan? Tara uulitin, ulit natin. From the top."

Kung hindi ganyan ang naririnig ko. Tawa ng mga babae at music. Dahilan nya mga kaibigan nya daw yun. Kaya hinahayaan ko na lang. Wala kaming masyadong broadcast , kung hindi sa dorm nasa studio kami at pinapakinggan ang composed songs ni Suga hyung. Tahimik ang Bangtan ngayon, walang rumors o ano pa man.

ParkJ: Oy! Xena anong ginagawa mo?

Ang weird. Ngayon lang inabot ng 3 minuto ng hindi sya nagrereply. Dati naman pag nag message ako reply agad. Pero ngayon wala. Baka may ginagawa lang. Pilit kong inintindi na baka busy lang sya.

"Jiminie, baka lumabo na mata mo nyan. Lagi ka ng tutok sa phone." Sabi ni Taehyung at saka umupo sa tabi ko. Tiningnan ko lang sya,may kinakain na naman syang lollipop. "Di pa kasi nagrereply si Xena. Weird lang sa pakiramdam." Sabi ko at sumandal sa upuan. "Baka busy yun. Ikaw naman, napaka possessive mo na." Tinanggal nya ang lollipop pero binalik din. "Sana nga busy lang." Binalik ko na ulit ang tingin sa phone ko.

"Jimin! Ikaw pala guest ko ngayon sa 'Hope on the street'." Sigaw ni Jhope hyung na nasa kusina. "Ayaw ko. Sa susunod na lang hyung." Sabi ko sa kanya, dahil parang nawala na ang gana kong kumilos. "Ako na lang!" Sabay taas ng kamay ni Jungkook.

Hays, 30 minuto na wala pa din ang inaantay kong reply.

ParkJ: Xena may ginagawa ka pa ba?

ParkJ: Busy ka ba?

ParkJ: Tawag ka pag di ka na busy, ha?

Pero ni-isa sa message ko wala syang reply. Nasan ka ba? Nagaalala na ako. "Hayaan mo muna Jimin, baka busy lang sya ngayong araw." Tinanguan ko na lang si Jin hyung. Please, tumawag ka. Mamatay na ako kakasip kung okay ka lang.

2 weeks na walang reply si Xena. Halos gawin ko ng diary ang chat box namin. Tipong pati pag toothbrush ko sinasabi ko...pero di man lang nya binasa ang messages ko. Nahihirapan akong huminga minsan dahil sa pagaalala. Niyaya nila akong sumayaw pero wala akong gana. Konti lang din ang nakakain ko dahil sa kakaisip kung ano ang ginagawa nya.

Ano ba Xena, hanggang kelan mo ba ako di papansinin. Sa pagkaka-alala ko wala naman akong nasabing masama. Napakasaya pa nya ng huli naming paguusap. Pero anong nangyari ngayon?

"Jimin, nakita mo na ba ang rumor?" Tanong sa akin ni Rapmon hyung. Sa sobrang tuliro ko, nakalimutan ko ng tingnan ang SNS. "Di pa, bakit? Tungkol sa atin?" Walang gana kong tanong. "Hindi sa ATIN, sayo LANG" inemphasize pa nya ang kada words. "Ano na naman ba ang ginagawa ko!?" Di na ako makapagisip ng tama. Pino-problema ko pa nga kung bakit di ako pinapansin ni Xena tapos may dagdag na naman?!

"Chill ka lang Jimin, tingnan mo." Iniabot ni Jhope hyung ang phone nya at dun ko nakita lahat.

Jimin of BTS is dating a fan?
Click to see.
www.kvirals.com

Nang-gigil ako. Dali dali kong pinindot ang Article. Kung ito ang dahilan ng hindi pagpansin sa akin ni Xena, malilintikan sa akin ang site na to.

Some fans saw Jimin having a sweet talk with a fangirl in their HYYH album signing in Daegu. They said that they almost forgot about the time. This two, Jimin and the unknown fan was having a long time just talking to each other. Here are some pictures..

Picture nga namin ni Xena habang naka heart pose sya. Kitang kita ang saya sa aking mukha ng magkausap kami. Iniscroll down ko at binasa ang comments.

Unknown: maybe that is just a fan service.

Unknown: fuck you fuckers! Just leave this two alone! Jimin is always sweet on their fans. So fuck off.

Unknown: who is that girl!? She looks completely disgusting.

Unknown: just let jimin have his own love life. Right? Idols are also human they also have hearts.

Unknown: yuck! That girl is just, ewww. I think my foot was way better than her. So, why Jimin doesn't love my foot instead.

Padami pa nang padami ang comments. Kalahati ng mga ito pabor sakin at yung iba pang ba-bash. Naramdaman ko na lang na lumuluha na ako. Hindi dahil sa rumor kundi sa picture na kinuhaan sa album signing.

Oppa Saranghaeyo!

Mabilis akong umiling para mawala iyon sa isip ko. Pero lalo lang akong umiiyak. "Hyung alam naming mahirap ma-rumor. Tahan na lilipas din yan." Naramdaman ko ang kamay ni Jungkook sa likod ko. "Di n-naman yun eh. Wala a-akong p-pake sa rumors. Namimiss ko na si Xena." At lalong bumuhos ang luha ko. Yung mukha nya, yung ngiti nya at kung paano nya sabihing 'oppa' yun ang ilang bagay na namimiss ko sa kanya.

"Ganyan talaga yan Jimin, kapag lalo ka ng nahuhulog wala ng paraan para pigilan ito. Pag kapag nahulog ka na, masasaktan ka." Hinimas din ni Jin hyung ang likod ko. Nakakahiya para kong bakla. "Hindi ka tao pag di mo naranasang masaktan pagdating sa pagibig." Sabi naman ni Rapmon hyung. "Tigilan nyo nga yan! Naiiyak ako!" Sigaw ni Jhope dahilan para punasan ko na ang mga luha ko.

"May magandang dahilan siguro sya. Matuto ka lang mag-antay." Sabi naman ni Suga. Pag ganito parang ang saya na nandyan ang mga kaibigan mo para sayo. "Kelan pa ito lumabas." Tanong ko ng mahimasmasan na ako. "Kanina lang." Sabi ni Taehyung, tumango na lang ako.

So, hindi dahil sa rumor ang pagiwas nya. Kinuha ko ulit yung phone at nagmessage sa kanya, kahit na hindi nya basahin. Okay lang.

Isang buwan, mahigit isang buwan na pero hanggang ngayon wala na akong balita sa kanya. Paano nya ako natitiis ng ganito ka tagal. Nagiging busy na ang lahat para sa comeback, minsan ko na lang sya maiwan ng message. Pero di ko nakakalimutan na i-message sya.

ParkJ: Nga pala, malapit na comeback namin. Nuod ka, ang unang showcase namin sa music show na una tayong nagkita.

Umaasa pa din ako na pupunta sya. Lagi na akong pagod dahil sa araw-araw na pagpa-practice ng bagong sayaw,sa photoshoots at sa madami pang iba. "Jimin ayusin mo! More power!" Sigaw ng dance teacher namin. "May problema lang po kasi si Jimin." Sabi ni Rapmon sa teacher namin. "Anong problema yan?" Tinaasan nya ako ng kilay. Di ako halos makapagsalita dahil hingal na hingal ako.

"Wala po, masyadong personal." Pero na manage ko pa ding magsalita kahit na mauubusan na ako ng hangin. "Okay, dismiss na. Nakukuha nyo na yung step lagyan lang ng power. Sa sunod na bukas na ang comeback nyo. Bukas pala tayo mag vi-video para sa dance practice." Tumango at nag-bow lang kami at umalis na sya. Ganyan kami ka busy pag malapit na comeback.

"Ang daldal mo naman Rapmon." Sabi ni Jin. Muntik nang batukan ni JHope hyung at Suga hyung si Rapmon. "Atleast ako nagsabi hindi si Taehyung pag sya nagsabi, na ko pipilitin tayong sabihin ang totoo." Tapos lahat kami tumingin kay Taehyung na kasalukuyang nangungulangot. "Bakit kayo..." di nya na natapos ang sasabihin ng sabay-sabay kaming nagsalita. "Oo nga." With matching tango ng ulo pa yun.

Kinuha ko ang phone ko sa may bulsa ko. 11:54 p.m. pero wala pa ding ni isang reply mula sa kanya.

ParkJ: Kakatapos lang namin mag practice. Reply ka naman.



Xxxxxxxxxxxxx

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now