SIX.2

149 7 0
                                    

Napaka busy namin pagkatapos ng mga showcase namin akala ko magiging okay na pero simula pa lang pala. Ngayong araw papunta kami sa Weekly Idol para mag recording. "Xena, musta na kayo ni Jimin?" tanong sakin ni Eun Ki habang nasa van.

"Ayos naman. Siguro." tumango sya at may kinalikot sa phone nya. "Kayong dalawa ah. Bakit di namin 'to alam?" at saka nya ipinakita yung article namin ni Jimin, naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko.

"Busy kasi kayo."

Nagsimula agad ang recording dahil may fansigning event pa kami mamayang gabi.

Sa kalagitnaan ng recording may nahagip ang mata ko na pamilyar na figure sa di kalayuan at nang titigan ko ito...

Jimin?! Anong ginagawa nya rito?

Nakaupo sya sa tabi ng camera operator napansin ko naman ang isang bagay na nakalagay sa hita nya. Isang pink na lunch box.

Nanatili syang nakatitig sa akin hanggang sa mapansin nyang nakatingin na din ako sa kanya.

Nginitian nya ako, yung ngiti na abot sa mga mata nya.

Nagpatuloy ang recording ng maayos at nandun pa din sya nakaupo. Minsan pinagtitinginan na sya ng ibang staffs.

Nang matapos na ang recording pinuntahan ko kaagad sya.

"Anong ginagawa mo rito? Di ba nagusap na tayo. Paano kung may naka--" Di nya pinatapos ang sasabihin ko bigla na lang nyang itinapat ang dala nyang pink na lunch box sa mukha ko.

"Dinalhan kita ng lunch baka kasi magutom ka." Bigla nyang binaba ang lunch box. Napakalapit ng mukha nya sakin kaya napaatras ako.

"Kain ka ng marami." Ngumiti na naman sya dahilan kung bakit nawala ang mata nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at dun inilagay ang lunch box.

Naglakad na sya palayo, tinititigan ko lang sya habang papalabas sya sa set. Nakatulala pa din ako dahil sa ginawa nya.

Naputol yung pagiisip ko ng akbayan ako ni Eun Ki. "Patikim naman ako ng luto ni Jimin." Dahan dahan ko syang tiningnan.

"Ah, oo nga pala para kay Xena lang yun." Sabay kaming napatingin sa may pintuan ng magsalita si Jimin.

Andito pa din sya?

"Oo na." Sabay busangot ni Eun Ki at saka umalis na rin si Jimin.

"Swerte mo talaga kay Jimin, ikaw na talaga." Iniwan nya narin ako sa kinatatayuan ko.

Tiningnan ko yung binigay nyang lunch box. Mukhang hiniram nya pa ito kay Jin. Habang tinitingnan ko iyon, lumapit si Seulbi para ibigay ang phone ko.

"May nagmessage saka sunod ka na din daw sa dressing room."

Binasa ko yung bagong message ni Jimin.

'Punta ka sa pre-recording ng goodbye stage namin ;)'

Pinatay ko na ulit yung phone at saka pumunta sa dressing room.

Pagdating ko kumakain na sila. "Saan galing yan?" Sabay turo ni Soo Hwa sa lunch box na bitbit ko.

"Syempre kay Jimin, kanino pa ba?" Pang aasar pa ni Eun Ki.

"Kain ka ng marami."

Naalala ko yung amoy ng hininga nya, well amoy kimchi.

Pagbukas ko, bibimbap ang laman pati gatas may sticky note din sa loob.

Tinulungan ako ni Jin hyung magluto. Ubusin mo, okay :) Punta ka sa pre-recording namin :) :)

Inubos ko na kaagad para maaga ako makapunta sa pre-recording dahil may gagawin pa kami mamaya.

"Dahan dahan lang baka mabulunan ka." Sabi ni Min Yang at nang tingnan ko silang lahat nakatingin na pala sila sakin.

"May pupuntahan kasi ako saglit." Pilit kong nilunok lahat ng laman ng bibig ko bago mag salita.

"San ka naman pupunta?" Tanong ulit nya. "Basta. Didiretso na lang ako sa Hongdae." Iniligpit ko na yung lunch box at ininom yung gatas.

Kinuha ko yung hoodie ko pati mask at shades na nakapatong sa mesa.

"Aalis po muna ako. Didiretso na lang po ako sa Hongdae." Paalam ko sa manager namin.

"Sumunod ka kaagad samin. Kailangan mo ng kasama?" Tanong ulit nya.

"Hindi na po, okay lang."

Nagpaalam na ako sa kanila at saka tumakbo sa kalsada ng Seoul. Mukha namang walang nakakakilala sa akin kaya okay lang.

Buti at malapit lang yung music show kung nasan sila Jimin. Umikot ako sa likod ng building para dumaan sa parking lot.

Ang daming tao. Bago lumakad papunta sa mga tao inayos ko ang mask at shades ko at saka pumasok sa loob ng building ng nakayuko.

Pagdating sa loob tinanggal ko na ang shades ko at binaba na ang hood.

Dire diretso lang ako hanggang sa makita ko kung nasan sila. Mula sa backstage ako nanunuod ng performance nila at mukhang patapos na ito.

Nakatayo ako sa sulok ng bumaba na ang bangtan. Mula sa lugar ko kitang kita ko si Jimin, pinupunasan na sya ng pawis ng stylist noona nila.

At nang makita nya ako nagsimula na syang lumakad papunta sa direksyon ko.

"Pumunta ka, akala ko hindi ka na dadating." Nagulat ako sa sunod na nangyari.

Bumagal ang kilos ng lahat. Naramdaman ko ang mga braso nyang nakapulupot sakin. Ang init nya, at pawis na pawis. Nakasubsob ang ulo ko sa dibdib nya. Naghahalo ang pabango nya sa amoy ng pawis nya, napakabango.

"Ah Jimin?" Dahan dahan syang humiwalay sa pagkakayakap sakin. "Sorry. A...ano kasi?" Kinakamot nya ang batok nya kitang kita ko ang pamumula nya.

Inayos ko naman ang mask na suot ko. Ang awkward tuloy.

"Jimin, halika muna rito." Nilingon namin parehas kung sino yung tumawag sa kanya.

"Sige, punta ka na dun. Aalis na din ako." Tumango sya sa akin at nilingon ulit ang tumawag sa kanya.

"Sige, ingat ka." Niyakap ulit nya ako. Pangalawang beses na pero nagugulat pa din ako.

"Oo sige." At saka ako humiwalay sa pagkakayakap nya.

Nagsimula na akong maglakad palabas sa parking lot. Isinuot ko na din yung shades ko at yung hood ng jacket ko.

Marami pa ding tao sa labas kaya naglakad ako ng naka yuko.

"Xena! Xena!"

Nagulat ako ng may sumigaw ng pangalan ko pag lingon ko isang lalaking fan yung tumawag sa akin.

Tumatakbo syang lumapit sakin.

"Pweding picture tayo?" At saka nya inabot yung phone nya.

Gosh! Sabi ko wala dapat makaalam.

Nginitian ko sya at kinuha yung phone nya. Ibinaba ko ang mask ko pati ang shades.

"Kamsa!" At saka na sya umalis.

Tinakbo ko na papunta sa hongdae dahil baka may maka kilala pa sakin.








Xxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aym layk TT! ㅋㅋㅋㅋ

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now