FIVE.2

177 6 1
                                    


Pagtapos ng paguusap namin ni Jimin lagi na ulit nya akong minemessage. Kahit hindi ko nasasagot, lagi nya parin akong minemessage kung anong ginagawa nila.

"Busy ka ata?" Tanong ni Soo Hwa. "Hindi naman." Sagot ko sa kanya.

"Anong nangyari kahapon? Nahuli daw kayo ni Eun Ki na naguusap ni Jimin." Umupo sya sa tabi ko at inusisa kung anong ginagawa ko.

"Ah ayun? Nagusap lang kami."

"Di na nga ako magtatanong. Bibigyan ko kayo ng privacy."

Nginitian ko lang sya bago sya umalis. Binalikan ko ng tingin yung ginagawa ko.

Good morning!

Paalis na kami papuntang music bank.

Nasa make up room pa din kami.

Bawat kilos nya sinasabi nya sa akin. Parang baliw.

"Tama na yan. Practice na ulit tayo." Tawag sa amin ni Soo Hwa. Kaya nilapag ko muna ang phone ko at kinuha na ang gitara.

Nagpractice muna kami bago pumuntang music bank, maaga pa naman kasi.

Mabilis na natapos ang practice namin. Dahil kailangan agad naming pumunta sa music bank. Mabilis ang kilos naming 4 dahil naka schedule kami sa hapon.

Paglabas namin maraming fans sa labas. Malaya naman silang nakakalapit sa amin. Kaya yung iba nakikipagpicture samin. Hinahayaan lang namin dahil rookie pa lang naman kami.

Pagdating ng van, nagpaalam na kami sa kanila at sinabihan na sana makita namin sila sa music bank.

Habang nasa van wala kaming masyadong ginagawa kaya nag scroll muna ako sa SNS namin.

Nakita ko yung mga picture namin kanina with some fans. Nakakatuwa dahil ang saya saya nila.

Sa kalagitnaan ng pagiscroll ko biglang nagvibrate. Nagmessage na naman si Jimin.

'Ano to? Bakit may picture kayo? Tayo wala.'

Sa baba ng message nya is yung picture namin ng isang fanboy.

Natawa ako sa reaction nya. Gusto kong mag reply kaso na ngako ako kay JYP.

'Magantay ka lang magkakapicture din tayo.'

Napangiti na lang ako sa mga message nya. Mamaya maya bigla na namang nag vibrate ang phone ko.

Nagsend sya ng picture. Picture naming dalawa ang kaso edited nya lang.

Natawa ako sa ginawa nya. Picture ko nung teaser photos pa at selca nya.

'Gawin mong wallpaper ah.'

Message nya ulit. Napangiti naman ako sa kanya. Sinunod ko naman ang sinabi nya at ginawang itong wallpaper.

Nakakatawa yung picture parang gawa ng bata.

Pagdating namin sa music bank maraming fans sa parking lot. Pagbaba namin nagsimula na silang kumuha ng pictures.

Pagpasok namin mabilis lang kaming inayusan dahil susunod agad kami na sasalang.

Nagtitilian ang fans sa labas. Sinilip ko sa gilid ng stage na marami rami ang taong pumunta. Nakaset up na lahat sa stage at kami na lang ang inaantay.

Nakikita ko si Jimin papalapit sa direction kung saan kami nagaantay.

Binati sya ng ibang members pati na din ako. Pero sa akin lang ang tingin nya.

"Fighting!" Sabi nya sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

Saktong paglagpas nya pinaakyat na din kami sa stage.

Lucky or Not? ||p.jm||Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt