FOUR

202 9 0
                                    


"Jimin! Ikaw talaga puro ka na lang issue!?" Nasa dorm na kami at saka ako nilapitan ni Jhope. "Ha? Wala akong ginagawa." Sabi ko, kasi wala naman talaga akong masyadong ginagawa ngayon dahil mag ka-comeback na. "Anong wala?!" Di yan galit OA lang talaga. Tinapat nya sa akin ang phone nya pero dahil sa sobrang lapit di ko makita kaya kinuha ko na lang.

Jimin of BTS is having a conversation on Line app with a fan. Is it true?
Click to see more.
www.kviral.com

Ang galing talaga nila pati ito nalalaman nila. Ang galing talaga ng mga sasaeng. Pati private life namin wala na.

Last time Jimin was rumored on dating a fan. And today some fans said that Jimin was always busy on his phone. And some, saw that Jimin is using his Line app. No one saw who is he talking to, but all the i love you's can explain. Is this just a bighit trick so that people will talk about BTS or is it true?

Binato ko sa upuan ang phone ni Jhope hyung. Depressed na ako at ito pa ang makikita ko. Di pa din ako kinakausap ni Xena, tapos may problema pang ganito. Tumayo ako at pumunta sa kwarto para mapag isa. Sa panahong ganito sarili ko lang ang makakatulong at makakaintindi sa akin.

Bakit ba ganito? Simula ng makita ko sya halos sya na ang lagi kong iniisip. Pero bakit wala lang sa kanya? Di ko pa nga sinasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Puro problema na. Mahal ko sya, sya kaya mahal ako? Bakit parang di naman nya nararamdaman.

Nagsimula ng tumulo ang luha na lagi kong itinatago at kinikimkim. Dahil kelangan kong maging masaya para sa fans. Stressed, Depressed at Frustrated ako kaya siguro ganito. O sadyang nasasaktan lang ako sa lahat ng nangyayari. Ang sakit, sobrang sakit. Hikbi ko lang ang naririnig ko sa loob ng kwarto.

Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Hinampas hampas ko ang dibdib ko umaasang mababawasan kahit papaano ang sakit, pero hindi. Alam kong ang babaw ng dahilan pero ang sakit pala. Ang hirap naman nito minsan ka na lang magmahal nasaktan ka pa.

Baka naman minahal nya naman ako kahit papano. Saglit na panahon ko pa lang syang nakausap pero ang lalim na ng nararamdaman ko para sa kanya.
I love her but I don't think she's feeling the same way. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako nasasaktan ngayon.

Sinuntok ko ang pader kung saan kanina pa nakasandal ang noo ko. Dahil sa impak ng pagsuntok ko anytime pupunta ang mga hyung para icheck kung anong nagyayari. Ayoko makita nila akong ganto. Mukha akong mahina, I even look pathetic.

Naramdaman ko ang hapdi ng kamao ko pero wala pa ito sa kalingkingan ng sakit na nasa puso ko. Di ako makahinga sa sobrang hikbi. Ayoko man marinig nila pero di ko na kaya kimkimin lahat ng sakit. Muli kong sinuntok ang pader nang ilan pang beses hanggang sa mamanhid ito. Sana mamanhid na lang pati ang puso ko.

"Hoy bansot! Ano bang ginagawa mo!! Nagpapatangkad ka ba?" Narinig ko ang boses ni Hoseok hyung, sana katulad nya maidaan ko na lang sa biro ang lahat. "Jimin buksan mo 'tong pinto." Si Rapmon hyung yun bakas sa tinig nya ang pag-aalala.

Naninikip ang dibdib ko kaya naupo ako sa sahig habang yakap ang mga tuhod ko. Di ko sila sinagot dahil alam kong hikbi lang ang lalabas sa bibig ko.

"Jungkook, kuhain mo nga yung susi."

"Hoy Jiminie ano bang nangyayari sayo? Uy sumagot ka naman."

"Hyung eto na oh."

Naririnig ko na ang pagkalansing ng susi. Hinayaan ko lang sila. Kanina gusto kong mapag-isa, ngayon ko lang naisip nandito sila handa akong damayan.

Lumiwanag ang kwarto, sign na nakapasok na sila. "Jimin! Anong nangyari sayo!?" Inalog ako ni Suga hyung pero di ko manlang sya tiningnan at nanatiling na ka tungo.

"Hyung! Yung kamay mo nagdudugo!" Sigaw ni Jungkook at saka ko naramdaman ang paghawak nya sa kamay ko. "Namjoon kuhain mo yung first aid sa C.R.!" Sigaw ni Jin hyung.

"Akala ko nagpapatangkad ka lang. Bakit naging ganito itsura mo? Ha?" Tanong ni Hoseok hyung. Dahil sa tanong nya nag angat ako ng tingin, nakita ko sa mga mata nila Suga,Jungkook,Jhope at Taehyung ang sobrang pag aalala. Nakita ko naman si Jin hyung na nakatayo sa gilid pero bakas ang pagaalala sa mukha nya. "Ano bang kagaguhan ang ginawa mo Jiminie! Dahil ba kay Xena?" Dahil sa sinabi nya lalo akong naiyak. Gusto kong magsalita pero di ko magawa puro hikbi lang ang lumalabas sa bibig ko.

"You look so messed up Jimin. What did you do? Tell us, we are here as your friend. And friends help each other when disaster like this comes. So? Would you mind telling us?" Pinilit kong magsalita. Para ikwento ang lahat kay Namjoon hyung pati sa iba. Kaso di ko talaga kaya nanginginig ang labi ko.

"Tigil-tigilan mo ako kaka-english Namjoon ah. Umalis nga kayo lilinisin ko muna sugat nang bansot na 'to." Sabi ni Jin hyung nag-give way naman sila pero nanatili sila sa loob ng kwarto. "Ano ba kasing ginagawa mo ha?! Kung tungkol 'to kay Xena, please Jimin. Sumusuko ka na ba? Malay mo busy pa sya." Tiningnan ko sya habang nililinis ang sugat. Di ko maigalaw ang kanang kamay ko. Tama sya pero, gaano ba sya kabusy na kahit basahin manlang ang messages ko di nya magawa.

"Ouch hyung!" Reklamo ko ng diinan nya ang bulak na may alcohol sa sugat ko. "Ano? Natauhan ka na ba? Ganyan pag nag mamahal Jimin. Habang lalo mo syang minamahal mas malalim ang sugat pag iniwan ka na nya." Nagawa nya pa akong hugutan sa oras na to. Pero tama na naman si Jin hyung, parang isang malaking sampal ng realidad yun sa akin. Na nasasakatan ako dahil nag mamahal ako.

"Ano ng plano natin? Paano natin ipapaliwanag to kay manager-nim?" Tanong ni Jungkook na nakaupo sa tabi ni Taehyung. Nagkibit balikat lang sila at tumingin kay Namjoon.

Feeling ko tuloy, pabigat ako sa kanila. Kaya yumuko na lang ako. "Tumigil ka na kakaiyak Jimin. Mawawala yang abs mo." Sabi naman ni Taehyung. "Pag di ka tumigil sasampalin kita." Banta ni Jhope hyung, pero patuloy parin ako sa pagiyak. "Eww, ang bakla mo talaga Jhope. Sampal talaga hindi sapak?" Sabi ni Taehyung. Alam ko mamaya maya magbabangayan na sila. Salamat sa dalawang to gumagaan ang pakiramdam ko.

"Oo, sampal lang matatanggap ni Jimin. Pero ikaw baka di ako makapagtimpi at ikaw sapakin ko."

"Sorry na hyung! Ingat ka yung baba mo."

At nagsimula na sila. Kung wala sila baka kung ano magawa ko sa sarili ko. "Tama na yan! Paguntugin ko kayong dalawa mamaya kung di pa kayo titigil." Siguro naiirita na rin si Rapmon hyung. Nanahimik naman yung dalawa.

"Ganito, sasabihin natin na naipit sa pintuan si Jimin. Taehyung, please wag ka na lang sumagot pag tinanong tayo." Napataas ako ng tingin sa kanila. Nag aalala sila para sa akin halata sa mukha nila. Lumabas si Namjoon hyung para siguro kausapin ang manager namin.

Ayaw ko ng ganito nagmumukha akong kawawa. Binendahan ni Jin hyung ang kamay ko sakto namang dumating ang manager namin. Napagdesisyunang dalhin ako sa hospital.

Nakalabas din kami ng hospital, wala naman daw nabaling buto pero baka bukas ko pa daw magagalaw ang kamay ko.

"Nako hindi pwede to. Sana magalaw mo na agad kamay mo. Comeback stage natin pala bukas." Sabi ni Suga hyung at saka tiningnan ang kamay ko na na ka benda. Sya ang katabi ko dito sa van, pabalik na ulit kami sa dorm. Si Rapmon hyung na ang nagpaliwanag sa manager namin.

"Wag ka na lang kaya pumunta." Ngayon si Jungkook naman ang nagsalita. Kaming tatlo na lang ang gising yung iba nakatulog sa byahe."Kamay lang naman to, di naman paa. Magagalaw ko din to bukas." Tumango lang sya at sumandal na ulit sa upuan nya. Kinuha ko ang phone ko gamit ang kaliwang kamay ko at nag message kay Xena.

ParkJ:Na-injure ko kamay ko pero okay na ulit. Matulog ka na, gabi na at saka wag kang magkakasakit ah?

Umaasa ako na mag rereply sya ng 'O sige Oppa sabi mo eh' katulad dati pero di man lang ako nakatanggap ng isang message galing sa kanya.



Xxxxxxxxxxxxxxx

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now