PART 2: I'm Still Lucky

223 9 5
                                    

Xena

Malapit na matapos lahat ng sakripisyo ko. Pag natapos na ba ang lahat ng yun...gusto nya pa din kaya ako? Maraming nakapaligid sa kanyang mas maganda at mas mayaman kesa sa akin kaya baka sa muli naming pagkikita, nakalimutan nya na ako. Alam kong mas matanda sya ng 4 na taon pero di yun hadlang, hindi ba?

"Xena, meeting with the CEO. Dalian mo." Tawag ni Minyang ang tumatayong leader ng grupo namin. Pinunasan ko naman ang pawis ko at sumunod sa kanila.

Nakasakay na kami sa elevator papunta sa office ni Mr. Park. "Bakit kaya? Wahhh naeexcite tuloy ako." Sabi ko habang nangingisay ng konti kaya napatingin silang lahat sa akin. Well, I'm the Happy Virus here. "Manahimik ka Xena. Sakit sa tenga." Pagrereklamo ni Eun Ki. Tinakpan naman ni Soo Hwa yung bibig ko. "Pwede mamaya ka na magingay nasa elevator tayo!? Baka bingi na tayo paglabas." Sabi pa nya.

Nung tumunog na yung elevator nauna si Minyang lumabas. Tapos sunod-sunod na kami. Pinapasok naman kami ng secretary ni Mr. Park. "Oh, girls sit down." Umupo naman kami sa mahabang sofa. "We're just going to talk about your upcoming debut." tumango tango naman kami.

We are a 4 membered girl BAND. Oh yes people! Banda kami. Not the usual thing na nakikita nyo na sumasayaw at kumakanta, well kumakanta din naman kami pero with instruments.

"So tomorrow you're going to shoot your teaser photos. And the day after tomorrow your going to film your MV." Tapos may inabot sya kay Minyang. Siguro yung schedule list. "That's all. You can all go back to practice, by the way DAY6 will give you some advice later on." Tumango naman kami and bid our goodbyes. "Wait Xena.." napalingon naman ako ng tawagin ako ni Mr. Park. "Yes sir?" Naglakad naman ako ng kaunti para makapagusap kami ng maayos. "The thing about you and Jimin of BTS. It's okay to continue that after you debuted. But right now it's going to be a problem." Tumango naman ako bago magsalita, "I understood sir." Nagpaalam na ako at umalis.

Di pa nga nagsisimula yung 'thing' about samin ni Jimin madami ng humahadlang. Hays..

"So, ano pinagusapan nyo?" Tanong ni Soo Hwa. Itong babaeng to chismosa. Nagulat ako sa kanya kasi saktong paglabas ko mukha na nya ang nakabalandra. Di ko tuloy alam kung ako pa Happy Virus dito. "Tungkol kay Jimin babes." Sabi ko. Ganyan ko tawagin si Jimin sa harap nila. Aware sila sa kung anong ganap samin ni Jimin.

"Jimin na naman? Bakit daw?" Tanong nya ulit yung dalawa naman nakikinig lang. "Ipapakasal na daw kami sabi ni Mr. JYP." Sabi ko in serious tone. "Weh!?" Sabay-sabay nilang react. "Di joke lang." Tapos tinalikuran na nila ako at iniwan dito. "Joke lang nga eh!" Di sila nagsalita tuloy-tuloy lang silang naglakad.

Hinabol ko sila para makasabay sila sa paglalakad. "Xena, tigil-tigilan mo kami ah!" Sabi ni Eun Ki ng makahabol na ako. "Joke nga eh! Itong mga to talaga." Sumakay na ulit kami sa elevator. Biglang tumunog yung phone ko ibig sabihin may bagong message, di ko na binasa pa kasi alam ko pag ginawa ko yun mapapagalitan na naman ako at alam kong si Jimin yun.

"Ilang months mo nang hindi pinapansin message ni Jimin. Sigurado akong nasasaktan yun." Sabi ni Minyang sabay akbay sa akin. "Hindi lang naman sya ang nasasaktan sa sitwasyon. Mas nasasaktan ako pero di lang halata." Di na sila nagsalita. Kung alam lang nila kung gaano kasakit. The happiest people, cry before they sleep. Nabasa ko lang yun pero totoo.

Pagpasok namin sa studio nandun na nakaupo ang Day6. "Ang tagal nyo naman." Reklamo ni Jae. Palibhasa lolo na kaya ganyan. "Sorry po lolo." Tiningnan naman nya ako ng masama si YoungK tawa ng tawa. "Kayong dalawa, tumigil nga kayo." Sabi ng kapatid ni Jungkook. Dejoke lang. Si Sungjin oppa yun. Nanahimik na lang ako at kinuha yung gitara ko.

Im incharge on vocal and I am the guitarist. Si Minyang unnie ay incharge also sa vocal and piano. Si Eun Ki naman ang aming maknae ay incharge sa drums, she doesn't sing nor rap. Si Soo Hwa naman ang incharge sa base at sa rap.

At dahil Guitarist ako si Jae ang naka toka na umalalay sa akin or should I say maging mentor ko. At kanya kanya kami ng ginagawa. "Jae hayup ka! Turuan mo ko hindi yang phone mo---" sinaksak nya sa bibig ko yung papel ng chords ng debut song namin. "Shut up brat." Plain nyang sagot. Nakakabadtrip to! Maiinit dugo ko sa kanya kasi sya ang muntik ng magbagsak sa akin sa auditions online.

Kinuha ko nalang yung papel sa bibig ko at nagpractice mag isa. Hayup talaga tong si Gramps. Nagulat ako ng tumunog ang phone ko. Si Jimin, ang unang pumasok sa isip ko. Dahil nakita ko sa SNS na may show sila kaya binuksan ko yung tv sa studio. Pero tapos na performance nila, dahil awarding na.

Nang inannounce na sila ang panalo na pa tayo ako sa upuan. "Oh yes babes! Galing mo talaga!" Lumapit pa ako sa tv screen dahil magbibigay sila ng speech.

"Thank you A.R.M.Y! Thank you to that one special fan that inspire me to do better. Saranghabnida! Kamsahamnida!"

Napatahimik na lang ako sa sinabi nya. Ako kaya yung special fan? Pero sa tingin ko ako yun. Assuming ako. Saranghabnida Jimin oppa~

Malapit na talaga Jimin promise. Next next week araw-araw na kitang makikita.

Napatigil naman ako sa pagiisip ng tinawag ako ni Wonpil Oppa. "Xena tapos ka na magpractice?" Wahh ang gwapo nya talaga hawig nya talaga si Taehyung. "Di pa. Kaso kasi tong hayup na to! Itatapon ko talaga yang cellphone na yan!" Parang hindi ko sunbae si Jae di ba. We threat each other as siblings, and this is what siblings normally do.

"Itapon mo nga." Panghamon nya sa akin pero di manlang nya ako tinapunan ng tingin. Umalis na lang tuloy si Wonpil oppa. "Ay hindi ipapalunok ko na lang pala sayo. Tutal malapit na sa bibig mo!" Sigaw ko habang nakatayo sa harap nya. "Sige nga. Try mo." Di pa rin nya ako pinagka abalahang tingnan. "Aish! Ewan ko sayo Gramps. Salamat ka naiintindihan ko na mahirap maging rayumahin." At sa wakas tiningnan nya na ako. Binigyan ko naman sya ng winning smile at asar-talo-ka-look. "As if I care." Binalik nya ulit yung tingin nya sa phone.

Yung winning smile ko biglang nawala, gusto ko na syang tadyakan! "Fine!" Tapos nagasolo ako. Bahala kayo jan.

Nang mabored na ako kasi iisang kanta lang yung pina-practice ko. Kaya nag phone na lang din ako.

New artist from JYP entertainment was going to debut soon. This group was a 4 membered group. They are known as JAMX consists of Kang Minyang the leader,main vocalist and the pianist. Lee Soo Hwa the visual,rapper and the basist. Xena Araneta from Philippines was incharge as lead vocalist, guitarist and the happy virus. Kim Eun Ki from Los Angeles was incharge on drums. Some say that this said group was going to change the true meaning of kpop. Let us watch out for they are going to release their teaser photos soon.

So naglabas na pala ng information.

Jimin

Xena Araneta? Wait maari kayang si Xena ito? Pero ang sabi nya nagbaksayon lang sya dito? Di namang pwede na maging idol sya sa ganun lang kaiksing panahon.

Sya ba talaga to? Paano nya nagawang mag sinungaling sa akin at paniwalain akong nag bakasyon lang sya dito.

Nagsisimula ng magbago ang tingin ko sa kanya...



Xxxxxxxxxxxxxxx

Napadaan lang po ang DAY6 sa storyang to hahahaha akala nyo siguro may magiging parte si Jae sa puso ni Xena no? Well napadaan lang talaga sila. Promotion daw sa iba na hindi pa sila kilala char hahahahaha.

#Fire3rdWin

-KAPATIDNIHOSEOK

Lucky or Not? ||p.jm||Kde žijí příběhy. Začni objevovat