One. 2

220 8 2
                                    

Xena

So, nandito kami ngayon sa Gangnam para magshoot ng teaser photos. Tapos na namin ishoot yung para sa album, teaser na lang. Konting edit at ilalabas na ito mamayang gabi. Di pa man lumalabas ang teaser photos ay masasabi kong dumadami na ang fans namin.

Heto kami kanya kanyang imbento ng pose para matakpan ang kalahati ng mukha dahil TEASER nga eh. Minyang unnie was the first to take the photoshoot. "Hoy Minnie! Gaya-gaya ka ng pose!" Sigaw ni Soo Hwa nataranta naman sya kasi after ni Minyang unnie sya na ang susunod.

Nanahimik ako kasi baka gayahin nila pose ko kaya better to shut my mouth. "Oh Soo, ikaw na. Pagbutihin mo." Tinapik naman sya ni Minyang unnie sa balikat. Kami ni Eun Ki tawa ng tawa kasi parang nauutot si Soo Hwa. "Pose ko yun eh! Mag antay ka lang Minnie may mawawala sayo hahaha!" Ang creepy ng bruhang to. Si Minyang unnie naman tiningnan lang sya.

"Hoy Xena ikaw na! Galingan mo para pagnakita ni Jim--ouch!" Binatukan ko sya nung papunta na ako sa harap. Dahil may pagka street theme yung Album kaya outdoor photoshoots ginagawa namin. Parang Rapmon inspired lang.

Isang shot lang kada member kasi ieedit pa naman at teaser lang naman. "Eun Ki darling ikaw na." Tinawag ko si Eun Ki na busy sa paglalaro sa phone nya. "Eww. Kadiri ka unnie." Reklamo nya at pumwesto na.

Nang matapos na kami pinuntahan namin ang abandoned factory kung saan magshu-shoot ng MV. Pagdating namin nagpe-prepare na sila. Nakakahiya naman sa staffs kung titigan ko lang sila.

"Saan po dadalhin tong box?" Tanong ko sa isang staff. Nagulat naman sya ng makita ako. "Doon po sa may tabi ng ibang box, pero kaya ko na po." Nginitian nya ako at akmang aalis na. Siguro kahit dito dala ko pa rin ang culture ng pinas. "I would like to help Unnie. Ako na po dito." Kinuha ko ang box na bitbit nya. Di na sya tumanggi.

"Wow Xena! Wait hanggang dito ba naman akala ko sa dorm mo lang ginagawa ang ganitong bagay?" Sabi ni Soo Hwa, sinundan pala nila ako. "Ang daldal mo. Tulungan nalang natin sila tutal wala na tayong gagawin." Tumango naman si Minyang at tumulong na mag assemble ng gamit. "O kayo? Ano pang ginagawa nyo?" Si Soo Hwa di sumagot at tumulong na din.

"Nope. Don't make me do it. You know me Unnie." Kinuha nya ang phone nya at nagscroll na dito. Hinablot ko at itanakbo kay Minyang unnie since sya ang leader. "Oops sorry." Sinimangutan nya ako at tumulong na din.

Nang matapos na ang lahat ng gagawin. Pinapabalik na kami ng staffs sa dorm para daw makapagpahinga. Di na kami tumanggi pagod na kami.

Pagsakay sa van. Tumunog ang phone ko. This time may nararamadaman ako na kailangan ko makita ang message na to. Kaya kinuha ko ang phone ko at tiningnan.

ParkJ: Ikaw ba at si Xena Araneta ng bagong grupo sa JYP iisa? Please wag ka ng magsinungaling. Pagod na ako umalam ng sikreto mo. Please sabihin mo na.

Nalaglag ko ang phone ko sa Van. Ito na ang sinasabi ko..madidiskubre nya din lahat. Pero ang mas masakit eh yung pagod na sya.

"Bakit ka umiiyak? Phone mo oh." Inabot naman sa akin ni Minyang unnie ang phone ko. "Si Jimin na naman ba?" Tanong ni Eun Ki.

Hagulgol lang ang sagot ko sa tanong nila. Ang sakit pala malaman na kung kelan malapit ng matapos lahat ng paghihirap at saka sya sumuko.

"Compose your self pabalik na si Manager-nim." Sabi ni Soo Hwa.   Sinuot ko ang hoodie ko at tinakpan ang bibig ko para walang ingay ang lumabas galing dito.

Sobra na ba ang sakit na binigay ko Jimin? Di ko naman hawak ang puso mo kung gusto mo nang sumuko, okay lang kahit na sobrang sakit.

Hinampas ko ang dibdib ko para mabawasan ang sakit. Ganito pala kasakit.

Di ko namalayan nakatulog ako sa pag iyak. Pagsilip ko sa bintana tanaw ko na ang dorm. "Xena unnie, okay ka na?" Tanong ni Eun Ki. Di ko na sya tiningnan at umiling na lang bilang sagot.

Maraming fans ang nasa labas ng building pinagsuot ako ni Eun Ki ng shades. Siguro namumugto ang mata ko. Pagbaba namin nagsimula ng umingay.

JAMX Fighting!

Xena kaway ka naman dito!

Wahh ang ganda mo Xena! Please take off the shades.

JAMX I love you!

Ilan lang yan sa naririnig kong sigaw ang daming flash. Pinilit kong ngumiti at kumaway kahit papano dahil matyaga nila kaming inantay.

Sumakay na kami sa Elevator ng bigla ulit bumuhos ang luha ko. Buti at di na namin kasama si Manager-nim. "Siguraduhin mong ikukwento mo ang lahat sa amin." Sabi ni Minyang unnie. Tumango na lang ako.

Pagpasok sa dorm tinanggal ko na ang shades ko at Hoodie. Sila naman naupo sa harap ko.

"Si J-jim.." Di ko natapos ang sasabihin ko dahil naunahan ng mga hikbi ko ang boses ko. Tumayo si Soo Hwa at pagbalik may dala na itong tubig.

"Uminom ka muna, wala kaming maintindihan." At saka nya inabot sa akin. Tinaggap ko at nilagok lahat.

"Si Jimin pagod na daw sya sa kasinungalingan ko." Pinatigil ko muna ang hikbi ko at saka nagsalita ulit. "Ang sakit pala. Dapat una palang sinabi ko na sa kanya. Kaso natakot ako sa sasabihin ng iba. Ayoko na i-judge nalang nila ako ng basta bas--"

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay Soo Hwa. Hinawakan ko ang parte kung saan nya ako sinampal.

"Ang tanga mo kasi! Una palang sinabi na namin sayo na sabihin ang totoo. Pero nag matigas ka kesyo ganyan kesyo ganito. O edi sino nasaktan ngayon! Bobita ka! Isa kang malaking duwag kung ganyan ka? Itigil mo na ang pangarap mo na makasama si Jimin kasi walang mangyayari sa inyong dalawa!" Sabi ni Soo Hwa habang nang gigigil na nakatayo sa harap ko.

"Tama na Soo!" Hinila ni Minyang unnie si Soo Hwa sa kusina kami na lang ang natira ni Eun Ki sa sala. "Ano, iiyak ka na lang jan? Sige ibuhos mo na ngayon lahat ng sakit pero sa susunod na umiiyak ka ako naman ang sasampal sayo. You look wasted and also a little bit disgusting."  Pero pagtapos nyang magsalita niyakap ako ni Eun Ki sobrang higpit. At sa balikat nya ako umiyak.

"So I guess di ka makakapagluto ng dinner hahaha." Sabi ni Eun Ki between our hugs. Napangiti naman ako kahit papano sa sinabi nya.

Thank you talaga at may ganito akong mga kaibigan. Sinampal nila ako ng realidad kaya ngayon natuto na ako.

Jimin

Sinilip ko ang phone ko. Nabasa nya ang message ko pero di sya nagreply. Habang kinakalikot ko ang phone ko may nakita akong post sa SNS.

Teaser photos nila, ng JAMX. Kitang kita ko, kahit natatakpan ang kaliwang bahagi ng mukha nya nakikilala ko sya. Those pair of beautiful eyes and curly hair.

Si Xena nga to. Kelan nya balak sabihin sa akin ang totoo?

Xxxxxxxxxxxxxxxxx

Di ko talaga alam kung saan ako humuhugot ng kadramahan sa buhay hahaha.

Comments and votes are highly appreciated.

Comment kayo kung sino manlilibre ng tickets sa akin. Di po ako choosy kahit Pulp Royalty lang hahaha lolz. Di pa po ako choosy nyan kabahan na kayo pag naging choosy ako hahaha joke.

-KAPATIDNIHOSEOK




Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now