NINE.2

132 7 0
                                    


Hindi na nakontento ang mga tao. Lalo pa nilang pinalaki ang issue. Lalo din akong pinagbawalan lumabas ni JYP para iwas sa mas malalang aksidente.

Wala ang ibang members ngayon dito sa dorm, umalis muna sila para mag-grocery. Ilang araw akong nag iistress eating, hinahayaan lang din nila ako para mas mabilis mawala ang anxiety ko.

Naglakad ako sa papunta sa fridge para tingnan kung may donuts pa, kaso wala ng natira.

Sinuot ko ang jogging pants ko at oversized hoodie. Balak kong pumunta sa company building at bumalik na walang nakakapansin.

Nagsuot din ako ng mask. Pasaway na kung pasaway, pero bibili lang naman ako.

Mga ilang kanto at ilang liko lang naman mula sa dorm papuntang JYP. Buti na lang at wala masyadong tao dahil 12 o'clock na at ayaw nilang mainitan.

Pagdating ko sa dunkin donuts sa tapat ng JYP building, wala masyadong fansite master kaya madali lang.

"Annyeonghaseyo." Bati ko sa cashier. Pag bigay nya ng order ko lumabas na agad ako. Pinagisipan ko kung uuwi na ba ako pero naglakad-lakad muna ako sa paligid ng company.

Wala masyadong tao. Madalas na nakikita kong naglilibot ay foreigners. Sa paglilibot ko nakita ko ang malaking Kstar road map na naka lagay sa pader.

Tiningnan ko ito ng mabuti at kumuha ng donut. Minsan hindi ako makapaniwala na isa na akong idol. Sa lahat ng nangyayari parang gusto ko balikan yung dati, normal lang lahat. Pero andito na ako wala ng atrasan.

Sa gitna ng pagiisip ko biglang may nagsalita, "Xena?" Tanong nito.

Tiningnan ko naman kung sino ang nagsalita. Bahagyang naka baba ang shades niya para tingnan akong mabuti. Si Cha Hun pala ng N.flying. Sobrang lapit lang kasi ng JYP building sa FNC kaya hindi nakakapagtaka na magkasalubong kami.

"Annyeonghaseyo." Bati ko sa kanya, nagbow din sya ng bahagya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin.

"Nagiikot lang, pero pabalik na din ako sa dorm."

"Totoo ba yung issue nyo ni Jimin?" Hindi na ako nagugulat na lahat ng makakausap ko ganito ang tanong.

"Oo, totoo iyon lahat. Pero hindi pa pwedeng ipublic dahil rookie pa kami at mag mumukhang for publicity lang ito."

Tumango tango sya sa sinabi ko. Nakatayo sya hindi kalayuan sa akin at nakatingin din sa mapa.

"Kung sabagay. Ang hirap talaga maging idol no? Bawal mag mahal at kung magmamahal man dadating muna ang napakaraming problema."

Napalingon ako sa sinabi nya. Nagmahal na din kaya sya noon kaso hindi pwede? Gusto ko sanang itanong kaso wag na lang.

Natahimik kaming dalawa, hanggang sa naisipan ko ng umuwi.

"Annyeong alis na po ako."

"Jalga." (Go well) at saka ako nagbow ulit sa kanya.

Sana walang nakakita sa amin ayoko na ng maraming issues pa.

Pagdating ko sa dorm wala pa ding tao. Buti na lang ang tagal nila.

Habang nanunuod ako ng drama biglang nagvibrate ang phone ko.
'Ayos ka lang? Bakit hindi mo sinabi?'

Malamang nakarating na sa kanya ang balita.

'Ayos lang ako. Nangyari na eh.'

'Kahit na dapat sinabi mo pa din sa akin.'

Nakaramdam ako ng konting guilt, kahit na masama o maganda ang nangyari dapat sinasabi ko sa kanya. Pero ayoko na kasi syang magalala pa.

'Sorry, ayoko na kasing magalala ka. Ayokong masira ang konting panahon na kasama mo ang pamilya mo.'

'Hindi naman sa ganon pero dapat sinabi mo para alam ko.'

'Ayos na ako ng malaman kong okay ka lang. Wag kang magalala pauwi na din naman ako. We're going to fix this.'

Napangiti ako sa sinabi nya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok na sila na madaming dala.

"Buti di na natin kinuha yung samgyeopsal, kung hindi wala na tayong pambayad." Yun agad ang sinabi ni Minyang pagkapasok nila.

"Edi si Eun Ki yung ipambayad. Gusto ko pa naman ng samgyeopsal." Reklamo ni Soo Hwa at saka sila dumiretso sa kusina.

Mukha silang pagod na pagod. "Uy may donut!" Biglang tumakbo papalapit sa akin si Soo Hwa at kinuha yung box. Biglang nawala ang ngiti nya.

"Hindi mo man lang ako tinirhan?" Pagmamaktol nya at ibinalik ang box sa center table. "Alam ko kasi na kakain na kayo sa labas." Sabi ko.

"Dapat talaga ako na ang humawak ng budget. Papayat ako pag si Minyang ang taga hawak ng pera."

"Pag ikaw naman ang hahawak, mamumulubi tayo." Sagot naman ni Minyang paglabas nya galing sa kusina.

Di ko na sila inintindi sa pagtatalo nila at nanuod na ulit. Pagsilip ko sa phone ko may isang message.

'Im going to kill you for being such a slut. First you have Jimin and now Cha Hun. Good bye ssibsaegi (bitch) :)'

Paano nya nakuha ang number ko? Di mapigilan ng kamay kong manginig. Hinayaan ko lang na bumagsak ang kamay ko sa lap ko. Nang hihina ako pero pinilit kong huwag nilang mapansin.

Sino to? Bat alam nya ang kilos ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinipilit na iayos ang pag hinga ko.

Bakit? Paano? Ang dami kong tanong pero alam kong walang makakasagot nito. Anong gagawin ko?

Xxxxxxxxxxxxxxxx
Mnet Asia Music Awards 2016 Artist of the year. Bangtan Sonyeondan!!

Chukhahaeyo bangtan~ So proud of my boys. Seeing them cry makes me cry legit tears.

let's fly with our beautiful wings - namjoon

Lucky or Not? ||p.jm||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon