FINAL

215 9 5
                                    


Nagre-ready na ang lahat dahil papunta na kami sa music show. Mabilis kumalat kagabi ang balita dahil sa nanyari sa kamay ko.

Xoxomeow:Oppa what happened!? Please take care of yourself. We love you. #GetWellSoonJimin

ILVBNGTN:OH MY GOSH OPPA! ALWAYS BE CAREFUL! YOU'RE SO PRECIOUS TO US. WE DON'T WANNA SEE YOU HURT. #GetWellSoonJimin

Yoongi-fied: Saranghaeyo Oppa please take care of yourself. Don't get sick. #GetWellSoonJimin

JikookIzLayf:Tangna! Hoy Jimin! Mag-ingat ka nga, mahal ka namin! Pesteng pinto yan! Sino sya para saktan ka!? #GetWellSoonJimin

Kanina pa trending sa SNS ang #GetWellSoonJimin. Grabe ang pagaalala ng A.R.M.Y sakin. Kaya nagpost ako sa SNS na ayos na ako. On the way na kami sa Music Show tahimik sa loob ng Van. Pero binasag ni Taehyung ang katahimikan. "Jiminie ayos na ba talaga pakiramdam mo?" Nag smile ako sa kanya bago sumagot, "Oo, okay na nagagalaw ko na ang kamay ko." Sabi ko pero parang di sila kuntento sa sinabi ko. Tiningnan nila akong lahat kaya nagtaka ako.

"Yung puso mo okay lang?" Tanong naman ni Jungkook. Di ko na nasagot ang tanong nya at yumuko na lang. Nagbabadya na naman ang pagtulo ng luha ko.

Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Yung puso ko kamusta? Ang sakit pa din. Akala ko pag-gising ko wala na lahat ng sakit, pero di pa pala. Pakiramdam ko lalo lang akong masasaktan dahil sa Music Show na pupuntahan namin. Dahil, dun kami unang nagkita ni Xena. Ang tanga ko. Alam ko ng masasaktan ako pag sumama ako sa Music Show na to, pero ito ako nasa van at ilang minuto na lang nandun na kami. Siguro dahil umaasa pa din ako na makikita ko sya ulit dun.

"Jimin, ano magdadrama ka na naman ba? Baka mamaya yung bintana naman ang suntukin mo." Sabi ni Hoseok hyung. Di na lang ako nagsalita at tumungo na lang. "Baba na kayo boys! Andito na tayo." Sigaw ni manager-nim. Ito na oras na para harapin ang realidad na hindi ko ulit sya makikita. Pero kahit ganon, sana makapunta sya.

Nagbabatuhan si Taehyung at Jungkook ng kung ano-ano habang papunta kami sa make-up room. Binabati kami ng mga rookies at pati Sunbae. Binabati din naman namin sila.

Nang makarating na kami sa make-up room. Umupo na ako sa harap ng salamin para mauna akong malagyan ng make up. Kinuha ko ang phone ko at nag message kay Xena.

ParkJ: Andito na kami sa Music Show kung san tayo unang nagkita. Im still hoping that you would show up on our performance.

Binalik ko na yung phone ko sa bulsa ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Suga hyung ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Jimin, magiging okay ka din. Kahit ngayon lang please kalimutan mo muna sya."

Tumango ako at nagsmile bago magsalita, "Sige hyung." At saka nya binitawan ang braso ko dahil nandyan na ang maglalagay sa kanya ng make up. "Suga, ano ba yan. Nakakawala ng swaeg yang pinagsasabi mo. Ang corny pag sayo galing." Sabi ni Jhope na nakatayo sa likuran ni Suga. "Buti na lang nandyan si Hoseok hyung para sayo Suga hyung. May magsasabi na 'Suga wag yan nakakawala ng swaeg yan.'" At saka tumawa si Jungkook na parang baliw.

Umiling na lang ako habang naka-smile. Wala na silang ginawa kundi mag asaran. Buti pa sila walang pinoproblema.

Kung hindi ko kaya sya nakilala, masasaktan pa din kaya ako ng ganito? Sana hindi--

Napailing na lang ulit ako para maalis yun sa isip ko. Ng tapos na akong ayusan umupo muna ako sa upuan sa likod katabi si Jungkook. "Hays, hyung. Paano na yan pag naging kayo ni Xena lulubog na ang Jikook. Magiging JiNa na." Tiningnan ko sya at ngumiti.

"Sino ba nagsabi na lulubog na ang Jikook? Hanggat nandito ako lulutang ang Jikook." Paninigurado ko sa kanya. "Paano na ang JiNa? Number one shipper nyo pa naman ako." Sabi ni Jungkook. Tinapik ko naman yung balikat nya. "Baliw. Di ko nga alam kung magkakaroon pa ng JiNa." Tumungo na lang ulit ako dahil sa kung ano-anong iniisip ko. "Hyung, wag ka munang sumuko. Ang VKook shipper nga di sumusuko kahit buhay na buhay ang Jikook feels." Ako naman ang tinapik nya at pumwesto na siya sa harap ng salamin.

Di naman ako sumusuko Jungkook, nawawalan lang ng pag-asa. Magkaiba naman yun di ba? Tumingin ako sa salamin kung saan nakaupo sa harap si Jungkook at sakto namang tumungin sya kaya nginitian ko sya. At nginitian nya din ako pabalik.

Nang tapos ng ayusan ang lahat ng aantay na lang kaming tawagin ng PD-nims. Nakita kong may hawak si Hoseok hyung na camera, malamang para sa bangtan bomb yun. Lumapit sya sa akin at kinausap ako.

"Our Jiminie is a little bit sad today. Why is that, huh?" Tinutok nya sa akin ang camera nagaantay ng sagot. "Oh, I feel like I won't be able to reach the satisfaction of our fans because I got injured yesterday. I might get them disappointed." Pinakita ko naman sa camera ang kanang kamay ko.

"I think they would understand. But how do you feel about your heart?" Tiningnan ko lang sya kaya alam nya na yun. "Okay! Let's go talk to Rapmonster." Tapos umalis na sya.

Mga ilang minuto pagtapos akong kausapin ni Hoseok hyung. Tinawag na kami.

Habang naglalakad papuntang stage di ko alam kung anong gagawin ko. Di ako mapakali. Pupunta kaya sya? Sana.

Pagdating namin sa stage nilibot ko ang tingin sa fans baka sakaling makita ko ang pares ng napakaganda nyang mata, kaso wala.

"Dul! Set! Bang! Tan! Annyeonghaseyo Bangtan Sonyeondan!" Bati namin sa kanila at saka ko ulit nilibot ang tingin sa fans. Baka di ko lang nakita ng maayos kanina. Pero wala talaga. "Focus Jimin." Bulong ni Jin hyung sa akin kaya pinilit kong mag concentrate.

Pumwesto na kami sa stage at nag simula ng tumugtog ang kanta namin 'Fire' ang title. Sa bandang Rap part ni Rapmon hyung parang nahagip ng mata ko si Xena kaya nagulat ako. Pagtingin ko ulit, wala naman. Baka nama-malikmata lang ako.

Focus Jimin! Focus!  Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Nung part ko na parang nahagip ulit ng mata ko si Xena kaya nagkamali ako ng lyrics buti at mahina ang mic ko. Umiling ako baka pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko.

Nung natapos na ang kanta. Luminya ulit kami at nagpasalamat sa lahat ng pumunta. Nakita ko ulit si Xena at bahagya itong nakangiti sa akin. Pero umiling lang ulit ako at tumungo kasi alam ko pinaglalaruan ako ng isip ko.

Bumaba na kami sa stage, halatang pagod sila. Paano kung pumunta talaga sya? Tanong ko sa sarili ko. Pero, hindi baka hallucinations ko lang. Baka nakauwi na yun ng Pilipinas.

Ang hirap kapag pati isip mo pinaglalaruan ka na din. Nagligpit na sila. Kami naman pumunta na ulit sa Van. Pagtapak na pagtapak ko sa van bumuhos na ang luha ko. Di naman ito nahalata ng iba ng makapwesto na ako sa dulo ng van tiningnan ko ang bracelet na bigay nya at ngumiti. Atleast kahit papano may iniwan syang alaala sa akin.

Dahil pagod ang lahat mabilis silang nakatulog. Kaya pinahid ko na ang luha ko at sumandal sa salamin para matulog..

Am i still lucky to fall in love to one of my fan or not?

Someone's POV

Aware ang members na umiiyak si Jimin hinayaan lang nila para makapag isip-isip. Pero ng nakatulog na si Jimin ay natulog na din sila.

Ilang saglit pa ay tumunog ang Cellphone ni Jimin indikasyon ng bagong dating na mensahe.

Xjamless: Oppa! Ang galing mo sumayaw kanina ah! Saranghaeyo! Oppa Fighting!


Xxxxxxxxxxxxxxxx

THIS IS THE FINAL CHAPTER. HOPE YOU LIKE IT. COMMENT NAMAN KAYO KUNG ANONG HULA NYO SA GINAGAWA NI XENA. (CAPS LOCK PARA DAMA) NAPANUOD NYO NA YUNG 'FIRE' LIVE PERFORMANCE. PANUORIN NYO PARA MAS FEEL.

Medyo lame ang story pero sana nagustuhan nyo. Kamsa!

Vote+Share+Comment

-KAPATIDNIHOSEOK














Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now