TWELVE.2

133 5 0
                                    


Nakabalik na ibang members at nakauwi na din si Jimin sa dorm nila.

Ang saya ng naging stay ni Jimin dito kasama ko. Nabawasan kahit papano ang takot ko. Madalas parin ang pag tetext nya sa akin pero hindi na sya nagpapadala ng mga bagay bagay nung nandito si Jimin.

Nandito kami sa dorm ngayon at nanunuod ng Seven first kisses, isang bagong drama ngayon dito sa korea.

Lahat tutok na tutok sa panunuod.

"Ang gwapo ni Kai!" Tili ni Eun Ki nang biglang lumitaw si Kai sa eksena.

"Guys nagugutom ako." Walang pumasin sa akin kaya tumayo na lang ako para bumili ng pagkain sa labas.

Habang naglalakad sa kalsada may motor ang mabilis na papalapit sakin.

Hindi na ako nakapagisip ng tama at mabilis na umiwas sa motor.

Ang sakit. Mali ang pagkakabagsak ko sa sahig kaya nagasgasan ako sa siko at nasugatan sa paa.

Walang tao sa kalsada kaya walang tumulong sa akin. Habang pinapagpagan ko ang dumi sa siko at sa paligid ng sugat ko may narinig akong ingay ng motor na papalapit sa akin.

Bumalik pa sya. Tumayo ako tumakbo pero papalapit na talaga sya kaya mabilis akong umiwas pero katulad kanina nasugatan ako dahil sa impact ng pagtama ko sa semento.

Ang sakit ng tuhod ko. Dumudugo na ang sugat ko at napaka sakit nya.

Sya yun. Ngayon ko lang nakita, babae ang driver ng motor. Pakiramdam ko sya at ang nagpapadala ng death threats sa akin ay iisa lang.

Nanginginig pa ang tuhod ko nang pilitin kong tumayo. Sa sobrang sakit ng sugat ko muntik na naman akong magcollapse buti na lang at nakahawak ako sa pader.

Nilingon ko ang magkabilang dulo ng kalsada kung babalik pa sya. Pinilit kong tumayo kahit ang sakit ng tuhod ko.

Nanginginig din ang kamay at mga tuhod ko. Kaya naisipan ko munang maupo sa gilid ng kalsada.

Habang tinitingnan ko ang sugat ko bigla na lang tumulo ang luha ko. I feel hopeless. Pakiramdam ko walang tutulong sa akin.

Habang tuloy ang agos ng dugo sa tuhod ko tuloy din ang agos ng luha ko.

Nang pakiramdam kong okay na ko, tumayo na ako at bumalik sa dorm.

Sobrang dumi ko naghalo na ang dugo mula sa sugat ko sa iba pang dumi galing sa kalsada.

Yung ibang tao tinitingnan lang ako habang naglalakad tapos nagbubulungan, wala man lang nag abalang tumulong sa akin.

Sino nga ba ang tutulong sakin. Puro na ako issue at ayaw na ng ibang tao madamay pa sa gulo ko sa buhay.

Nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng jacket ko kaya tumigil muna ako sa paglalakad at tiningnan kung sino ang nag message.

'Serves you right darling. Just do what I say and I'll bring your normal life back.'

Kahit ano pang gawin ko alam kong hindi na babalik ang normal kong buhay. Simula ng pumasok ako sa ganitong mundo, wala ng atrasan pa.

"Xena noona!" Tawag sa akin ng isang lalaki, mukhang mas bata sya sa akin ng konti.

"Anong nangyari noona? Ayos ka lang ba?" Pabalik balik ang tingin nya sa paa ko at sa mukha ko.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago magsalita, "Ang sakit ng tuhod ko." Buti nakapagsalita pa ako sa pagitan ng paghikbi ko.

"Aish! Ano bang nangyari noona?" Di ko na sya nasagot at umiling na lang.

Lumuhod sya at may kinuha sa bulsa nya. Isang panyo, dahan dahan nya itong itinali sa tuhod ko. Pero ng tumama ito sa sugat ko di ko mapigilang masaktan.

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now