FOUR.2

184 8 2
                                    

Pinapunta muna kami sa backstage para magpahinga. Habang naglalakad ang dami naming nakitang mga sunbae. Binabati namin lahat. Nakita ko na makakasalubong namin ang NCT 127.

"OMG!! Si Jaehyun oppa." Impit na sigaw ni Min Yang sa gilid ko. "Sshh!" Saway ko sa kanya. Nang titingnan ko na si Jaehyun si Taeil una kong nakita. Nakatingin sya sa amin kaya nahihiya ako dahil sa katangahan ko kanina.

Dahil medyo masikip sa hallway tumigil muna kami at saka gumilid. "Annyeonghaseyo." Bati namin sa kanila. Nag bow din sila sa amin.

Nagkatama yung tingin namin ni Taeil pero mabilis syang umiwas. "Ang gwapo ni Jaehyun!" Kinikilig na sabi ni Min Yang hinampas hampas nya pa si Eun Ki. "Ya! Akin nga kasi yon!" Reklamo ni Eun Ki.

Nang tiningnan ko ulit sila, nakatingin din pala si Taeil sa direksyon namin at saka nya ako nginitian at kinawayan kaya kinawayan ko rin sya.

"Akala ko ba may Jimin ka na? Kailan ka pa natutong manloko?" Tanong ni Soo Hwa sa akin kaya nagulat ako.

"Ha? Masama ba yun?"

"Oo, may Jimin ka na. Lalo mo lang syang sasaktan."

Napayuko ako sa sinabi nya. Wala namang ibang meaning yung pagkaway ko kay Taeil. Bakit ba lahat ng bagay may kahulugan?

"Matuto kang wag maging manhid dahil sa bandang huli kayo rin ang masasaktan."

"Hindi lang sya yung nasasaktan..."

Binulong ko na lang yun sa sarili ko. Nang marating namin yung dressing room may papel na nakasulat sa pinto.

JAMX X BTS

Ang nakasulat. Pati ba naman dito magtatagpo kami?

"Siguro plano mo lahat ng to?" Sabi ni Eun Ki habang nakaturo pa sa papel na nasa pinto.

Napangiti naman ako sa sinabi nya at napailing. Sana kasi talaga nakaplano ang lahat ng to at hindi naka tadhana.

Pagpasok namin madaming gamit naghanap kami ng mauupuan namin.

"Laro tayo!" Sigaw ni Eun Ki kaya pinagtinginan sya ng mga stylist unnie. "Mianhe." Sabay peace sign nya.

"Oh ano na? Laro nga kasi tayo." Sinabi nya ito nang mas mahina na.

"One!" Sigaw ko.

"Two!"

"Three!/Three!" Sabay na sabi ni Min Yang at Eun Ki kaya napitik sila sa noo.

"Ano ba yan! Wag ka kasing sumabay!" Sabi ni Eun Ki kay Min Yang. "Malay ko bang sabay tayo!" Nagtalo na naman sila, tinatawanan lang namin sila si Soo Hwa.

"Ibang laro naman." Sabi ni Min Yang.

Napagdesisyunan nila na maglaro ng Kai Bai Bo at ang matatalo pipitikin sa noo.

Sa kalagitnaan ng paglalaro namin. May pumasok sa loob ng dressing room. At sa tingin ko ako lang nakapansin nun.

"Talo ka!" Biglang sigaw ni Eun Ki sabay pitik sakin kaya nawala yung tingin ko sa pinto.

"Aray! Walang hustisya!" Reklamo ko hinimas ko naman yung pinagpitikan nila.

"Ayoko na nga!" Reklamo ko ang sakit kasi. "Aish ang arte!" Hinila ni Soo Hwa yung kamay ko para maglaro ulit kaya wala na akong nagawa.

Napuno ng tawanan yung buong dressing room. Natagalan sa pagbalik si Manger nim kaya nandito pa din kami.

"Hahahaha ang saya di ba?" Natigil kami ng may lalaking nagsalita sa likod namin. Pagtingin namin 7 lalaki na nakaupo sa sofa ang nakatingin sa amin.

Napatayo kami sa sobrang gulat namin at saka sila binati. Pag angat ko ng tingin naka tingin sya sakin. Walang makikitang ekspresyon sa mukha nya.

Jimin bat ganyan ka? Gusto ko syang kausapin ngayon kaso parang sya naman ang may ayaw.

Nakatitig pa din sya sa akin, naputol lang ang titig namin ng biglang nagsalita si Taehyung.

"Labas tayo naiihi ako" nagtanguan naman yung iba ng tatayo na rin si Jimin, tinulak sya paupo ni Suga.

"Kami lang, hindi ka kasama." Pinandilatan sya ni Suga kaya wala na syang magawa.

Siniko naman ako ni Min Yang at saka tiningnan si Jimin.

"Ehem! Ang kati ng lalamunan ko." Kunyaring ubo ni Min Yang para mabawasan ang awkwardness na bumabalot sa loob ng kwarto.

Tinapunan nila akong ng ayan-na-sya-oppurtunity-na-yan look.

"Girls, tara na." Tawag sa amin ng manager namin.

Siniko ulit ako ni Min Yang senyas na aalis na kami.

Nauna na silang lumabas ng kwarto habang ako nakasunod na din sa kanila.

Natigil ako ng hugutin nya ako pabalik. Nakahawak sya sa pulsuhan ko at ngayon ay nakaharap sya sakin.

Walang umiimik samin, nanatili lang kami sa ganung posisyon. Hanggang sa binasag nya ang katahimikan.

"Bakit hindi mo sinabi?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Ang kaninang blankong at walang emosyon nyang mata napalitan na ng kalungkutan.

Iniwas ko ang tingin ko, hindi ko sya kayang tingnan.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Paguulit nya sa tanong nya.

"Hindi kasi pwede. Alam kong naiintindihan mo ang sinasabi ko."

"Naiintindihan ko naman, pero bakit kailangan mong itago?"

Hindi ko sya nasagot at yumuko na lang. Bakit ko nga ba hindi sinabi nung una pa lang?

"Sagutin mo ko please."

"Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari."

Nagulat kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto.

"Xena! Ang tag----ay sorry, tawag ka na."

Biglang binitawan ni Jimin ang pulso ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Susunod na ako." Tumango lang si Eun Ki bilang sagot at saka umalis.

"Aantayin kita, hanggang payagan na tayo ni Mr. Park." Sabi ni Jimin,  kitang kita ang lungkot sa mata nya ng magtama ang aming tingin.

"Aalis na ako." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Nilingon ko sya bago ako tuluyang makalabas. "Wag kang magalala..." And I flash a sincere smile.

"Ikaw lang ang minahal ko ng ganito." Siguradong hindi na nya ito narinig dahil sakto sinara ko na ang pinto. Leaving him inside..

Xxxxxxxxxxxxxxxx
Update done! Thank you sa nag lagay ng story na to sa reading lists nila. Sobrang na aappreciate ko.

MonstaX in manila na. Good luck!

All the love Xx

-KAPATIDNIHOSEOK

Lucky or Not? ||p.jm||Donde viven las historias. Descúbrelo ahora