Ten.2

145 5 0
                                    


"Ayos ka lang?" Nagulat ako ng tinapik ni Eun Ki ang balikat ko. "Oo, ayos lang." Tumango ako sa kanya at saka ko sya nginitian ng matamlay.

"Namumutla ka kasi, baka may sakit ka?" Hindi ko nakita sa mga mata ni Eun Ki ang pagaalala, walang sincerity sa paraan ng pagkakasabi nya. Naputol ang pagiisip ko ng magsalita ulit sya.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ulit nya. Umiling ako bago sumagot, "Wala naman." Siguro imahinasyon ko lang yung kanina.

Baka pagod lang sya o kaya lumalala na ang sakit ko. Pero isinantabi ko na lang iyon at itinago ang phone ko sa ilalim ng unan sa gilid ko.

Bakit pakiramdam ko hindi si Eun Ki ang nakaharap ko kanina parang iba ang aura nya. Tumayo ang balahibo ko dahil sa iniisip ko. Umiling ako at nagfocus na sa panunuod pero hindi na ito nawala sa isip ko.

Ilang araw na ng makabalik si Jimin galing Busan. Ilang araw na rin na walang tigil ang pag tetext nya. Alam nya ang bawat kilos ko pati pagkain ko alam nya at kung kailan ako maliligo.

'Mabilaukan ka sana at tuluyang mamatay. Para wala ng mang aagaw kay Jimin.'

'Sana madulas ka habang naliligo at malulunod. Pero gusto ko sana na ako ang lulunod sayo ;)'

Ang creepy nya pero hindi ko pinapahalata na natatakot ako dahil alam kong pinapanuod nya ako.

Laging pumupunta si Jimin sa dorm since hindi ako pwedeng maglalabas. May dala syang pagkain at kung ano-ano.

'Punta ako dyan ngayon.'

Paalam ulit nya ngayong araw. Break parin kasi nila ngayon at sinusulit nya ang panahong magkasama kami dahil aalis sila papuntang Japan next week.

Naligo muna ako at naghanda para sa pagpunta ni Jimin. Halos everyday ganito na routine ko kasi araw-araw din syang nandidito.

Yung ibang members umaalis o kaya nasa kwarto lang pag nandito si Jimin.

"Annyeong!" Napalingon naman ako sa pinto. Binati nya si Minyang na nag bukas ng pinto. "Aalis kayo ngayon?" Pinapasok naman sya ni Minyang.

"Ah oo, uuwi muna kami sa mga pamilya namin. Since na taga Pilipinas si Xena kaya sya muna maiiwan dito."

"Bakasyon naman namin kaya ako na lang muna magbabantay kay Xena."

Umupo sya sa tabi ko at ipinatong ang braso nya sa may uluhan ko kaya mukhang naka akbay sya.

"Sige, aalis na kami ngayon." Bumalik si Minyang sa kwarto at nagayos na ulit ng gamit niya.

"Okay lang ba kung dito muna ako makikitulog?" Tanong nya sa akin, kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Oo naman, natatakot din naman akong maiwan magisa. Pero baka magalit naman si Namjoon." Umiling sya at ngumiti sa akin.

"Sya pa nga ang nagsabi na puntahan kita ngayon kasi may sakit ka." Napangiti ako sa kanya at nanuod na ulit.

Naramdaman ko naman ang pagusog nya papalapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na ang katawan nya sakin. I can already feel his body heat and it makes me conscious.

Nang subukan ko syang lingunin, muntik ko na syang mahalikan sa pisngi.

"A-ah Jimin?" Binalik ko na lang ang tingin ko sa T.V. di ko alam kung anong gagawin ko.

"Mwo?" Tanong nya. Yung kamay nyang nasa uluhan ko kanina nasa balikat ko na ngayon.

Tiningnan ko ang kamay nya na nakapatong sa kaliwang balikat ko.

Ang liit ng mga daliri nya kaya hindi ko napigilan na hawakan ang mga daliri nya. Nagulat ako ng pinag-intertwine nya ang kanang kamay ko sa kamay nya.

Nanlaki ang mata ko. Nang lingunin ko ulit sya naka tingin sya sa akin at muntikan ko na syang mahalikan sa labi.

Bumaba ang tingin nya sa mata ko pababa sa labi ko at dahan dahang inilapit ang mukha nya. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na pumikit at nag aantay sa mga labi nya.

"Guys nandito pa kami. Mamaya na yang kalandian nyo." Bigla akong dumilat at inilayo ang sarili ko kay Jimin at inayos ang upo ko.

Nakatayo silang tatlo sa pintuan ng kwarto.

"Sana naman pagbalik namin hindi ka pa nanay, Xena." Sabi ni Soo Hwa. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko at tumingin kay Jimin. Nakatingin sya sa T.V. pero namumula din sya.

"Osige na aalis na kami. Magingat kayong dalawa." Paalam ni Minyang kaya tumayo ako at inihatid sila sa pintuan.

"I don't mind having little Xena or little Jimin running inside our dorm." Bulong ni Soo Hwa kaya lalo akong namula.

"Baliw ka na. Alis na nga kayo."

"Sus gusto mo lang masolo si Jimin eh. Okay lang sakin kahit ipagpalit mo na kami." At nagpunas pa sya ng mga pekeng luha.

Tinapik nila ako at nagsialis na sila.

Pagbalik ko sa loob nanunuod pa din si Jimin ng drama.

"Nakaalis na sila?" Tanong nya sakin. Kaya tumango ako at tumabi sa kanya.

Nakikita ko sa peripheral view ko na naka ngiti sya at umiiling-iling hahang naka tungo.

Siniko ko sya kaya napatingin sya sakin, "Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.

"Ah wala naman. Uuwi pala muna ako kukuha ng damit. Ilang araw ba silang wala?"

"Halos 1 week din." Tumango sya at ngumiti yung ngiti na abot sa mga mata nya.

"Sige alis muna ako." Tumango ako at tiningnan sya habang naglalakad papunta sa pinto.

"Babalik di agad ako." At saka na nya tuluyang isinara yung pinto.

Tutal mag tatanghalian na din kaya nagluto ako para pagbalik nya may makakain na kami. Bulgogi at bibimbap ang niluto ko tutal may groceries na kami kaya madali na lang.

May nag doorbell kaya pinunas ko ang kamay ko sa apron bago buksan. Baka si Jimin na yun.

Pagbukas ko walang tao pero may nakita ako sa sahig isang polaroid picture.

Dinampot ko ito kahit na nanginginig ang kamay ko. Yung litratong ito, kinuhaan habang nag uusap kami ni Cha Hun.

Sa litrato parang tinanggal ang ulo ko. Wala akong nakikitang ulo.

Paanong? Sino ba ang gagawa sakin ng ganito? Ano bang ginawa kong masama sa kanila?

Pag tingin ko sa likod ng polaroid may nakasulat...

'Burn in hell bitch!"

Nakasulat ito sa pulang tinta di ko alam kung tinta ba to o dugo.

"Oh bakit nasa labas ka?" Mabilis kong isinilid sa bulsa ng apron ko ang polaroid picture. Nakabalik na pala si Jimin.

"Wala may kumatok kasi nag tanong ng unit number." Sagot ko at saka sya pinapasok. Sinilid ko din sa bulsa ng apron ko ang kamay kong nanginginig.

"Ayos ka lang? Para kang namumutla." Tanong nya at lumapit sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"Gutom lang siguro." Tinanggal ko na ang kamay nya sa pagkakahawak sa pisngi ko.

"Nagluto ako. Kain na tayo." Pag aya ko sa kanya at nauna na sa kusina.

Hinubad ko muna ang apron ko, pero nagulat ako ng may malaglag at naunahan ako ni Jimin sa pagdampot nito.

"Ano to? Sayo ba to?" At ipinakita ang polaroid picture sa akin.




Xxxxxxxxxxxxxxx
Maybe I, I can't never flyyyyy~~

안녕 친구 ♡♡

Lucky or Not? ||p.jm||Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ