SEVEN.2

137 7 0
                                    

"Xena hanap ka ni Jimin." Tiningnan ko yung staff na nagsalita sa salamin, kasalukuyan kasi akong inaayusan para sa fansigning dito sa Gunpo.

Nakita ko na papasok na si Jimin sa pinto. Nakangiti sya at bitbit na naman nya ang pink na lunch box.

3 araw na nya akong hinahatidan ng pagkain kung nasan ang promotions namin.

"Omo nandyan na naman si oppa." Sabi ni Min Yang na inaayusan din.

"Annyeong." Bati nya sa akin pero sa reflection ko sa salamin sya nakatingin.

"Annyeong." At saka ko sya nginitian. Kumuha naman sya ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Di ba dapat sinusulit mo ang bakasyon mo kasama pamilya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Baka kasi mamiss mo yung luto ko, mawawala kasi ako ng ilang araw. Uuwi kasi muna ako." Paliwanag nya. Akala mo talaga niluto nya, si Jin naman talaga nagluto nito.

"Okay lang naman sakin." Nginitian ko sya, napansin ko naman na pabalik-balik ang tingin nya sa orasan nya.

"Sige na umalis ka na." Sabi ko sa kanya. Ngumiti sya at inabot na sakin ang pink na lunch box. "Babalik din ako agad baka kasi mamiss mo din ako." Gusto ko sanang matawa sa sinabi nya ang kaso seryoso yung pagkakasabi nya.

"Oo na. Sige na umalis ka na para hindi ka gabihin papuntang Busan." Tumayo na sya at nagpaalam. Hanggang sa paglabas nya sinundan ko sya ng tingin baka kasi madapa sya palabas.

"Buti pa si Xena may tagaluto. Mukhang bulgogi na naman ang kakainin namin." Reklamo ni Eun Ki, nag paparinig din sya sa manager namin.

"Okay na." Tinanggal na ni Seulbi ang ibang pins sa buhok ko. Binitbit ko papunta sa sofa yung lunch box at saka ko tiningnan ang laman.

Black bean noodles at gatas ang laman sinara ko muna kasi magsisimula na ang fansign.

"Girls be ready." Sabi ng isang staff. Tumayo na kami at naglakad na papunta sa stage.

Umakyat na kami sa stage medyo madaming tao. Well, siguro dahil bago pa kami.

"Annyeonghaseyo! We are JAMX!" nagsigawan naman ang mga fanboys. Mostly ng tao dito ngayon puro lalaki.

Binigyan kami ng tig iisang mic at saka kami umupo sa designated seat namin.

Na pwesto ako sa dulo ng table. Nagsimula na ang fansign ako ang huling pumipirma.

Ang daming regalo ang binibigay kadalasan laruan. Maraming foreigner ang pumunta pa dito sa korea para lang daw makapunta sa fansign namin.

Nang wala pa akong kausap na fan, dinampot ko muna yung mic sa gilid ko.

"Nagugutom ako." Kakausapin ko muna yung mga fans habang nagaantay.

"Ako din!" Sigaw ng isang fanboy hindi ko alam kung saan galing yung boses.

"Gusto ko ng pudding." Nagpout ako at ang daming nag react. Nang nakita kong pausog na ang susunod na fan, binaba ko na ang mic sa gilid.

"Annyeonghase--" Isang malutong na sampal ang natanggap ko sa kanya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nya napalihis ang ulo ko sa kabilang direksyon.

"Ssibsaegi!" (Bitch!) bigla syang tumayo at hinila ang buhok ko. Hindi ako nanlaban hinayaan ko lang na hilain nya ang buhok ko.

Napapikit na lang ako sa sobrang sakit. Ano na naman bang ginawa ko? Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi agad nakapag-react ang mga staffs.

Pero naramdaman ko ang pagluwag ng hawak nya sa buhok ko. Ang dami nya pang sinabing masasakit na salita habang hinihila sya paalis.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Minyang. Di ko napansin nakapalibot na sila sakin.

Inayos ko ang buhok ko bago sumagot, "Ayos lang ako." Nginitian ko sila para maniwala sila. "Gusto mong umuwi na?" Tanong naman ni Soo Hwa habang hinihimas ang buhok ko.

"Ayoko, ituloy na lang natin to." Tiningnan ko sila, kitang kita sa mukha nila ang pag aalala. Nginitian ko sila at tinanguan kaya bumalik na sila sa mga upuan nila.

Mamaya-maya mabilis na lumapit ang manager namin. "Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Nag-aalala ata lahat ng nakapaligid sakin ngayon.

"Ayos lang po ako."

"Sigurado ka? Gusto mo ng magpahinga?"

"Ayos lang po talaga ako." Nginitian ko sya at saka sya umalis. Lahat ng tao mukhang nagulat sa pangyayari.

Kinuha ko ulit yung mic, "Ayos lang po ako. Wag po kayong magalala." Nagsigawan ulit sila. Di ko maintindihan lahat ng sinasabi nila. Pero ang alam ko tinatanong nila kung ayos lang ako.

Halos lahat ng sumunod na fans tinatanong kung ayos lang ako. Nakatuwa silang kausapin, aaminin ko medyo natatakot na akong humarap sa mga fangirls. Baka maulit yung nangyari kanina.

Pinilit kong ngumiti at itago ang mga luha ko hanggang sa matapos ang fansign event.

Ayoko ng mas lumala pa ang mga nangyari. Sapat na yung pangyayaring iyon para sa araw na to.

Madaling araw na kami na kabalik sa dorm. Tahimik ang naging byahe pauwi, pinilit kong wag maiyak habang nasa byahe. Ayoko na makita nila ulit na umiiyak ako.

Walang nag sasalita sa aming apat. Siguro sa pagod at gusto nila muna akong mapagisa.

Naisipan kong sa sala muna matulog, para hindi na nila makita ang mga luha ko.

Pagbukas ko ng phone ko ang daming message ni Jimin. Habang binabasa ko lahat iyon kusa ng tumulo ang luha ko.

Ito ba ang makukuha kong kapalit pag ginawa ko ang bagay na mag papasaya sa akin?

Hindi ko na sinabi ang nangyari ngayong araw, ayoko na syang mag alala pa. Ayokong masira ang araw nya kasama ang pamilya nya.

Pinatay ko na ang phone ko at inilagay sa dibdib ko at tumingin sa kisame. Sa tingin ko nakarating na ang balita kay JYP at lagot na naman ako.

Kaya ko pa ba? Nag sisimula pa lang ang lahat.




Xxxxxxxxxxxxxxxx
안녕~~ 아 용서하세요. 미안해 미안해.
많이 사랑해 주세요. 정말 감사함니다. 파이팅!!

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now