TWO

319 14 3
                                    


Inabutan nya ako ng panyo agad ko naman itong tinanggap. Nakakahiya sa harap pa nya. Habang pinupunas ko ito sa bibig ko inaamoy ko ito, ang bango. "Ah? Oppa yung panyo ko." Ayokong ibalik gusto ko kahit papano may gamit na magpapaalala tungkol sa kanya. "Hindi na, pwedeng akin na lang kasi may laway na." Nahihiya kong tugon pero tumango lang sya.

Di ko mabuklat ang photobook ng maayos dahil nanginginig ako kaya tinulungan nya ako. Ang cute nya, sobra. "Anong p-pangalan mo?" Tanong ko. Gusto ko ng sampalin ang mukha ko dahil nauutal ako. "Xena." Yun lang ang sinabi nya dahil tinitingnan nya ang pagpirma ko. Ang ganda ng name nya pero hindi tunog korean.

Pagtapos kong pumirma nilapag ko na ang pen at humarap sa kanya. Try to act cool Jimin. "Taga dito ka ba sa Korea?" Umiling sya. "Taga Philippines ako nagbakasyon lang dito." Tumango naman ako sa sinabi nya.

Ibig sabihin anytime aalis na sya.

"Ah okay? Ilang taon ka na ba?" Tanong ko kailangan ko syang makilalang mabuti. "16 pa lang Oppa." Tuwing tinatawag nya akong 'Oppa' lalong bumibilis ang tibok ng puso ko parang lalabas na ito sa katawan ko. "Age doesn't matter naman diba kahit 4 years ang agwat natin?" Tanong nya. Tama, age doesn't matter aantayin kitang lumaki. Tumango ako at binigyan sya ng eye smile.

Wala akong maisip, sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Wala na akong pakialam kung matagalan kami kakakwento dito okay lang. "Ay nakalimutan ko, Oppa may regalo ako sa iyo." Mabilis nyang hinanap sa bag nya ang ibibigay nya. Gusto ko lang syang titigan buong araw. Kung pwede lang.

"Oppa bracelet lang to pero sana magustuhan mo, gawa ko yan." At saka nya ibinigay kinuha ko at tiningnan ito ng maigi. Simpleng kulay blue na bracelet na may heart lock pendant ito. "Ang ganda naman neto. Gawa mo lang talaga to?" Ilalagay ko sana kaso ang hirap ikabit. "Oo Oppa gawa ko lang. Tulungan na kita dyan." Sabi nya at ikinabit ito sa kamay ko. Ang cute nya magconcentrate nakakunot ang noo nya habang kinakabit ito. "Tapos na." Pag angat nya ng tingin namula sya dahil nakatingin ako sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na may katulad na bracelet sya sa kamay nya kaso susi ang pendant nito. At napansin ko na umiinit ang mukha ko. "O-oppa namumula ka." Nahihiya nyang sabi. Hinwakan ko bigla ang pisngi ko, nakakahiya. "A-ah wala to, nga pala pwede mo bang isulat sa kamay ko ang Line account mo?" Tumango sya at kinuha ang pentel at saka sinulat.

Ang lambot ng kamay nya. Nung natapos na nyang isulat nilahad ko ang kamay ko para sa isang apir paglapat ng palad nya inintertwined ko ang mga daliri namin. Dahilan ng pamumula ng mukha nya. Yumuko sya para itago ang pamumula, napa smile nalang ako sa naging reaction nya.

"Xena, pwede mo bang sabihin 'Oppa Saranghaeyo'?" Gusto kong marinig ito mula sa kanya. Alam kong nakakailang na ang paghawak ko sa kamay nya pero gusto ko munang ganito kami. "S-sige, Oppa Saranghaeyo." Tapos gumawa sya ng heart gamit ang dalawang braso nya. Para akong bakla, kinikilig ako sa kanya. "Nado Saranghae." Tapos binitawan ko ang kamay nya at nagform ng half heart na binuo nya gamit ang kamay nyang naka half heart din.

Alam kong mukha kaming baliw dahil parehas kaming namumula. "Miss, pwede ka na umalis. Masyado ka nang matagal." Sabi ng isang staff na nasa likod ko. Tumango lang sya. "Oppa kelangan ko ng umalis." Ayaw ko man pero kailangan. "Magiingat ka Xena, wag kang magkakasakit ah? Alagaan mo ang sarili mo. Saranghae." Ayaw ko syang umalis naiiyak ako. Parang ito na ang huling pagkikita namin.

"Oo, sige Oppa dahil sinabi mo. Sana magkita ulit tayo." Di ko alam kung narinig nya ang huli kong sinabi pero sana narinig nya. Tumayo na sya "Oppa kamsa." At saka na sya naglakad palayo. Pero bago sya lumabas ng venue lumingon ulit sya at ngumiti.

Nang natapos na kami staff na ang nagligpit at kami naman na sa Van na. "Yun ba yung babaeng sinasabi mo?" Pabulong na sabi ni Jhope sa gilid ko. Baka kasi marinig ng Manager na nasa harap. "Oo hyung." Bulong ko din pabalik.

"Maganda ah. Masaya pa kakwentuhan." Sinamaan ko kaagad sya ng tingin. Di pa ako nakakafirst move may balak na atang agawin. "Chill ka lang Jimin, wala akong balak agawin yun sayo. Saksak mo sya sa abs mo." Sabi nya at saka na lumingon sa bintana. "Sinisugurado ko lang." Sabi ko, lumingon ulit sya at nagsmile.

Sinilip ko ang kamay ko kung saan nya isinulat ang Line account nya. "Wow ha? Xjamless mahal nya talaga ako." Bulong ko pati Line account nya nakapangalan sa akin. Ang cute lang. Nadako ang mata ko sa bracelet na bigay ni Xena.

'S-sige, oppa Saranghaeyo.'

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses nya sa isip ko. Kahit maikli ang naging paguusap na yun naging memorable ito para sakin, sana sa kanya din.

Pagdating sa dorm bigla na lang silang nahiga sa sahig sa kapagudan ako hinakbangan ko lang sila. May upuan naman kasi. "Ayoko na. Pagod na ko." Reklamo ni Jungkook. "Sana talaga sa next life ko maging bato ako." Reklamo din ni Suga. "Jin! Luto ka na gutom na ako." Inalog ni Rapmon si Jin. Nanatili silang ganun hanggang 2 minuto.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at hinanap ang account ni Xena. Di naman mahirap hanapin dahil picture nya naman ang nakalagay. Agad ko syang minessage.

ParkJ:Hi

Unang message ko. Kinakabahan ako na may halong excitement dahil pwede ko na syang makausap. Pinatay ko muna ang phone ko dahil medyo matagal ang reply nya. Mamaya-maya biglang tumunog ang phone ko.

Xjamless:Huh? Sino to?

Reply nya. Seriously, di ba halata na isang Jimin ang nagchat sa kanya?

ParkJ: Ang future mo.

Napangiti na lang ako sa naging reply ko. Ano kayang reaction nya.

Xjamless: Excuse me si Jimin lang ang future ko.

Naginit ang mukha ko sa reply nya. Ikaw lang din naman ang future ko. Napasmile na lang ako. Nanginginig ang mga daliri ko habang nagta-type ng sasabihin ko.

ParkJ: Sino ba ang nanghingi ng account mo kanina?

Feeling ko sobrang dilat na ng mata nya. Gusto ko ng tumawa ng malakas pero pinigilan ko baka malaman nila, asarin lang ako.

Xjamless: Si Jimin.

Xjamless: Huwag mong sabihin ikaw si Jimin.

Di muna ako nagreply ng biglang may humalakhak sa likod ko. "Grabe! Napaka slow naman nya!" At tuloy pa din ang pagtawa. Paglingon ko nakita kong binatukan ni Jhope si Taehyung "Ang ingay mo talaga!" Sabay batok ulit. Nanlaki ang mata nila ng makita na nakaharap na ako sa kanila.

"Ay sorry, Jimin itatanong lang san namin kung gutom ka na." Palusot ni Jin hyung. Itong mga to talaga. "Di pa, at saka dun na kayo. Istorbo tong mga to." Sabi ko at umalis na sila balik sa dating mga ginagawa. "Ang tanga kasi neto ni Taehyung eh." Sabi ni Suga. "Grabe naman kayo, mga mapang-api." Pagda-drama ng naman ng isang to.

Xjamless: Hoy! Poser ka no?

ParkJ: Hindi ah. Ako to ang nagiisang Park Jimin.

Xjamless: Excuse me. Dalawa kayong Park Jimin. Yung member ng 15&.

Hayss baliw nga ang babaeng to. Pero mahal ko yan , atleast may kasama na akong baliw.

ParkJ: Ako to si Jimin, binigyan mo ko ng bracelet kanina nasa akin din ang panyo mo. Wag mong ipagkalat ang account ko ah? Kundi malilintikan ako.

Ang tagal nyang magreply. Siguro naniniwala na sya.

Xjamless: Okay! Sabi mo Oppa eh.

Grabe yun lang ang reaction nya? Di man lang sya nagulat. This girl never fails to amuse me.

ParkJ: Xena Saranghae!

Wala lang, gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko. Di na kaya ng puso ko.

Xjamless: Oppa nado saranghae.

Muntik nang lumuwa ang mata ko dahil sa reply nya. Sa sobŗang tuwa ko ini-screen capture ko ito. Kung sakaling mabura man ang paguusap namin atleast may alaala ng maiiwan.



Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now