THREE.2

172 7 0
                                    

DI KO BA ALAM KUNG BAKIT BALIW NA BALIW AKO SA LEKI LEKI NI HOSEOK. PARANG ANG BANGO KASI HAHAHAHA

Xxxxxxxxxx
Maaga pa lang ayos na ayos na kami kasi ngayon yung araw ng rehersals namin sa KBS Music Bank. Kinakabahan ako kasi ang alam ko hindi pa tapos ang bangtan sa promotions nila.

"Hoy Xena!" Sigaw ni Minyang. "Bakit?" Tanong ko. "Aalis na tayo,kaya bilisan mo na dyan." Tumango ako at lumabas na rin ng dorm.

Tahimik ang lahat sa van. Pagod at puyat ang lahat.

Si Jimin nga kaya yung nakita ko kahapon?

Umiling na lang ako para mawala yun sa isip ko. Naisip ko na lang na ipikit ang mata ko para umidlip. Ang kaso tuwing ipipikit ko nakikita ko sya.

Dinukot ko na lang  ang phone ko sa bag ko para manuod sa youtube.

1 new message:

Si Jimin. Hindi ko na lang binuksan at naghanap ng mapapanuod. Kinakabahan ako sa magiging reaction nya. At hanggang ngayon bawal pa din ang pakikipagusap ko sa kanya.

"Guys, nandito na tayo. Bangon na." Isa isa ko silang inalog para magising. Pagbaba namin maraming mga fans sa gilid na hinaharangan ng barikada.

Kanya kanya kaming bitbit ng instruments namin maliban na lang kay Eun Ki kasi Drums ang instrument nya.

Tumigil kami saglit para batiin ang mga tao na nandito.

"Wazzup! We're JAMX." Bati namin at saka nagbow. Ang daming tumatawag sa mga pangalan namin. Yung iba nakakawayan pa namin, yung iba hindi na.

Hindi pa naman ito ang Pre-recording. Nandito lang kami para mag reherse bukas pa ang official pre-recording.

Pagpasok namin, saktong nag Rerecording ang NCT 127. Kaya pinaupo muna kami sa audience seats at pinanuod sila. "Ang gwapo talaga ni Jaehyun." Bulong ni Min Yang. "Akin sya, kay Taeyong ka na lang." Bulong ni Eun Ki kay Min Yang at nagsimula na silang mag sabunutan.

"Guys, punta lang ako sa C.R." paalam ko sa kanila. "Sama ako." Sumama sakin si Soo Hwa. Buti na din kasi di ko kabisado ang pasikot-sikot.

Nung paliko na kami nakasalubong  namin ang isang manager ng Bangtan.

Di ako nakagalaw sa pwesto ko. Nandito sya...

"Ya! Dalian mo." Nagulat ako ng sigawan ako ni Soo Hwa. "Oo nandyan na." Nilagpasan ko lang ang manager ng Bangtan nang nakayuko.

"Ouch." May nabunggo kasi akong lalaki. "Mian...he." pagangat ko ng tingin nakatayo si Taeil sa harapan ko. "Gwaenchanha?" Tanong nya sabay himas ng noo ko. "Gwaenchanha." Sagot ko at saka ko sya nginitian.

"Ssibal." Dahil sa nagsalita tinaggal na ni Taeil ang kamay nya sa noo ko, ako naman nilingon kung saan galing yung boses. Kaso puro nakatalikod na lalaki ang nakita ko.

Pagharap ko wala na si Taeil.

"Hoy saan ka ba galing! Akala ko nakasunod ka sakin."

"May nabangga kasi ako. Balik na tayo baka hinahanap na nila tayo."

Nakahawak si Soo Hwa sa braso ko habang naglalakad hindi ko maiwasan na muling yumuko habang pabalik na kami sa loob.

"Jiminie!" Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Jungkook. Nanigas ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ayos ka lang tara bilisan na natin."

"San ba kayo galing?" Tanong ng stylist unnie. "Pawis na pawis ka" nilapitan na ako ng iba pang stylist para maayusan na.

Nakita ko na ayos na ang stage at kami na lang ang inaantay. "JAMX you're next." Senyas ng director samin.

Habang inaayos namin ang gagamitin marami na ang nanunuod na kapwa namin idol.

Nagbigay na instructions ang director samin.

"There are three cameras infront of you and also one monitor on the top most part of the audience seat.

Gusto ko sanang silipin kaso iba ang nakita ko. Isang pares ng mata na blankong nakatingin sakin.

Nagsimula na naman akong manigas. Hindi ko matangal yung tingin ko sa mga mata nya. Kahit sya hindi umiiwas ng tingin.

"Ya. Makinig ka." Nagulat ako ng siniko ako ni Eun Ki sabay bumulong.

Iniwas ko na ang tingin ko at sumangayon sa mga sinasabi ng director.

Nang bumaba na sya nagready na kami.

"Kinakabahan ako hooo." Tumawa ang lahat ng nasa studio dahil naka on na ang mic ni EunKi.

Sumilip ako sa kanya bago ako magsimula pero nakatingin sya sa phone nya.

Tiningnan ko sila Min Yang at kitang kita ko na ang saya saya nila, huminga muna ako ng malalim bago nagsimula.

Music lang namin ng naririnig sa buong studio. Buong atensyon ng mga idols nakatuon lang samin.

Sa dami ng matang nakatingin samin yung sakanya yung nangingibabaw sa lahat.

Habang kinakanta ko ang part ko hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya.

At nung oras na nagtama yung mga mata namin, bumilis yung tibok ng puso ko. Nakalimutan ko yung lyrics pati chords ng tinututog namin.

Nagulat ako pati yung ibang ka members ko, pero hindi sila tumigil sa pagtugtog na para lang walang nangyari.

Pagkatapos ng rehersal nagligpit na kami ng gamit. Lumapit sa akin si Soo Hwa, "Ayos ka lang, relax lang kasi." Sabay tapik nya sa balikat ko.

Pagbaba ng stage kinausap ulit kami ng director. Nakita ko sa likod ng director na Bangtan ang sunod.

Di ko alam kung saan ako pupunta. Dahil kung hindi ako umalis sa kinatatayuan ko magkakasalubong kami.

Nag slow mo ang lahat ng dumaan sya. Hindi man lang nya ako tiningnan, diretso lang ang tingin nya na parang hindi nya ko kilala at nakita.

Xxxxxxxxxxxxxxxxx
Pipilitin ko mag update ng madami hahahahaha baka makalimutan nyo na yung takbo ng story. 바이팅!!

-KAPATIDNIHOSEOK

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now