TWO. 2

188 10 2
                                    

Xena

Nagising ako dahil sa sakit ng leeg ko. Tiningnan ko kung ano yung matigas na bagay na sinasandalan ng ulo ko. Si Eun Ki pala. Siguro dito na kami sa sofa inabutan ng antok kagabi. May blanket na nakapatong sa amin. Soo Hwa, kahit na galit yun di nya parin kami hahayaang magkasakit.

Bumangon na ako. Gutom na gutom na ako. Hindi kami nakapag dinner dahil ako lang ang marunong magluto.

Nagluto ako ng fried rice at sausage, ininit ko naman yung tirang kimchi namin sa fridge. Para kahit papano may energy mamaya.

Pero hindi ko pa din maiwasan na isipin ang nangyari kagabi. I just shook my head to erase that thought. Kahit ngayong araw lang gusto ko kalimutan lahat ng sakit. "Hmm..ang bango." Napalingon ako kung saan nang galing ang boses. "Nagising ako ng tumayo ka. At saka ginugutom na talaga ako." Sabi ni Eun Ki at saka sya umupo. Nilagyan ko na sya ng plato para makauna na syang kumain. Mamaya maya narinig ko nang papunta na dito yung iba kaya naglagay na rin ako ng plato para sa kanila.

"Ang awkward..." Pasimpleng sabi ni Minyang kaya nabulunan ako. "Bilisan nyo na nga." Sabi ni Minyang kaya ng matapos na kami nagligpit na ako at saka nag prepare para maka alis na.

Simula ng araw na malaman nya ang lahat di na nya ako minemessage. Tampo? Hindi siguro.

Nang makarating na kami sa abandoned factory nilapitan agad kami ng staff para maayusan na. Habang inaayusan sila Eun Ki at Soo Hwa nilapitan ako ng isang staff na may hawak ng camera kaya binati ko kaagad ito. "Annyeonghaseyo." bati ko at nagbow pa kahit nakaupo lang. "What are you doing?" tanong nya kaya binaba ko muna ang phone ko at nakipagkwentuhan sa camera, "Ah? Nothing, Im just checking our twitter." maikli kong sagot syempre di pa ako sanay sa ganito sabi nga ni JYP hindi ako yung pang variety show.

"Did you eat breakfast already?" tanong ulit ng staff kaya tumango ako at sinagot yung tanong nya "We already eat breakfast. Everyone don't skip meal, okay?" sabi ko, nang makita ko na tapos nang malagyan ng make up si Eun Ki kaya nag bye na ako sa camera at pumunta sa harap.

Pagtapos ng malagyan ng make up isho-shoot na yung solo shots para daw mabilis matapos sabi ng director. Nakakailang nga eh paulit ulit na nagpe-play yung kanta namin naiilang ako kasi naririnig ko yung boses ko. Pero sa tingin ko simula ngayon kailangan ko ng masanay. Medyo matagal akong ayusan dahil sa kapal ng buhok ko. Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan ang lumang messages ni Jimin sa akin.

Nang tapos na ako pinagbihis na ako. Kinuha ko na ang gitara ko at nagprepare hindi ko naman talaga tutugtugin yun kunyari lang. May times na bitbit ko yung gitara may time naman na hindi naka 3 shoot ako para sa solo parts ko lang. Pagtapos ay yung group shots naman.

Nang matapos ako nilapitan agad ako ng isang staff unnie para punasan yung pawis ko pinaypayan nya din ako. Habang nagsho-shoot ng parts si Minyang nilalagyan ulit kami ng makeup para sa group shots. Walang naguusap sa amin maliban na lang sa staffs na nagtatanong. Pagod kaming 4 pero simula pa lang 'to dapat masanay na kami sa pagod.

Niyaya ko si Eun Ki na lumapit sa malaking electric fan para makapag pahangin. Sinundan din kami ng staff na nagvivideo sa amin. "WAAAAHHHHH" sabi ni Eun Ki sa tapat ng electric fan kaya medyo nagvibrate yung boses nya. "Eun Ki pabo-ya." hinampas nya ako sa braso kaya hinampas ko sya sa tyan. "Ouch yung abs ko ah!" reklamo nya napatawa naman ako sa kanya kasi wala naman syang abs.

Natigil kami   ng tawagin na kami. Kanya kanyang pwesto na kami, mahigit 4 na beses din kami nag paulit-ulit. Dahil gitara pa ang hawak ko kaya nakatayo lang ako medyo nagugutom na din ako. "Guys! The food truck is here." sabi ng isang staff kaya dali dali kaming lumabas ni Eun Ki.

----------

Mabilis na natapos ang shooting after 2 days pa daw yun marerelease. Nakakapagod? sobra. Pero kahit pagod na kami naisipan pa din naming maglakad papuntang coffee shop.

"Ayoko na!" Biglang sigaw ni Eun Ki. "Pagod na pagod na ako!" Nagulat ako ng hampasin sya ni Min Yang dahil dun nalaglag yung suot na eyeglass ni Eun Ki. "Aish...Pabo-ya!" Sigaw ni Soo Hwa. Nababaliw na ako pag kasama ko tong mga to.

May nahagip yung mata ko na pamilyar na figure mula sa kabilang kalsada na papasalubong sa amin. Dahil sa shades na suot ko hindi ko sigurado kung sino yun. Nang palapit na sya sa amin at saka kulang nalaman kung sino talaga ito.

"Jimin...?" Tanong ko sa hangin. Kahit nakatakip ang mukha nya kilala ko sya. Naging fan nya ako sa mahabang panahon. "Jimin na naman ba Xena?" Tanong ni Eun Ki.

"Ah hindi, wala." Tiningnan lang nila ako at nag si tanguan at bumalik sa kanya kanyang usapan. Di ko parin maalis ang mata ko sa kanya, di ko maiwasang hindi sya lingunin. Akalain mo nga naman dito pa kami nagkita. Tadhana nga naman.

"Xena, uy!" Sigaw ni Soo Hwa sa akin. "Nabingi ka na ata jan?" Sabi nya ng tumingin na ako sa kanya. "Masyado naman atang malalim ang iniisip mo. Mauuntog ka na sa pinto." Kaya napatingin ako sa harap ko at tama nga si Soo Hwa pintuan na nga ng café ang nasa harapan.

"Pasensya na guys." Ang tanging nasabi ko. "O? Sinong oorder?" Tanong ni Soo Hwa lahat nagsitinginan kay Eun Ki. "Maknae duties. Go Eun Ki!" Sigaw ni Min Yang at nag 'fighting' pa. Wala ng nagawa si Eun Ki kundi sumunod.

Samantalang kami naghanap na ng uupuan. "Xena, Jimin o career?" Biglang tanong ni Soo Hwa sa akin hindi pa ako nakakaupo. "Hindi ko pa alam." At sabay taas ng balikat ko. "Masyadong mahirap yung tanong mo." At katahimikan na ang sunod na nanguyari.

"Bakit para kayong namatayan?" Tanong ni Eun Ki pag balik nya. "Pagod lang" sabi ko. Pagkaorder namin umalis na rin kami sa café kasi gabi na din.

Habang naglalakad sa kalsada. Parang nahagip na naman ng mata ko si Jimin. "Jimin!" Nagulat ako ng bigla akong sumigaw habang nakatingin sa kabilang kalsada. Kaso wala pala sya dun. Imahinasyon ko lang pala.

"Xena, ayos ka lang?" Sabay hawak ni Min Yang sa likod ko. "Umiiyak ka." Sabay turo nya sa pisngi ko. Mabilis ko namang hinawakan ang pisngi ko. Wala naman akong naramdamang luha. "Joke lang! Hahaha!" Pagsabi nya nun. Bumuhos na ang luha ko.

"Xena! Mianhe di ka na mabiro. Uy! Sorry na."

Ngayon ko lang nalaman kung gaano kahirap ang tanong ni Soo Hwa.

"Si Jimin o career?"

Tanong na madaling sagutin sa mata ng iba pero hindi para sakin.

Sya ba handang ipagpalit ang career nya para sakin? Kasi ako kaya ko.

Maraming humahadlang, pero pagdating ng panahon sana maintindihan nila.


Xxxxxxxxxxxxxxxxx
Sorry sa matagal na update. May technical problems kasi. Shout out sa mga makakapuntang concert dyan oh! Kaway-kaway hahahahaha.

Magkita kita tayo sa MOA #teamlabas. Poor Kid ako, isa sa masaklap na katotohanan.

Lucky or Not? ||p.jm||Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu