FOURTEEN.2

137 4 0
                                    


Nagising ako dahil nagugutom na ako. Pagdilat ko walang tao sa loob ng kwarto.

Saan kaya sila pumunta? Medyo madilim na sa labas, siguro umuwi na si Jimin sa dorm nila. Pero nasaan kaya yung tatlo?

Binuksan ko ang T.V. para kahit papano may ingay naman dito sa kwarto.

Nagugutom na talaga ako. Pero hindi ko magawang tumayo dahil nakirot yung sugat ko.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid hinahanap ko ang phone ko. Nakita ko ito sa may lamesa sa gilid. Kinuha ko ito nang mapansin ang isa pang phone malapit dito.

Kinuha ko ito para tingnan kung kanino ito. Pero inuna kong buksan ang phone ko.

May isang message....

'Mamamatay ka na pero ang atensyon nya nasa sayo pa din? Ano bang gagawin ko para mawala ka na sa mundo?"

Sino ba talaga ito? Bakit ba ang laki ng galit nya sa akin? Pinatay ko ito at saka ko binuksan ang isang phone.

Wala itong password, hindi ito sa members dahil kabisado ko na ang phone nila. Kay Jimin kaya to? Pero hindi ganito ang phone ni Jimin.

Nang tuluyan na itong mabuksan, messages agad ang tumambad sa akin.

Binuksan ko ang isang contact na may pangalang 'Bitch'. Bakit kaya ganito ang pangalan?

Nagulat ako ng mabasa ko ang mga texts. Katulad na katulad sa text na natatanggap ko.

Nanginginig ang kamay ko, so all this time kilala ko kung sino ang may gustong pumatay sa akin. Dahil hindi sya makakapasok sa kwarto ko kung hindi ko sya kilala.

Nanatili akong nakatitig sa phone at sa messages ini-scroll down ko pa para mabasa ang ibang messages.

Sya talaga to. Pero sino?

"Aish! Bakit ko ba nakalimutan yung phone!?" Rinig ko ang boses mula sa labas papalakas ito ng papalakas. Ganun din ang tibok ng puso ko.

Paano nya nagawa to sakin? Sa tagal ng pinagsamahan namin, bakit sya? Sya ang pinakahuling tao na maiisip ko na tatraidor sa akin.

Dahan dahang bumukas ang pinto. Siguro inaakala nya na tulog pa din ako. Hinahantay ko na makita ko sya.

Humigpit ang kapit ko sa phone nya. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.

Itinago ko ang phone nya sa ilalim ng kumot.

"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng boses ko. Ayokong makita nya na natatakot ako sa kanya.

"Gising ka na pala. May nakalimutan lang ako." Dumako ang tingin nya sa may lamesa at nang makita na wala na dito ang hinahanap nya nanlaki ang mga mata nya.

"Ito ba ang hinahanap mo....Eun Ki?" Itinaas ko ang phone nya. Lalong nanlaki ang mata nya pero napalitan ng smirk.

"So alam mo na pa--"

"Paano mo nagawa to?" Pinipigilan ko ang luha ko na tumulo. Lalo syang sasaya pag nakita akong umiiyak.

"Tss. Mag papaawa ka na naman. Aarte ka ulit? Sus, hindi eepekto sa akin ang pagpapaawa mo."

Pinigilan kong sumigaw, nagsisimula ng sumakit ang lalamunan ko dahil sa pagpigil ko na umiyak.

"Bakit ikaw? Ano bang ginawa ko sayo!?" Humigpit ang hawak ko sa phone nya. Pero nag smirk lang ulit sya.

Lucky or Not? ||p.jm||Where stories live. Discover now