h s - o n e

22.4K 779 290
                                    

At para maintindhan niyo ang takbo ng story na ito... Isusulat ko po ito sa tagalog. Kunwari TAGALOG yung language sa SoKor okay? And yeap. Nasa Seoul, Korea ang venue nito. At kayo po ang bida.

x: long comments please

----

h s - o n e

10 minutes



Maingay. Maraming ilaw. Magulo.

Nahuhulaan mo na ba kung nasaan ka?

Wala ka sa isang bar o kahit ano pa yan.

Nasa labas ka ng EXO Dorm. Naghihintay.


"Changgala, ang tagal." sabi mo at napabuntong hininga ka, dahilan para tignan ka ni Klyppton na bestfriend mo na simula pa lang nung may mga kulangot kayo sa mukha.

"Konti na lang gull at makakauwi na rin sila." sabi niya at muling inayos ang kanyang dslr.

"Anong oras na ba? Halos kanina pa tayong madaling-araw dito. Mag-gagabi na ngayon. Tama ba talaga yang nakuhaan mo ng news? Baka naloko ka lang?" tanong mo sa kanya. Iritadong-iritado ka na dahil malamang kanina pa naninigas pwet mo kakaupo.

"Ano ka ba! Oo nga! Ang kulit ng butsi ne'to! Hindi ako na-jongdae noh! Alam kong totoo yung news na yun! I have sources. Eto naman parang di na nasanay sakin!" 'so proud na siya agad niyan?' naisip ng utak mo.

Tumango ka na lamang sa naging sagot niya. Nagmasid-masid ka na lang sa buong kapaligiran. Maraming babae ang nandirito; naghihintay rin. Tumayo ka at hindi mo namalayan na may nabangga ka pala sa likuran kaya naman medyo na-out-of-balance ka.

"Tsk ano ba yan! Tatanga-tanga naman oh!" sabi nung taong nasanggi mo. Napalingon ka naman sa kanya at wow! Laking bulas ni Ate!

"Sorry! Hindi ko naman sinasadya." paghihingi mo ng paumanhin. Malay mo bang nakaupo rin pala siya sa inuupuan mo? Makasabi ng tanga noh? Parang siya hindi?

"So sa tingin mo may magagawa pa yang sorry mo kahit tapos na? Tsk. Alam mo? Wag na kayong umasa pa na masusuklian yang nararamdaman niyo para sa EXO! As if naman na papatol sila sa kagaya niyo? Eh mga Cheap lang naman kayo. Kumbaga sa sapatos, kami made in USA, kayo China lang. *insert tawa ng baboy here*" Ang kapal ng mukha para sabihan ka ng ganyan noh?! Para namang natapunan ng Kape yang pagmumukha niya eh nasanggi mo lang naman? Tas kung makapagsabi ng ganun? Akala mo mas maganda pa kay Miranda Kerr.

"Excuse me, Dear? Isa ka lang ring FAN! Kung makapagsalita ka akala mo, INLOVE NA INLOVE SA'YO ANG EXO! Na GIRLFRIEND ka nila? Pwe! Seriously, I can't even imagine! At tsaka alam mo yung nasanggi lang pero kung makareact ka akala mo natabunan ng asido yang pagmumukha!?" sigaw mo sa kanya. Medyo naramdaman mo rin ang nag-iinit mong mukha dahil sa galit.

"What the f*ck did you just said? D'you know me? Huh? Did you know that I can kill you in just one snap?" panghahamon niya. Tinignan ka niya ng may nag-aalab na mata.

"To be honest, I really don't know you. Sino ka ba? Ikaw ba yung naglinis ng kubeta namin last night? At tsaka sa taba mong yan, kaya mo palang pumatay ng tao?" Oo, matapang kang babae ka eh. Kayang-kaya mong banggain ang kahit sino.

"Puchang@#$! Anong sabi mo? Bawiin mo yung sinabi mo! Hindi ako mataba! CHUBBY LANG!" pagmamatigas ng bungo niya. Nakita mong nag-igting ang kanyang bagang.

"To be very honest, hindi ka chubby. Para ka ngang trinipleng baboy sa sobrang katabaan--"

Hindi mo natapos ang sasabihin mo dahil binigyan ka niya ng isang bonggang SAMPAL! Halos mapatulala ka. Nakaawang ang iyong bibig habang nakaganun pa rin ang pwesto mo.

His SasaengKde žijí příběhy. Začni objevovat