h s - t e n

9.8K 363 42
                                    

thanks to @AllAboutThisGirl for the gif she made for me. <3

x: long comments please ♡

--

h s - t e n

Phone Call

"Woah! Si Tao nga! Hala! Naka-bathrobe lang siya! Ang hot niya omygad!"

"OMG! ANG HOT NG TAO KO!!!"

"Cooool!"

Napangiti ka ng bahagya ng marinig mo yan sa mga estudyanteng tutok na tutok sa kanilang mga cellphones para lang makita ang napicture-an mong litrato. Naglalakad ka ngayon sa corridor niyo at nakayuko ka. Syempre baka mamaya may makapansin nanaman sayo, edi gera nanaman ito.

Tumungo ka agad dun sa una mong subject at naging maayos naman ang takbo nito hanggang sa matapos lahat ng subjects mo. Abalang-abala kasi sila sa picture ni Tao na nakabathrobe lang siya. Mabenta talaga yung litrato sa madla.

Hindi kayo masyadong nagkita ni Klyppton ngayon dahil nag-iba na kayo ng schedules. Sa ibang subject mo na lang siya nakikita. Sa ngayon ay papunta ka na sa parking lot para sabihan ang driver mong hindi ka muna sasabay at trip mong magcommute. Sumunod naman agad ang driver mo at naglakad ka na nga.

Mag-gagabi na pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring balita kung ano bang masasabi ni Tao dun sa litrato. Syempre expected mo nang magagalit siya dahil pinicture-an mo siyang ganun. Sino ba naman kasing hindi magagalit kung kukuhanan ka ng litrato habang nakatuwalya ka lang? Sino bang hindi diba?

Napakamot ka na lang sa ulo dahil kinakabahan ka sa maaaring sabihin ni Tao sayo. Hindi ka man niya kilala, pero alam mo at alam ng lahat na ikaw ang tinutukoy niya sa kanyang mensahe. Napabuntong hininga ka. Sira-ulo ka rin kasi eh.

Napatigil ka sa paglalakad ng makarinig ka ng mga kaluskos. Lumingon ka sa likod ngunit wala namang tao. Kumunot ang iyong noo. 'Ah siguro, guni-guni ko lang.' isip mo at muling naglakad. Medyo madilim na rin ngayon at malamig. December na rin kasi kaya malamig. Napahawak ka sa coat mo dahil umihip ang malakas na hangin.

"Sino yan?" sigaw mo ng makarinig ka muli ng mga yapak na parang sinusundan ka. Nandito ka ngayon sa isang eskinitang walang katao-tao. Dumaan ka kasi sa shortcut kaya ayan, wala pa naman masyadong dumadaan dito.

Wala kang narinig na tugon kaya binilisan mo na ang paglalakad mo. Kinakabahan ka na. Nagsisisi kung bakit naglakad ka pa pauwi eh pwede ka namang magkotse na lang. Hindi ka naman masyadong marunong mag-karate. Ang alam mo lang ay manuntok, manampal, manabunot at sipain ang pinakamahalagang parte sa mga lalaki.

Lumingon ka muli sa likod at parang Deja Vu dahil nakakita ka nanaman ng lalaking naka-all black. Napasinghap ka. Lalong tumibok ng mabilis ang iyong puso. Naiisip mo palang na kidnapper, rapist o magnanakaw ito ay di ka na magkanda-ugaga. Paano kung kunin na lang ang iyong ibang parte sa katawan at ibenta sa iba? Napalunok ka.

Tumatakbo ka na ngayon kasabay ng naghaharumentado mong puso. Kung anu-ano mga naiisip mo habang tumatakbo. Kaya naman nadapa ka dahil hindi mo nakita ang Humps sa kalsada. Naiiyak ka na sa mga nangyayari. Alam mong mayaman kayo at baka i-ransom ka nitong lalaking to.

His SasaengWhere stories live. Discover now