h s - s i x t e e n

8.9K 340 53
                                    

Advance Happy 9k reads!!!!! GOSH TAPOS MALAPIT NG MAG-10K! TAYO'Y MAGDIWANG!!! 

thanks nga pala sa magandang majili @aegyows dahil dun sa gif sa gilid <3 hehe

--

h s - s i x t e e n

His Smile

"A-Amethyst..." bulong ni Klyppton sayo. Napalunok ka. Hindi niyo pa nakikita yung mukha nung lalaki kasi natatakpan ito ng dilim. Pinagmasdam mo mabuti yung lalaking nakatayo ngayon sa harapan niyo. May coat siyang black. Nakapants na black at sapatos na black.

"Anong kailangan niyo?" nanlaki ang mga mata niyo dahil sa nakakatakot na boses niya. Agad-agad kayong tumakbo pababa ng Apartment. Sobrang bilis na para kayong hinahabol ng aso. Agad-agad kayong pumasok sa sasakyan at pinaharurot agad iyon ng driver niyo.

"SHTLOGS AMETHYST! Hindi chix yung lalaki!! Mukhang grumpy!!" sigaw ni Klyppton at nakahawak pa sa kanyang dibdib. Napasapo ka rin sa iyong dibdib dahil sa bilis ng tibok ng iyong puso. Pinunasan mo ang pawis na nasa noo mo.

"Wag na wag na tayong pupunta uli dun! Nakakatakot!!!" sabi mo at huminga ng malalim. Buti na lamang at may bottled water dito sa loob ng sasakyan ni Klyppton kundi baka mahimatay ka na dahil sa lakas ng pintig ng iyong puso.

 --

Nagdaan ang ilang araw at naging mabuti naman ang takbo ng iyong buhay. Inuupdate ka pa rin lagi nung weirdong laging nagtetext sayo. Hindi mo na lamang nirereply-an kasi natakot ka na. Natrauma ka na eh dahil dun sa nakita mo.

"Waaaah! January na so it means mag-bbirthday na si Itim!" sabi ni Klyppton. Nandito kayo ngayon sa library. Gumagawa kayo ng projects, himala! Magddeadline na kasi kaya ayan at kailangan talagang pagtuosan ng pansin.

"Oo nga! Magbbirthday na si Jongin. Yung pangalawa nating bias hahaha!" sabi mo ng mahina. Oo, parehas kayo ng top 2 bias. Hindi naman kayo nag-aagawan, kasi may Kyungsoo naman si Klyppton at may Baekhyun ka naman.

"Anong ireregalo mo sa kanya?" tanong sayo ni Klyppton kaya naman napaisip ka. Ano nga ba ang mga gusto ng isang Jongin? Ni Kai? 'Kung relo kaya? T-shirt? o Unan?' napangiti ka ng bigla kang makaisip ng pang-ireregalo.

"Klyppton. Unan kaya?" napalingon sayo si Klyppton at ngumisi ng parang demonyo.

"Tapos may picture natin? Ayos! Hahahaha!" natawa ka rin kasi naimagine mo yung unan na may picture niyo. Na andun yung malaki niyong mukha sa unan. Magugustuhan kaya yun ni Jongin? Na kapag uunan niya yun eh andun yung mukha niyo?

"Uy gageh nakakahiya naman yung ganun! Andun yung mukha natin?" namimilipit ka na sa kakatawa ng mahina. Alalahanin, nandito kayo sa Library at bawal mag-ingay kaya naman pigil na pigil yung pagtawa niyong dalawa.

"Nahiya ka pa eh noh? Hahahaha! Tapos samahan natin ng aso o'diba?" napatango ka naman agad sa sinabi ni Klyppton. Sigurado kayong tatanggapin ni Jongin yung aso kasi mahilig siya sa mga aso. 

His SasaengWhere stories live. Discover now