h s - t w e n t y - s i x

7.6K 265 35
                                    

special thanks to @aegyows for creating my new bc to his sasaeng <3 <3 <3 ty so much :* sorry late update! been busy lately with projects! && sorry if it's lame. :--( bawi na lang next time.

--

h s - t w e n t y - s i x

Distract

'Puta' bulong mo nang makita mo ang kagandahan ng babaeng nasa gilid mo lang pala. Hindi mo alam na katabi mo na pala si Solardark. Masyado ka kasing focus kay Baekhyun na hindi mo na namalayan na nasa gilid mo na pala ang ultimong karibal mo.

Bumalik ang tingin mo kay Baekhyun na seryosong nakatingin sa babaeng katabi mo. Lalong kumulo ang dugo mo dahil sa titigan nung dalawa. Gusto mong humarang sa kanilang malaromansang pagtitigan kaya naman napagdesisyunan mong dumaan sa harapan ni Solardark. Bastos na kung bastos, wala eh, laban kung laban.

Dumaan ka sa harapan nila na parang isa kang reynang dumaan. Hindi ka yumuko para mag-excuse me kundi tuloy-tuloy ka lang kaya naman napatingin sa iyo si Solardark. Napangisi ka sa isip-isipan mo dahil naagaw mo ang atensyon nilang dalawa.

"Sorry. Excuse me pala." sabi mo at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Tumango lang siya at ngumiti rin sayo. Napataas ka tuloy ng kilay. Para kasing napaka-inosente ni Solardark sa nakikita mo ngayon sa kanya. Para bang wala siyang alam tungkol sa mga nangyayari sa inyong dalawa ni Baekhyun? Hindi ka tuloy makapaghintay na sabihin sa kanya kung anong mga nangyari sa inyo ni Baekhyun. Gusto mong malaman ang kanyang reaksyon.

"Hep hep! Time out!" sigaw nung isang staff. Pumasok muli ang EXO sa shooting place. Nagpatuloy ang pagkuha ng mga litrato sa kanila. Nakikita mo si Baekhyun na maayos naman ang ginagawa pero hindi ka pa rin mapakali sa babaeng katabi mo. Oo, katabi mo pa rin si Solardark. Gusto mo siyang kausapin dahil marami kang tanong para sa kanya gaya ng bakit para silang magkakilala ni Baekhyun? Kung bakit lagi na lang nagkakaroon ng eye-contact silang dalawa at marami pang iba.

Pero dahil iba na itong kalaban mo... iniingatan mo na yung pride mo. Gusto mo ikaw mismo ang makatuklas kung bakit  parang may koneksyon sa kanila. Oo, inaamin mong nagseselos ka kay Solardark kasi laging nakaka-eye contact niya si Baekhyun samantalang ikaw kailangan mo pang sumigaw para lang makuha ang atensyon ng lalaking minamahal mo.

Tumingin ka kay Solardark na ngayo'y nanunuod ng photoshoot. Hindi mo maiitatangi na maganda siya. Maganda ang hugis ng kanyang mukha. Malasirena ang buhok sa haba at katamtaman lang ang puti. Suminghap ka ng makita ka niyang nakatitig sa kanya. Tumingin ka agad sa ibang direksyon at umirap. Selos ka nanaman dahil sa kagandahan niya.

"Thankyou for the cooperation!" at marami pang sinabi yung mga staffs. Tapos na kasi ang photoshoot at nagpapasalamat na yung mga photographer sa EXO. Hinanap agad ng mga mata mo si Baekhyun na tumatango at ngumingiti sa mga photographers. Lalapitan mo kasi siya mamaya.

"May gagawin ka mamaya?" tanong sayo ni Klyppton. Tumingin ka sa kanya at ngumiti. Hudyat na may gagawin ka nga mamaya. Ngumiti rin siya at tumango. Alam na alam niyo talaga ang isa't isa.

His SasaengWhere stories live. Discover now