h s - t h i r t y - t w o

6.1K 265 47
                                    

Happy 46k wooot~ yehey!

--

h s - t h i r t y - t w o

Waiting

Name: Yi Lou Ren

Age: 21

Address: Apartment +++ Bucheon, Gyeonggi Province, South Korea

Father: Yi Bon In

Mother: Yi Sung Ra

Siblings: None

College: Dulwich College

Highschool: Jungwon High School

Currently job: Photographer

Sinuri mo mabuti ang hawak mong papel na naglalaman ng inpormasyon tungkol kay Solardark. Yi Lou Ren pala ang kanyang tunay na pangalan. Inisip mo tuloy kung bakit Solardark yung bansag sa kanya at bakit mas kilala ang pangalan na yun kesa sa true name niya.

Binigay ni Klyppton ang papel na ito sa iyo kanina. Nagkita kasi kayo ngayon sa isang coffee shop para ibigay niya sayo ito. Aniya ito lang daw ang nahanap niyang impormasyon kay Solardark dahil masyadong pribado ang kanyang buhay sa iba.

Tinignan mo muli ang Address niya. Parehas kasi sila ng Province na tinitirhan ni Baekhyun. Oo, dun rin kasi nakatira si Baekhyun kaya naman laking gulat mo nang makita mo ang Address ni Solardark. Nalungkot ka tuloy dahil naisip mong magkakilala na siguro talaga sila simula pa lang.

Bumuntong hininga ka at tumayo na sa kinauupuan mo. Hahanapin mo ang Address na ito. Pupuntahan mo si Solardark kahit wala ka naman talagang gustong sabihin. Oo, marami kang naiisip na gustong itanong ngunit para na lang yun sa sarili mo. Gusto mong malaman kung may 'past' sila ngunit wala ka sa lugar para itanong yon.

Sumakay ka na sa sasakyan niyo at sinabi mo sa driver mo na puntahan ang nakalagay na Address dun sa papel. Lumunok ka ng umandar na ito. Hindi mo alam kung kinakabahan ka dahil makikita mo nanaman si Solardark ng personal at sa mismong bahay niya pa talaga. Ano na lang ang sasabihin mong rason kung bakit ka pumunta dun?

Inisip mo lahat ng mga pictures niya dun sa IG. Halos sang-ayon ang lahat na gusto nila si Solardark para kay Baekhyun. Ang gusto pa nga nung iba ay magpakasal na sila. Na kesyo bagay na bagay sila para sa isa't isa. Halos wala ka ngang makita na against sila. Lalo ka tuloy nabitter. Porket naging popular lang yung si Solardark dahil lagi niyang nakaka-eye contact ay sila na agad ang ipagtatambal? Naisip mo tuloy kung ganun rin kaya sayo si Baekhyun? Paano kung sayo lang rin siya nakikipag-eye contact, magiging sang-ayon rin kaya sila sayo? Gusto rin nila kaya kayo sa isa't isa.

Naalimpungatan ka lang ng biglang mapaharap ka sa harapan na salamin. Habang papunta sa isang apartment ay may natanaw kang isang sasakyang nakaparking sa harapan nito at may nakasandal na lalaki. 

Kumalabog ng pagkabilis bilis ang puso mo. "Stop." sabi mo sa inyong driver at unti-unti nang tumigil ang inyong sasakyan sa isang tabi. Sinuri mo mabuti ang lalaking nakatingin sa kawalan ngayon. Pagabi na at medyo hindi mo na makita ang mukha nun pero for sure may kutob ka.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon