h s - e i g h t e e n

8.4K 372 159
                                    

ADVANCE HAPPY 11K READS! dedicated to her kasi natawa ako sa comment niya lmao.

x: long comments please ♡

--

h s - e i g h t e e n

Friends?

Kinabukasan ay as usual... Ikaw nanaman ang laman ng balita. Pwede ka na ngang maging artista dahil lagi ka na lang naffeatured sa news pero buti na lang at hindi pinapakita ang iyong mukha. Hindi mo rin alam kung bakit pero nagpapasalamat ka na rin dahil kapag nakita ito ng mga magulang mo... paniguradong magagalit sila.

Pinaandar na ng iyong Tatay ang kotse at lumarga na nga. Pupunta kayo ngayon sa isang 5 star restaurant para magkaroon ng family bonding. Kayong tatlo lang. Tulad ng mga simpleng pamilya, ganun lang ang gagawin niyo. Sabi mo kasi ayaw mong magsama ng kahit sino kundi ang pamilya mo lang.

"We're here." masayang sabi ng iyong Nanay sabay dungaw sa bintana. Dumungaw ka nga sa bintana at nakita mo ang naggagandahang mga ilaw. Gabi na ngayon kaya lahat ay nakabukas ang ilaw. Napangiti ka dahil sa wakas eh magkakasama muli kayong buong pamilya.

Lumabas na kayo at pumasok na sa iisang mamahaling restaurant. Pagkapasok mo pa lang ay nakaramdam ka agad ng kaba. Napakunot ang iyong noo dahil bigla na lamang itong bumilis. Sing-bilis kapag nandyan siya.

"We'll have Toasted Barley and Chicken Pilaf..." at hindi mo na narinig pa ang sunod na sinabi ng iyong Tatay dahil nakuha agad ang atensyon mo sa isang lalaking ngiting-ngiti ngayon habang kinakausap ang mga taong nasa paligid niya.

'O'sht sht sht' bulong mo sa kawalan. Napalunok ka ng sampung beses o higit pa? Ngiting-ngiti ka rin habang nakadungaw sa kanya. Mukha ka na nga yatang kamatis sa sobrang pula. Ni hindi mo nga maitext si Klyppton ng maayos dahil nanginginig ang kamay mo.

"Amethyst, are you okay?" napatingin ka sa nag-aalala mong Nanay. Walang anu-ano'y tumango ka agad. Okay na okay ka naman eh kaso hindi mo lang talaga mapigilan ang iyong nararamdaman. Para bang gusto mong pumunta ka ngayon sa pwesto ni Baekhyun at yakapin at... halikan?

"Hindi, hindi, hindi..." bulong mo na siyang ipinagtaka ng iyong magulang. Baka kasi isipin nilang nababaliw ka na kaya ngumiti ka sa kanila at nag-peace sign. Tumango na lamang sila sa kabaliwan mo.

"So how's our baby? Doing good?" tanong ng Papa mo ngayon sa'yo. Napalingon ka naman sa kanya at tinitigan. Ano na nga bang nangyayari sayo ngayong mga nakailang araw? May nangyari bang masama sayo? Oo, yung mga nagkalat na balita tungkol sayo.

"Ah ayos lang po ako. Hehe." at ngumiti ka muli. Syempre hindi mo sasabihin yun dahil once na masabi mo yun eh wala nang tigil sa pagtatanong ang iyong magulang at ayaw mo ng nag-eexplain kaya ayan at humahaba na ang iyong ilong dahil sa pagsisinungaling. Pero ayos ka lang naman talaga hindi ba?

"So... is there something new?" nagtaka ka sa tanong ng iyong Nanay. Napataas tuloy ang isa mong kilay sa kanya dahil medyo naweirduhan ka sa tanong niya. Napaisip ka. Ano nga bang bago sayo? Sa buhay mo? 

His SasaengМесто, где живут истории. Откройте их для себя