h s - f o r t y - t h r e e

6.1K 285 163
                                    

warning: slightly spg ahead

--

h s - f o r t y - t h r e e

Hotel 61

Nagising ka ng nakakunot ang noo dahil sa nararamdamang bigat ng ulo. Parang isang gallon ng tubig yung ulo mo ngayon dahil sa sobrang bigat. Halos hindi ka nga makabangon dahil masakit talaga. Hinawakan mo ang iyong ulo na saktong nahawakan mo ang isang bimpo sa iyong noo.

"Mam, inumin niyo daw po ito para hindi sumakit yung ulo niyo po." napatingin ka sa katulong niyo na may dalang breakfast at may gamot sa gilid nito. Pinagmasdan mo siyang pinatong ang tray sa bedside table mo at lumabas na rin di kalaunan.

Bumangon ka kahit masakit yung ulo mo. Kumurap kurap ka pa nga. Napatingin ka sa cellphone mong umilaw dahil sa isang mensahe. Medyo malabo pa ang paningin mo pero naaninag mo rin naman kung sino ang nagtext.

Kai: Just rest. Inumin mo yung gamot na binigay ko sa katulong niyo para hindi na sumakit yung ulo mo. Don't even dare to get drunk once again.

Tinignan mo ang gamot na nandun sa tray. Napabuntong hininga ka na lang. Lahat talaga gagawin niya para lang maipakitang seryoso siya sayo. Kahit nahihirapan na siya, mapasaya ka lang niya at maprotektahan ay ayos na sa kanya. Minsan gusto mo na ring tuktokan ang ulo mo dahil sa ubod ka ng katangahan. Nandyan na nga sa harapan mo, hindi mo pa kuhanin ang chansa.

Kumain ka na at uminom ng gamot. Medyo gumaan na rin yung pakiramdam mo pagkatapos mong inumin yon. Naligo't nagbihis ka na. Limang araw na lang kasi ay birthday na ni Baekhyun. Syempre kailangan mong mag-countdown at bumili ng ireregalo o mga ireregalo para sa kanya.

Nagchachat na lang kayo ni Klyppton sa ngayon. Hindi na kayo nagtatawagan dahil minsan nasa labasan siya. Nag-iikot daw kasi sila ng Tita niya kaya minsan pagod siya. Halos nag-iimprove na nga si Klyppton dahil kapag nagkausap kayo ay hindi na masyadong na-oopen-up si Kyungsoo. It's a nice way to start tho.

Binuksan mo ang iyong laptop at nagbrowse ng mga bagong issues kay Baekhyun. May issue pa nga daw na hindi daw naging maayos yung last time niyang pag-eemcee dahil daw hindi niya binati yung nanalo. Agad mo namang dinepensahan ang mahal mo. Syempre, nanggalaiti ka sa ibang fans na sinasabing walang galang si Baekhyun. Kitang-kita mo naman kasi mismo sa dalawa mong mata na nagbigay galang si Baekhyun dun sa nanalo. Masyado lang siyang na-carried away dahil hindi nanalo yung iniidolo niyang grupo. Well, Fanboy ang mahal mo eh.

At oo nga pala, inuwi ka ni Kai pagkatapos mong magwala dun sa Bar. Tahimik lang kayo habang nasa sasakyan. Walang umiimik sa inyong dalawa. Ni ayaw mong magsalita dahil masyado kang natuliro nun. Ayaw rin naman niyang makipag-usap kaya hindi ka nag-abalang magsalita.

Napatigil ka sa pagsscroll sa iyong blog ng bigla kang may napansin. Isa itong post na may headline na "Kai has a sasaeng friend?". Kinutuban ka agad sa nabasa mo. Alam mong ikaw lang ito dahil meron ring picture dun sa gilid na nakablurred nga lang pero kitang kita mo yung mukha ni Kai. Eto yung pinagbuksan ka niya ng pintuan para papasukin ka sa sasakyan niya.

His SasaengWhere stories live. Discover now