h s - t w e n t y - s e v e n

6.8K 252 139
                                    

happy 31k reads his sasaeng!!

--

h s - t w e n t y - s e v e n

Deleted

"Amethyst!!!" rinig mong tili ni Klyppton. Pumikit ka ng mariin. Nagpanggap ka kasing nahimatay. Oo, nagpanggap kang nahimatay. Kahit masakit mahulog sa lapag ay hindi mo na ito pinansin pa kung para lang naman makuha ang atensyon niya.

Agad natigil ang program. Narinig mo kasi ang pagtigil ng lahat. Ang pagtigil ng sound system, ang pagtigil nung host, ang pagtigil ng buong tao.

Nagulat ka na lamang ng may biglang bumuhat sa iyo. Hindi ka dumilat o ano, nanatiling nakapikit ka lang at rinig na rinig mo ang hataw ng iyong dibdib. Hindi dahil sa kung sino ang nagbuhat sayo kundi dahil sa kabang nararamdaman mo dahil nakagawa ka nanaman ng isang kalokohan.

"Amethyst, wake up. Hold on." nagtaka ka sa nagbubuhat ngayon sa iyo. The voice looks familiar. Boses ng lalaki. Ayaw mong mag-expect kaya hihintayin mo na lamang siyang magsalita muli ng sa ganun ay makumpirme mo nga kung sino ito.

Nakarinig ka ng isang tunog ng sasakyang binuksan. Naramdaman mong inupo ka sa Front seat. Gusto mo na sanang buksan yung mga mata mo kaso nakarinig ka ng mga sigaw sa labas.

"Sir, pwede naman po kami na lang yung magdala sa kanya sa ospital." rinig mo sa labas. Paniguradong isa ito sa mga staffs ng program. Malalim ang boses.

"No, I can handle it." at nakarinig ka na lamang muli ng pagsara ng pintuan. Madali namang nagbukas ang isang pintuan na alam mong pintuan ng driver seat. Naamoy mo agad ang pabango nung pumasok. 

"Amethyst..." nakaramdam ka ng mainit na kamay sa iyong kamay na ankapatong sa iyong hita. Kinilabutan ka at napamulat sa ginawa nung taong yun at bumungad sa iyo ang nag-aalalang mukha ni Kai.

"K-Kai..." nakaramdam ka ng hiya. Hiya dahil isang malaking kalokohan lamang ang iyong ginawa. Ikaw ang naging dahilan kung bakit natigil ang show at nandito si Kai sa iyong harapan. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nandito kayo ngayon sa loob ng isang sasakyan na imbes na nandun si Kai sa program.

"Are you okay?" inexamin niya ang buong mukha't katawan mo tila ba'y isang doktor. Napa-iwas ka na lang ng tingin sa binibigay niyang pag-aalala. Wala naman kasi dapat siyang ipag-alala dahil acting-acting mo lang iyon.

"I'll take you to the hospital." aniya at pinaandar ang sasakyan. Namilog ang iyong mata. Umandar na ang sasakyan kaya napahawak ka sa kanyang braso. Naramdaman mo ang pagyanig ng kanyang kamay at nag-igting ang kanyang panga.

"No. I'm okay. N-Nahilo lang yata ako..." sabi mo at yumuko. Hindi pa rin tinitigil ang sasakyan. Kung isang ordinaryong sasaeng ka lang siguro eh baka kanina mo pa ni-rape si Kai dahil isa na itong pagkakataon pero hindi... Hindi mo alam kung bakit hindi ka nakakaramdam ngayon ng Fangirl feels. 

"No, you're not. I'll take you to the hospital whether you like it or not." binigyan ka niya ng mariing tingin. Kumunot naman ang iyong noo. Hindi mo alam kung bakit sobra-sobrang concerned ang pinapakita niya sa iyo. Oo, friend mo siya at siguro ganun lang talaga siya magpahalaga ng isang kaibigan.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon