h s - t h i r t y - n i n e

5.7K 290 60
                                    

thankyou kay bea kasi binigyan niya ako ng gif para dito wieeeee salamat ng marami at tsaka oy!! wag kang magddeactivate nako kaaa! >:(

--

h s - t h i r t y - n i n e

He's the reason

Nakahawak ka ngayon sa kamay ni Klyppton. Nandito ka sa ospital para bantayan ang kaibigan mo. Pagkatapos kasi nung nangyari ay agad siyang binuhat ng kanyang Tatay at dinala nga rito. Maraming dugo ang nawala sa kanya at hanggang ngayon wala pa rin siyang malay.

"Amethyst, maiwan muna kita sandali ha? Magtatrabaho muna kami ng tito mo. Dadalaw dito si Mikee para samahan ka sa pagbantay. Salamat talaga, hija ha? Pwede ka namang umuwi kung gusto mo tutal pupunta naman dito yung kapatid niya." hinawakan ng Nanay ni Klyppton ang braso mo at hinawakan mo lang kanyang kamay.

"Ayos lang po, Tita. Wala naman po akong gagawin eh kaya babantayan ko na lang po si Klyppton." ngumiti ka sa kanya ng may siguridad. Syempre, hindi maipagkakailang hindi mangamba ang Nanay ni Klyppton dahil anak niya ito. Naiintindihan mo ang kanyang nararamdaman.

Ngumiti lang rin siya pabalik at nagpaalam na rin. Bumuntong hininga ka at napalingon muli kay Klyppton. Hinawakan mo muli ang kanyang kamay na may bandage na nakapulupot. Noong nakita mo siya dun sa kwarto niya ay punong puno ng dugo ang kanyang kamay at halos nagiging violet na rin yung labi niya. Halos walang kaide-ideya ang mga magulang niya sa ginawa niya dahil nung hindi pa daw yun nangyayari ay masaya silang nagbakasyon. 

"Klyppton..." tawag mo sa nakapikit na babaeng nasa harapan mo. Suminghap ka at inayos ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang tenga. Inayos mo rin ang kanyang kumot na nakapulupot sa kanya at muling umupo.

"Klyppton..." tawag mo muli sa kanya at yumuko. Pinagmasdan mo ang kanyang kamay na halos pumayat na. Nung araw na iniwan mo siya ay masayang masaya pa siya at giliw na giliw samantalang ngayon napakatamlay na. Hindi mo alam kung bakit siya naglaslas ng ganun kalalim. Oo, malalim daw yung mga sugat niya sa kamay sabi ng Doctor. At kung hindi pa raw naagapan ay may posibilidad raw siyang mawala na. 

"Bakit mo yun ginawa?" suminghap ka ng may tumulong luha sa iyong pisngi. Pinahid mo agad ito at ngumiti ng mapakla kay Klyppton kahit hindi niya makikita ito. Nagpatuloy ka sa pagsasalita.

"Pinag-alala mo akong gaga ka. Pagkagising na pagkagising mo sabihin mo sa akin lahat kung bakit mo yun ginawa ha? Susuntukin kita diyan eh." tumawa ka ng mahina pero kahit tumatawa ka ay may luhang lumalabas pa rin sa iyong mga mata. Siguro kung may nakakakita sa iyo ngayon ay malamang iniisip nun na baliw ka na.

"Hindi naman tungkol sa pag-aaway natin kung bakit ka naglaslas diba? Klyppton diba? Mapapatawad mo pa naman ako diba? Gumising ka na para mapatawad mo na ako, please?" humagulgol ka na nung masabi mo yan. Sa totoo lang, miss na miss mo na si Klyppton. Oo, nagsisisi ka na kung bakit mo siya inaway. Hindi mo naman kasi alam na magkakaganito siya.

"Ginawa ko na yung gusto mong mangyari. Binigyan ko si Kai ng pag-asa. Diba yun yung gusto mo? Sorry kasi hindi kita agad pinakinggan. Tama ka nga siguro, baka kasi hindi ko lang siya napapansin. Kaya ikaw! Gumising ka na! Bibigyan mo pa ako ng ilang advices diba? Papagalitan mo pa ako sa mga ginagawa kong mali? Mang-iistalk pa tayo diba?" tinakpan mo ang iyong mukha dahil sa patuloy na pag-ahos ng iyong mga luha. Kumikirot ang puso mo dahil kay Klyppton. Gusto mong magsisigaw-sigaw dahil sa nangyari pero alam mong wala ka ring mapapala. 

His SasaengWhere stories live. Discover now