h s - t w e n t y - t h r e e

7.2K 282 38
                                    

sorry for the late update~ ADVANCE HAPPY 21K READS~

--

h s - t w e n t y - t h r e e

Not so Valentines

"EXO EXO EXO!!"

"Wooooooooh~"

Halos mabingi ka sa sigawan ng mga tao dito. Nandito kayo ngayon sa venue kung saan ginaganap ang Awards. At syempre nandito kayo para suportahan ang minamahal niyong fandom. Todo kung humiyaw, todo kung makapagbigay ng support. Wala eh, fangirl kung fangirl.

"And the winner for the night's Awards is..." narinig mo ang drum roll na nagpakaba sayo. Maraming nominated ngayon na mga bigating groups pero umaasa ka pa rin na EXO ang mananalo dahil syempre, ultimo number 1 fan ka nila eh.

"EXO EXO EXO!!!!" sigaw mo kahit hindi nila maririnig. Marami ring sumigaw ng iba't ibang fandoms. Para nga kayong nagkukumpitensyahan ng mga boses eh. Ganyan ka kasuportado.

"IS~...." napayuko ka at pumikit. Pinaglapat mo ang parehas mong palad at nanalangin sa Diyos na sana sila ang manalo. Okay lang naman kung hindi sila manalo pero syempre sino bang hindi maghahangad na hindi sila ang manalo lalo na't napakagaling nila kanina sa stage?

"EXO!!!!!" napahiyaw kayong lahat ng pagkabanggit pa lang nung host ang pangalan ng fandom na tinitingalaan mo. Napa-awang ang bibig mo. Nakita mo ang EXO members na nagtatalon-talon at nagyayakapan. 

Tinitignan mo pa lamang sila dito sa malayo ay pinipiga na ang puso mo. Ngumiti ka dahil nakikita mo kung gaano sila kasaya ngayo'ng nakatanggap nanaman sila ng bagong award. They deserve it. Nagppractice sila lagi para lang mapakita sa inyo ang best na nakakaya nila. Na kahit bumabagyo, maaraw, malamig o kahit ano pang klima ay gagawin pa rin nila ang lahat... mapasaya lang nila kayo.

"Thankyou so much!..." nagstart ng magsalita ang pinakalider sa kanila. Isa-isa na silang nag-akbayan. Madali mong kinuha ang iyong DSLR at pinicture-an ito. Isa isa mo silang pinicture-an. Natutuwa kang isipin dahil yung iba naiiyak na sa tuwa. You're really happy for them. Sa lahat ng pagod at pawis na nailabas nila, ito ang naging sukli. At pinapanalangin mong patuloy lang ang mga magagandang biyaya na binibigay ng Diyos sa kanila.

"THANKYOU!!!" sigaw nilang lahat na nagpahiyaw sa buong venue. Sumigaw sigaw ka rin at tuwang tuwa. Nang mapasadahan mo ng tingin si Klyppton ay napakunot ang iyong noo. Nakatitig lang kasi siya sa kawalan. Para bang nakakita ng multo?

"Huy! Ayos ka lang?" tinapik at tinanong mo siya ngunit hindi pa rin siya kumikibo. Lalo ka tuloy nagtaka kung bakit tuliro ang isang to. Dapat nagsisigaw na yan kung nakapokus siya sa program.

"Klyppton? Huy!" dun lang siya natauhan ng inalog mo siya. Tinignan ka niya sabay tingin sa stage sabay tingin uli sayo. Napalingon ka rin tuloy sa stage at wala ka namang napansing kakaiba dahil patuloy pa rin silang nagsasaya.

"Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo diyan!" sabi mo sa kanya at umismid. Umiling lang siya at muling tinuon ang pansin sa stage. Binalewala mo na lamang ito. Oo, naguguluhan ka dahil ganun ang akto niya pero ikinibit-balikat mo na lamang ito.

His SasaengOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz