h s - f o u r

11.9K 506 177
                                    

x: long comments please

--

h s - f o u r

Solardark

Tulala. Wala sa sariling mundo - Yan ang mga salitang maikukumpara sa iyo ngayon. Lutang ka, oo. Lutang ka dahil sa nangyari kahapon. Naguguluhan ka dahil sa naging akto niya. Nalilito ka dahil di mo mawari kung bakit niya iyon nasabi.

*Flashback*

"And oh by the way; I like you." lumakas ang kabog ng dibdib mo. Hindi mo sigurado kung tama ba yung naiisip mong tao kung sino man ito at hindi mo alam kung tama ba ang pagkakarinig mo sa sinabi niya.

Humangin. Malamig ngayon kahit maaga pa lang. Napahawak ka sa sweater na suot mo.

"Sino yan? May tao ba diyan?" medyo na-tanga ka dahil sa tanung mo. Malamang may tao, kaya nga may nagsasalita diba?

Narinig mo uli siyang tumawa. May narinig kang naglalakad. Napatingin ka sa likod mo ngunit wala kang nakita ni anino. Ganun lang ang naging posisyon mo. Nakatingin ka pa rin sa likod.

"I like how you dance. It's gorgeous." at para namang tumaas lahat ng balahibo mo sa katawan. Halos ma-stroke ka na nga nung maramdaman mo yung boses niya sa kaliwang tenga mo. Naramdaman mo kasi ang mainit niyang hininga.

Napalunok ka. Walang salitang lumalabas sa bibig mo. Nanunuyot ang iyong lalamunan. Ramdam na ramdam mo ang lakas na pagkabog ng iyong dibdib. Kinakabahan ka dahil malapit na siya sayo.

"But it's more gorgeous if we both dance together someday." pagkatapos niyang sabihin yun ay nakarinig ka na lang ng apak na tumatakbo. Mabilis nawala ang tunog na iyon kaya napalingon ka agad kahit alam mong hindi mo na siya makikita pa.

"Jongin?"

*End of Flashback*

"Amethyst! You're spacing out again." nagulantang ka nung tinawag ka ng inyong guro. Napayuko ka dahil marami na namang nakatingin sayo.

"Sorry Prof." paumanhin mo sa inyong guro.

"Once I caught you spacing out again in my class, you should get out of this room. Understand?" panenermon ng iyong guro. Napatango ka na lang. Malamang wala ka naman ng magagawa eh. Maysado lang talaga kasing strict ang prof niyo. Matanda na kasi.

"Psst." napalingon ka sa sumitsit kahit hindi mo sigurado kung ikaw ba yung tinatawag.

"Pinapabigay ni Klyppton." sabi nung kaklase mong nasa likod mo. Binigay niya sayo ang nakatuping intermediate pad. Kinuha mo iyon at ibinuklat ito.

'Pagkatapos ng klase natin, uwi na tayo agad. May pres conference kasi sila mamaya kaya kailangan nating maaga dun. Okay? At nga pala, bakit ka nagsspace out nanaman? Iniisip mo nanaman ba ang asawa mo? Wag kang mag-alala, makikita mo uli siya mamaya. :-3 Lovelots, nag-iisang asawa ni Kyungsoo na si Klyppton.'

Napangiti ka sa sinulat ng bestfriend mo. 'Kahit kailan talaga' bulong mo. Tinago mo na ang papel na iyon at lumingon sa likod para masenyasan mo ang bestfriend mo na ayos sayo. Nakita mo ang bestfriend mo na nagsusulat. Binato mo siya ng papel kaya napatingin siya sayo. Nag*two-thumbs-up* ka bilang sagot dun sa sinulat niya kaso nakita mong nanlaki ang mata ni Klyppton sayo at parang sinesenyasan kang humarap na sa blackboard. Nagtaka ka pero sinunod mo na lang at nung paglingon mo... Nakatingin pala na sa iyo ang guro niyo.

❀❀❀

"Hay salamat! Lumabas ka na rin after 1 year!" bungad sayo ni Klyppton ng makalabas ka sa Detention Room. Oo, tama ka. Na-detention ka. Masyado yatang napuno sayo ang professor mo kaya pinadetention ka niya. Ayan tuloy, hindi kayo agad nakauwi ni Klyppton.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon