h s - t w e n t y - f o u r

7.4K 315 148
                                    

paumanhin kung korni~ Advance Happy 22k Reads!

--

h s - t w e n t y - f o u r 

Date

"Klyppton! Nandun ba sila mamaya sa Dorm nila?" tanong mo kay Klyppton habang nagdidiscuss ang Physics Teacher niyo. Malapit nang matapos ang klase at napagdesisyunan mong puntahan sina Baekhyun.

"Nope. Nasa SM Building sila mamayang uwian natin. Bakit?" napangiti ka sa sagot niya. Muli mong binalik ang iyong tingin sa matandang prof niyong nagsasalita. Nagplano ka kagabi pagkauwi mo pa lang na ipapakita mo kay Baekhyun na iba ka talaga sa ibang sasaengs. Ipapakita mo sa kanya na hindi lahat ng sasaengs ay masasama.

"Ah wala." kumurba ang isang ngiti sa iyong labi kaya nagtaka si Klyppton sayo. Dahan-dahan siyang lumapit sayo at bumulong.

"Anong plano mo ha? Alam kong Valentines ngayon kaya may plano ka talaga. Ako rin naman eh." napatawa ka ng mahina sa binulong ng iyong kaibigan. Hindi mo pa nga pala nasasabi sa kanya yung sinabi sayo ni Baekhyun kagabi. Animo'y isang aral na lang yun para sayo. Bale yun ang naging lakas mo para maipakita kay Baekhyun na iba ka.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad ka muling nag-ayos ng gamit. Pupunta ka kasi sa SM Building ngayon. May plano ka kasing i-date si Baekhyun. Oo, idedate mo si Baekhyun kahit 70% impossible. Magpapatulong ka na lang kay Jongin tutal friends naman kayo.

Ikaw: Hey, are you free?

Agad mong ipinadala iyon. At nga pala, nagkaayos na kayo ni Jongin. Ipinaliwanag mo mabuti sa kanya kagabi nun. Tinawagan mo kasi siya nung pagkauwi mo at buti na lamang sinagot niya nung unang tunog pa lamang.

Jongin: Yes. Why? Wanna hang-out?

Nireplyan mo siya ng 'Oo.' at sinabi mong magkikita kayo sa isang cafe na medyo tago. Pumayag naman siya agad dahil alam rin naman niya daw itong Cafe na ito. Mamahalin kasi ang Cafe na ito kaya wala masyadong dumadayo. Tanging mga mayayaman lang ang makakabili ng mga kape dun.

Umuwi ka agad pagkatapos ng klase. Nagpaalam ka na rin kay Klyppton dahil may lakad din ang isang yun pero hindi mo alam kung anong gagawin niya kaya tatanungin mo na lang siya kinabukasan kung paano niya mabibigay ang kanyang regalo para kay Kyungsoo.

Naligo't nagbihis ka at dumiretso na dun sa Cafe na pagtatagpuan niyo ni Jongin. Hindi mo pa nasasabi sa kanya na may balak ka ngayong Valentines para kay Baekhyun. Oo, kakapalan mo na mukha mo para humingi ng favor sa kanya basta makadate mo lang si Baekhyun sa tanging araw na ito.

Tumunog ang chimes ng makarating ka sa Cafe na yun. Nagpahatid ka sa driver niyo at pinaalis mo na rin siya agad dahil sabi mo eh matatagalan ka pa. Umorder ka ng Cappuccino at nagsimulang maghintay. Halos tatlong tao lang kayong nandito. May maririnig kang mga instrumental musics na talagang halatang pangmayaman.

His SasaengWhere stories live. Discover now