h s - s e v e n

11.3K 421 94
                                    

Happy 3k reads!! 

x: long comments please ♡

--

h s - s e v e n

Stay Strong

Hindi agad kayo naka-imik. Lumingon lang kayo dun sa nagsasalita. Isang matipunong lalaki na naka-black suit ang kumakausap sa inyo ngayon. Meron siyang I.D. na nakasabit sa kanyang leeg. Napaka-pormal niya at mukhang nasa mid-40's na ang kayang edad. May salamin siyang suot na bumagay sa kanyang mukha.

"May I see your I.D.s please." utos niya kaya walang anu-ano'y binigay mo ang iyong I.D. sa kanya. Tinitigan ka lang ng bestfriend mo.

"It's fake." sabi nung lalaki ng mabasa niya ang I.D. mo. Napatingin ka sa sahig dahil sa kaba. Alam mong eto na ang simula... Simula ng laban at paghihirap.

"Where did you get this?" dagdag niya pa muli. Lumunok ka ng pagkalaki-laki. Namamasa na rin ang iyong mga palad. Nanlalamig ka na, namumutla. Hindi mo na mawari ang iyong nararamdaman.

"I got it from a friend of mine." sagot mo. Gusto mo ng maka-alis sa lugar na'to. Gusto mong umiyak dahil sa takot. Gusto mo na lang na biglang mawala. Na sana lahat ng nangyayari ngayon ay sana hindi nalang totoo.

"You got it from a friend? Should I call the police now?" sabi niya na nagpalambot pa lalo ng iyong mga tuhod. Konting-konti na lang ay maiiyak ka na. Konting-konti na lang, bibigay ka na. Konting-konti na lang... makukulong ka na.

"Hello?" napabuga ka ng mahina ng biglang may tumawag sa cellphone nung lalaki. Kahit papano nakahinga ka na rin ng maluwag pero hindi pa rin talaga matatanggal ang kabang nararamdaman mo. Sino ba namang hindi kakabahan kung ilang minuto na lang eh... makukulong ka na?

"Uh Sir but?--" napabuntong hininga yung lalaki at tinignan ka ng may nagtatakang mukha. Nagtaka ka rin sa binigay na mukha nung lalaki. Iniisip mo kung sino yung tumawag sa kanya at parang tungkol sa iyo ang pinag-uusapan nila.

"Yes, sir. Noted." pagkababa na pagkababa niya ng cellphone niya ay pina-aalis na niya kayo sa Building. Nagtaka ka dahil pinalampas lang nung lalaki yung fake I.D.'s niyo. Samantalang nung kanina ay galit na galit na umabot na sa pagkakakulong.

"Hoooh! Grabe! Kinabahan ako run ah!" hinawakan ka ng kaibigan mo at naramdaman mo ring malamig ang kanyang kamay. Napabuntong hininga ka.

"Muntikan na tayo dun, Klyppton." halos hingalin mong sinabi dahil hanggang ngayon kinakabahan ka pa rin. Gusto mong umiyak ngunit wala lumalabas na mga luha.

"A-akala ko hindi na tayo makakalabas ng hindi malaya." tinignan mo ang langit at hindi mo lubos maisip kung nakikisabay ba sa inyo ang panahon dahil makulimlim rin ito katulad ng nararamdaman niyo.

---

Kayong dalawa ang laman ngayon ng balita. Halos pagkapasok mo sa iyong paaralan ay walang sawang pagpaparinig nanaman ang nasilayan mo. Isang napakagandang umaga para sayo.

"Hindi tuloy natuloy yung photoshoot ng EXO ng dahil sa kanila. Mga bwisit!" 

"Mga panira. Mga kupal." 

"Yan tuloy wala akong picture na bago ng EXO huhu."

Napayuko ka na lang sa mga pinagsasabi ng iba sayo. Oo, nahihiya ka dahil syempre nga naman, ikaw ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang photoshoot. Kung hindi dahil sa kantangahan niyo ay sana matutuloy ang dapat matuloy. Napabuntong hininga ka. Pilit mong binabalewala ang pinagsasabi nila. Pilit mong bumabangon sa pagiging mababa. 

His SasaengWhere stories live. Discover now