h s - f i f t e e n

8.9K 321 61
                                    

Happy 8k reads HIS SASAENG! MALAPIT NG MAG-10K! TAYO'Y MAGDIWANG WOOOOH~

--

h s - f i f t e e n

Deja Vu

'Sino ka ba??' yan ang nireply mo sa kung sino man na ito. Nangangalaiti ka nang malaman kung sinong nilalang ang parating nagtetext sayo. Parang feeling mo kasi sinusundan ka niya at updated na updated siya tungkol sa iyo.

[You don't need to know] yan ang mabilis niyang reply sayo. Hindi ka na mapakali. Nagtataka ka kung bakit ayaw niyang magpakilala. Marami kang naiisip na conclusions. Marami kang naiisip na taong pwedeng magtext sayo ng ganito pero ni isa wala kang maisip.

Napasabunot ka out of frustration. Kahit anong flood mo sa kanya ng text na magpakilala siya, hinding-hindi siya magpapatinag. Now, dalawa na lang naiisip mong paraan para makilala siya.

Agad mong dinial ang numero niya at itinapat sa iyong tenga ang cellphone. Nangangatog ka dahil sa kaba. Kinakabahan ka dahil malalaman mo na kung sino ito. At kung bakit ayaw niyang magpakilala. 

"Hello?" sambit mo nang marinig mong sinagot na niya ang iyong tawag. Napakagat ka sa iyong kuko dahil sa hinihintay mo ang kanyang sagot. Naririnig mo ang paghinga nung nasa kabilang linya kaya lalo kang kinabahan.

"Hello?? Sino ka ba??" medyo may diin na sa iyong boses. Nanggigil ka na dahil ayaw pa ring magsalita nung nasa kabilang linya. Gusto mo siyang sugurin ngayon pero ni hindi mo nga siya kilala tapos susugod ka sa bahay niya?

Wala pa ring sagot ang nasa kabilang linya. Para kang may kausap na tulog o kaya hangin. Nihilamos mo ang iyong palad sa iyong mukha. Napatingin sayo si Klyppton at pinagtaasan ka niya ng kilay. Kanina ka pa kasi niya napapansin na parang stress na stress ka. Umiling ka sa kanya.

"Sumagot ka nga. Sino ka ba? At text ka ng text sakin? Ha? Ano bang kailangan mo?" sunod-sunod mong tanong sa kanya. Marami ka pang gustong tanungin sa kanya ngunit wala nang lumabas sa iyong bibig.

Wala ka muling narinig na sagot. Minumura mo na siya sa iyong isipan dahil sa inis. Gusto mo nang ibato yung cellphone mo dahil sa pagiging curious. Huminga ka ng malalim para mawala ang iyong stress. Namumula na ang iyong mukha.

"Just answer my effin questions, gaddamn!" sigaw mo na lalong nagpakunot sa noo ni Klyppton. Tinabihan ka niya kaya naman napaurong ka. Hindi mo pa nasasabi kay Klyppton ang laging nagtetext sayo.

"HELLO???" sumigaw sigaw ka na pero wala ka pa ring nakukuhang sagot. Ie-end call mo na sana ng biglang narinig mong bumuntong hininga yung nasa kabilang linya.

[Someday, you'll know. Introducing myself is not a part of my job. Sorry, Mam.] at ang sunod mong narinig na lamang ay yung dial tone na hudyat na na-end call na. Napaawang ang bibig mo. Sobrang daming conclusions ang pumasok sa iyong isip. 

"Hey, you okay?" tanong sayo ni Klyppton na siyang ikinabalik mo sa realidad. Tinignan mo siya at nakita mo sa kanya ang pag-aalala. Iniisip mo kung sasabihin mo na ba sa kanya ang mga nangyayari sayo these past few days. Alam mong magagalit siya dahil ngayon ay naglilihim ka na sa kanya. Simula pa lang nung magkaibigan kayo ay hindi kayo naglilihiman. Kahit anong kabulastugan pa yan, alam na alam niyo ang mga sikreto sa isa't isa.

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon