h s - t h i r t y - t h r e e

5.9K 260 65
                                    

--

h s - t h i r t y - t h r e e

Investigating

"Amethysttt~ Saan ka ba nagpupunta punta kahapon?" bungad sa iyo ng iyong kaibigan ng makaapak ka ng kanyang kwarto. Bumisita ka muli dito sa bahay nila tutal wala namang magagawa sa bahay niyo. Wala rin naman kasi ang parents mo kaya dito ka na lang.

"Uh basta may pinuntahan lang ako." sabi mo at humiga sa malaki niyang kama. Tumingin ka sa ding-ding ng bigla kang may maalala.

"Hoy, nagdate kayo ni Kyungsoo?" tinignan mo ang iyong kaibigan na busy sa kanyang cellphone ngunit nang marinig niya ang iyong tanong ay agad niyang ibinaba ito at sumulyap sa iyo. Nagtaas ka ng kilay bahagya.

"Hindi! HINDI NIYA AKO SINIPOT! HMP!" umirap siya at napatawa ka na lamang. Nilagay mo na lamang ang headset sa iyong tenga at pumikit. Matutulog ka na muna dahil hindi ka masyadong nakatulog kagabi hudyat na rin dahil may nalaman ka nanamang hindi ka-aya aya.

"OMG OMG!! HOY GISING MAY SASABIHIN AKO SAYO!!!" naalimpungatan ka bigla ng niyugyog ka ni Klyppton. Umupo ka kahit pumipikit na talaga ang mga mata mo. Hindi mo rin alam kung gumagana ba ang tenga mo sa kanyang sasabihin.

"NAKITA KO SI KAI KAHAPON SA RESTAURANT!!!" tila isang suntok na nagpagising ng iyong diwa. Nanlaki ang iyong mga mata at napaawang ang bibig.

"Nagtataka nga ako kasi pumunta ako sa restaurant na yun ng hindi mo na ako siputin sa coffee shop. Ayaw ko naman siyang kausapin kasi nakakahiya naman like you know? Mahal ko si Kyungsoo pero yung kagwapuhan niya umaarangkada. Then yun, dahil parang na-awakward ako umalis na ako then nung inimbitahan ako nina Mama na kumain muli dun ng dinner sa pinuntahan kong restaurant, nandun pa rin siya! Mula umaga yata nandun siya at parang tulala kumbaga. I wonder kung anong nangyari dun. Narinig ko rin na nacancel daw ang Performance nila dahil kulang kulang daw ang OT12." inosenteng sabi ni Klyppton at napapa-isip.

"Klyppton." humarap ka sa kanya ng seryoso at guilty'ng guilty sa mga nangyari.

"Sampalin mo ako." sabi mo na nagpabigla kay Klyppton. Tinignan ka pa niya na parang nawweirdohan siya sayo. Pinandalatan mo siya. Sobrang guilty'ng guilty ka na sa mga nangyayari. Hindi ka na kasi pumunta dun sa restaurant na pinaghihintayan ni Kai dahil akala mo wala na siya dun. Syempre, iniisip mo na bakit naman siya maghihintay ng hanggang anong oras eh para sayo magkaibigan lang naman kayo.

"Are you out of your mind?" siguro nga nawawala ka na sa sariling katinuan. Ngayong naikumpirme mo na nga na higit lang sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya sayo ay natatakot ka na. Natatakot ka dahil hindi mo masuklian ang binibigay niyang pagmamahal.

Bumuntong hininga ka. 3 days has passed at hindi mo pa rin nicocontact si Kai. Humingi ka lang ng sorry pero pagkatapos nun ay wala na. Hindi ka na rin niya tinetext tulad ng dati. Ganun pa man, mas ayos na yun kesa makipag-usap sa kanya dahil ayaw mong malink sa kanya.

Bumaba ka sa sasakyan niyo at tinignan pataas ang bahay na nasa harapan mo. Nandito ka ngayon sa bahay nina Solardark. Napagdesisyunan mong tanungin ang lahat ng mga tanong na gusto mong itanong sa kanya. Wala ka nang paki kung ano ang iisipin niya o wala ka sa lugar. 

His SasaengWhere stories live. Discover now