h s - e i g h t

10.5K 393 89
                                    

Happy 4k reads! Maraming salamat po talaga! Lalong lalo na sa mga long comments niyo po! Debale;; dedicate-an ko naman lahat ng mga sumusuporta sa story ko! Marami po talagang salamat! :-----D

x: long comments please ♡

--

h s - e i g h t

His Number

"Dali dali! Urong ka baka makita nila tayo." bulong mo kay Klyppton habang sumisilip-silip dun sa Hotel na tutuluyan ngayon ng EXO. Nagtatago kasi kayo ngayon sa harap ng Hotel na Garden. Alas-nuwebe na ng gabi ngunit heto kayo, nang-iistalk.

"Omg omg omg Kyungsoo ko. Omygad!" pigil na pigil ang kilig ng iyong kaibigan. Malamang kailangan niyang magpigil dahil kapag narinig kayo ay mahuhuli nanaman kayo sa akto. Kaya kailagang mag-hinay hinay. Kung kinakailangan eh dapat pigilan ang sarili. Yan ang pangako niyong dalawa. 

Sinuot mo ang binoculars na kanina pa nakasabit sa iyong leeg. Hinanap mo ang mahal mo at ayun, napangiti ka nanaman ng makita mo siya. Lumakas nanaman kasi ang tibok ng puso mo.

"Hala papasok na sila! Di pa ba tayo papasok?" tanong sayo ni Klyppton na alam mong kating-kati nang mayakap si Kyungsoo. Napa-iling ka. Hindi pa kayo pwedeng pumasok dahil kapapasok pa lamang nila. Mamaya eh may makakilala sa inyo at syempre mahuhuli nanaman kayo.

"Kung hindi pa tayo papasok, hindi natin malalaman kung saang room sila?" tanong sayo ni Klyppton na siyang pinag-isipan mo. O'nga naman. Kung hindi pa kayo papasok ngayon, ay baka hindi niyo malaman kung anong room number nila. Ang target niyo pa naman ngayon ay makatabi ang EXO sa room.

"O'sige sige. Tara na pero pigil-pigilan mo yang feels mo ha. Baka mamaya mahuli nanaman tayo. Magsalamin ka para hindi tayo makilala!" sabi mo sa kanya at sinuot mo na rin yung eyeglasses na walang grado. Isa na ito sa mga kagamitan niyong pang-disguise.

Dahan-dahan kayong lumabas sa likod ng mga halaman at umaktong napadaan lang dun sa Hardin para magpahangin. Inayos-ayos niyo ang inyong mga damit para magmukhang mga professional. Tinungo niyo na ang pintuan at nung makapasok kayo ay halos lumuwa ang mga mata niyo ng makita niyo ang loob ng Hotel.

Isang napakalaking Hotel ang bumungad sa inyo. Halatang pang-first class ang Hotel na ito. Hindi pa kayo nakakapunta rito kahit mayaman kayo. Ngayon mo nga lang to napuntahan kaya hindi mo pa gamay ang papunta rito. Sinundan niyo lang naman kasi ng hindi nagpapahalata ang mga sasakyan ng EXO.

"Goodevening. Welcome to Sentibanez Hotel, Mam." bati nung clerk sa inyo. Tumango na lamang kayong dalawa at hindi nagpahalatang pumunta lang kayo rito dahil nandito rin ang EXO.

Hindi ka nagpahalatang tumingin saglit dun sa EXO na ngayo'y kausap yung commisionaire. Hindi sila masyadong pinagkakaguluhan ngayon dahil kokonti lang ang tao. Private Hotel kasi ito at puro mga exclusive or rich people lang talaga ang nakakapag-avail ng rooms.

Umupo muna kayo dun sa mga mamahaling upuan ng Hotel. Maraming bumabati sa inyong dalawa at tumatango na lang kayo bilang sagot. Maayos naman ang inyong mga itsura't suot kaya hindi kayo napaghalataang mga fangirls. Kailangan niyong maging disento kundi alam niyo na...

His SasaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon