XXVIII. Finally! We're Complete!

1.9K 36 0
                                    

ALEX's POV

Kasalukuyan kaming nag'b'breakfast dito sa malaking dining table dito sa loob ng mansion ng Stallworthy sa may private beach resort nila. Umalis na kami na suite ng mga Stallworthy dahil hindi na raw kami ligtas duon at bka may madamay pang iba kung mananatili kami dun.

Wala si Autumn, Renzo, Summer, Fall at Winter... Hayyy... Saan naman kaya nagpunta yung mga yun? Yun tuloy, sina Luhan, Tao, Weather at ang walong miyembro lang ng Wolves ang kasama namin ni hubby dito na kumakain. Ang lungkot naman.

"Are you okay?" napatingin ako sa gilid ko nung magtanong sa akin si hubby.

"Oo naman..." sagot ko at ngumiti ako ng masaya para hindi niya mapansing malungkot ako dahil kulang kulang kami ngayon. Ano ba kasi ang nangyayari sa mga yun? Dapat nag - eenjoy kami dahil bakasyon ito pero, hindi naman ganun ang nangyayari ngayon.

Maya - maya pa ay tapos na kaming kumain kaya napagdesisyunan kong tumambay na lang muna sa veranda ng bahay. Gusto ko na munang mapag - isa ngayon. Nalulungkot lang kasi ako dahil kulang - kulang kami ngayon dito.

Napasandal ako sa wall na katabi ko at pipikit na sana ako nang may makita akong isang motor na papalapit dito. At kilala ko ang may ari ng motor na iyon. Agad akong tumayo.

"SUMMER!" sigaw ko sa kanya.

Huminto naman ang motor sa harapan ng mansion at bumaba ang isang dalaga na hindi ko gaanong makilala kung sino at si Summer. Pero, nung tinanggal nung isa ang helmet niya ay nagulat ako kung sino ang nakita ko.

"Fall?!" sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa kanila. Agad naman akong niyakap ni Summer pero may naramdaman akong kakaiba kay Fall.

Ang talim ng mga tingin niya sa akin na para bang sinasabing mamamatay ako? Pero, hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka guni - guni ko lamang yun at madilim na rin kaya baka namamalik - mata lang ako.

"Saan ba kayo nagpunta at ang tagal niyong nawala?" tanong ko sa kanila nung tuluyan na kaming makapasok sa loob.

Agad naman umupo si Summer na parang pagod na pagod. Napatingin naman ako kay Fall na nagbabasakaling sagutin niya ang tanong ko ngunit isang malamig na titig lang ang nakuha ko. Ewan ko ba pero parang may kakaiba talaga sa kanya. 2 araw siya nawala pero pagbalik niya parang may naiba sa kanya.

"Summer? Fall?" biglaang pagpasok ni Weather sa living room kaya naman napatingin kaming lahat s akanya.

"Omaygee!! Andito na kayo!!" tili nito at tumakbo papunta kina Fall at Summer si Weather.

"Will you shut up?! You're irritating!"

"Come'on Fall. Parang hindi ka na nasanay diyan kay Weather..."

"Tss..."

"Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita kita ganyan pa kayo. Huhu.." kunwaring iyak naman ni Weather.

"Dumating na ba si Autumn?" tanong ni Summer and hindi ko alam kung namamalik mata lang ako sa nakita ko.

"Hindi pa..." ako na ang sumagot sa tanong ni Summer. Narinig naman ata ng iba na andito na si Fall at Summer kaya nagdatingan sila dito sa may livng room.

"Summer, Fall. Ang tagal niyo rin nawala ah. Saan naman kayo galing?"

"Wag ka ngang O.A kuya L.A. Nandito lang kaya ako kanina... tsss.." sagot naman ni Summer. Napairap na lamang si Fall sa kanya.

"Who is..." Hubby stopped mid - sentence nang makita kung sino ang dumating. His expression went from questioning to blank. Ewan, pero, parang may na - sense siyang kakaiba sa mga bagong dating. Nakatitig lang siya at hindi ko alam kung ano ang tinitignan niya. I followed his gaze at kay Fall ko nakita yun. Siguro nagtataka siya kung andito si Fall ngayon. Tama! Eh kasi naman, tatlong araw ring nawala si Fall eh. Pero, nakita ko kung paano tignan ni Fall si hubby. There is a hint of longing.

The Mafia Prince: The ChaosWhere stories live. Discover now